Gabi's POV
It's been days simula nung maka uwi kami sa Batangas. Ilang araw na rin akong umiiwas. Ilang araw na ring walang tigil ako sa kakaiyak.
Tuwing naalala ko yung nangyari gusto ko na lang maglaho pansamantala. Naisipan ko na nga bumalik sa condo ko eh. Kaso hindi ko alam kung anong idadahilan ko.
Nalaman na rin ni Kuya yung sitwasyon ko sinabi kasi sakanya ni Kuya Hans. Nalaman ni Kuya Hans dahil pinilit niya paaminin si Iya. Hindi ko lang alam kung alam na ng magulang ko.
Nag overtime ako ngayon sa office. Ayaw ko kasing maabutan si Hayme sa bahay. Bigla namang nag ring phone ko. Pag tingin ko si Kuya tumatawag.
Hindi ko na lang pinansin, alam kong kukulitin lang ako niyan na umuwi na sa Cebu. Kaya pinatay ko yung phone ko at nag trabaho na lang ulit.
9 PM na ko natapos. May mga kasama pa naman ako sa office. Inayos ko na yung gamit ko. Pag labas ako nagulat ako nakita ko yung sasakyan ni Hayme.
Tatakas na sana ako kasi pinigilan niya ako.
"Where are you going?" Tanong niya sakin habang hawak ang braso ko.
"Um. Uuwi?" Sagot ko.
"Sumabay ka na" He said.
"Ay hindi wa-"
"Inutusan ako ni Mommy kaya sumabay ka na" Wala na akong magawa kaya sumakay na lang ako.
Tahimik lang kami sa buong byahe. Yung radio lang yung maingay.
Tayo lang ang may alam
Nando'n sa pagitan ng paalam at pahiram
Tayo lang ang may alam
Tayo langNanadya ata tong radio eh. Sa dinami dami na kanta yan pa.
Sige lang, sumayaw sa hinihingi ng pagkakataon
Umindak sa kumpas ng kabog ng dibdib na hindi mahinahon
'Di niya mapapansin
'Di ka man tumingin
Dinig ko ang bawat patak ng luha moNarinig ko naman na bumuntong hininga si Hayme. Ako lang ba nakakaramdan ng awkwardness?
Pero tayo lang ang nakakaalam
Nando'n sa pagitan ng paalam at pahiram
Tayo lang ang may alam
Tayo langTayo lang. Tayo na lang sana.
Sige lang, 'di mo naman kailangan pang magpaliwanag
And'yan ako, andito kayo sa pagitan ng mga mundo
'Di niya mapapansin
Kung sa'n ka nakatingin
Abot-kamay, abot-tanaw pero 'di makagalawButi na lang nakarating na kami sa bahay kaya agad na akong bumaba hindi ko na siya hinintay. Sinalubong naman agad ako ni Ate Jewel.
"Oh himala ata sabay kayo ni Hayme, ay oo nga pala Gabi yung kuya mo kanina pa andito. Tinatawagan ka niya pero di mo raw sinasagot" Nagulat ako sa sinabi ni Ate Jewel kaya agad akong pumasok sa bahay.
Pag pasok ko andun nga ang kuya ko. Lumapit agad siya sakin nung nakita ako.
"Kuya, anong ginawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
"Ano pa nga ba eh di iuuwi na kita" He said.
Mag sasalita na sana ako kaso biglang pumasok si Hayme. Nagtitigan silang dalawa ng kuya ko.
"Ah Hayme, si Ku-" Hindi naman agad ako pinatapos ni Kuya siya na ang nagsalita.
"Mar Gabriel, nakakatandang kapatid ni Gabi" Ganyan palagi si Kuya pag ayaw niya sa tao.
"Sige Hayme mag uusap lang kami ni Kuya sa garden" Paalam ko. Agad ko naman hinila si kuya sa garden.
"Kuya diba sabi ko sayo ayaw ko muna umuwi" Sabi ko sakanya ng makarating kami sa garden.
"Gabi, iniisip ko lang ang kalagayan mo. Gusto mo pa bang bigyan pa kita ng award para sa pinaka tanggang tao sa buong mundo para lang umalis dito?" Sabi niya.
"Kuya naman eh wag OA. Hindi naman ako magpapakamatay. Gusto ko lang siya okay" I said.
"Yun nga eh minsan ka lang mag mahal. Pero pag nangyari yun alam kong sobra sobra ang binibigay mo" Hindi na ata naka move on sila Kuya sa nangyari kay Christopher.
"Basta kuya humahanap lang ako ng timing balak ko naman na talaga umalis dito eh pero hindi pa ngayon. Please kuya pag bigyan mo naman ako" Pakiusap ko sakanya. Napa buntong hininga naman siya.
"Sige pag bibigyan kita ah" Pag kasabi niya nun agad ko siyang niyakap.
"Thank you kuya" Sabi ko sakanya.
"Sus ikaw pa" He said then kumawala na ako sa yakap.
"Sige na aalis nako may hinahanap pa ako"
"Kaya pala. Sabi na eh singit lang ako sa sched mo, sige na layas ka na!" I said.
Pag katapos namin mag paalam sa isa't isa. Umalis na rin si Kuya. Maya maya eh dumating na rin sila Tita Nadz, galing kala Tita Yassi. Hindi kasama si Ate Jae, siguro kasama si Kuya Carlo.
"Where is Hayme?" Tanong ni Tito James.
"Ah nasa room po niya" Sagot ko.
"Himala Gabi ang aga mo" Tita Nadz said.
"Opo. Sabay po kasi kami ni Hayme" I said.
"Sabay kayo?" Gulat na tanong ni Tita Nadz.
"Opo. Eh utos niyo raw po sakanya na isabay ako" Napakunot naman ang noo ni Tita Nadz sa sinabi ko.
"Huh eh wa-" Bigla namang tinakpan ni Tito James ang bibig ni Tita Nadz.
"Ikaw talaga wifey, kung ano ano ang pinagsasabi mo. Pagod lang yan. Sige Gabi, we are going sleep na. Ikaw rin mag pahinga na. Goodnight!" Paalam ni Tito James then umakyat na sila sa room nila.
Di ko na lang pinansin yung sinabi nila. Iisipin ko na lang kung paano ako makaalis dito. Kasi alam ko pag lalo ko pang pinatagal lalo lang ako masasaktan.
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
Любовные романыUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...