Gabi's POV
Mabilis lumipas ang mga araw. Pabalik balik si Kuya Carlo sa bahay. Kinukulit niya kasi si Ate Jae na tumira na kasama niya.
Kung hindi pa sinugod si Ate Jae sa hospital hindi namin malalaman na si Kuya Carlo pala ang daddy. Ang mas nakakagulat pa eh kinasal pala sila sa Vegas.
Ako naman busy sa pag aasikaso sa kasal ng mga clients ko. Hindi muna ako nag focus sa kasal nila Hayme. Masyado kasing mga pa bebe. Ang gulo gulo nila, hindi ko sila maintindihan.
Atsaka pag nakikta ko silang magkasama, iba yung nararamdaman ko. Nanghihina ako na hindi ko maintindihan. Yung feeling na sana nag stay na lang ako sa Cebu at tinulungan sila Mommy sa business namin.
After kong mag ayos, bumaba na ako para kumain ng break fast. Naabutan ko naman sila Tita Nadz kumakain.
"Halika na Gabi kumain ka na" Yaya sakin ni Tita Nadz. Tumabi naman ako sa tabi ate Jae na nakasimangot.
"Oh ate Jae bat ka nakasimangot?" Tanong ko sakanya.
"Hindi pa daw kasi dumating si Carlo"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marining ko ang boses na yun.
"Mommy oh si Hayme inaasar ako!" Sumbong ni Ate Jae. Tumawa lang sila Tita Nadz. Si Hayme naman umupo sa harapan ko kaya nag focus na lang ako kumain.
"Um. Gabi. Favor naman. Pwede bang ikaw muna sumama kala Hayme sa food tasting?" Napatigil ako sa pag kain sa sinabi ni Tita Nadz.
"Dami kasing gagawin sa office eh. Kilala mo naman yang dalawang yan walang matatapos pag wala silang kasamang wedding planner. Don't worry yung iba mong gagawin sa office sila Kate na bahala dun" Explain ni Tita Nadz.
"Sige po" I said. Sinubukan kong ngumiti.
Guston gusto kong tanggihan, pero may choice ba ako?
Tahimik lang ako habang kumakain. Sila naman masayang nag kwekwentuhan. Ewan ko ba, hindi pa nag sisimula araw ko pagod na pagod nako.
"Sige po Tita Nadz una nako" Paalam ko after kong matapos kumain.
"Oh san ka pupunta? Sabay na kayo nila Hayme. Diba sasamahan mo sila sa food tasting?" Napatigil ako sa sinabi ni Tita Nadz.
Napatingin ako kay Hayme. Nakatayo na rin siya tas nakatingin rin siya sakin. Nailang ako kaya umiwas ako ng tingin.
"Si-ge po" Sagot ko. Pag kasabi ko nun, agad na naglakad si Hayme papunta sa sasakyan. Nag paalam nako sakanila at sinundan si Hayme.
Nung dumating kami sa garage hindi ko alam kung saan ako uupo sa harap ba o sa likod. At dahil mahiyain ako sa likod ako umupo.
Pag upo ko sa likod agad siyang nag start ng sasakyan at umalis na kami. Di man lang ako sinabihan na lumipat sa harapan.
Ang awkward tuloy, ni isa samin walang nag sasalita tas wala pang music. After 30 minutes tumigil kami sa isang malaking bahay.
Maya maya niluwa ng gate na yun si Sophia. Kaya pala, kaya di ako pinaupo sa passenger seat kasi andiyan si Sophia.
Hay nako Gabi malamang, siya yung bride, wedding planner ka lang.
"Hi Gabi!" Bati sakin ni Sophia ng makasakay siya sa passenger seat.
"Hi" I said. I did my best to smile.
Ayun dead air ulit. Katulad kanina nanahimik lang ako. Habang sila nag uusap. Minsan hindi ko maiwasan mapatingin sakanila. At habang tumitingin ako may unti unting dumudurog ng puso ko.
After ilang oras, nakarating na rin kami sa location namin. Agad naman akong bumaba at pinuntahan yung kausap namin sa caterer namin. Hindi ko na sila hinintay.
"Good morning Aly!" Bati ko sa head dito. Then nag beso kami. Actually kilala na namin ang isa't isa kasi sila palagi yung kinukuha namin na caterer.
Naramdaman ko naman na nasa likod ko na sila Hayme.
"Good morning din Gabi! Gumaganda ka ah! In love ka siguro noh?" Napatigil ako sa sinabi ni Aly. Feeling ko nawalan ako ng dugo sa katawan.
"Ha? An-o bang pinag sasabi mo diyan. Wa-la akong time ma inlove" Sabi ko. Nakita ko naman sa peripheral view ko na nakatingin si Hayme.
"Okay sabi mo eh, anyway let's start?" Aly said.
"Sure, um this is Hayme and Sophia" Pakilala ko. Nag batian naman sila. After nun nag start na kami mag food tasting.
At eto ako, pinapanood lang sila na nagsusubuan. Mga walang respeto. Di ba nila alam na may nasasaktan ng puso sa harap nila?
Tinext ko naman sila Iya and Cess na magkita sa condo ko.
After ilang oras na naglandian este ng food tasing nakapag decide na sila. Hinayaan ko na sila. Kasal naman nila yan eh. Atsaka wala ako sa mood. Parang may iba akong gustong gawin.
Nag paalam at nagpasalamat kami kay Aly then umalis na rin kami.
"Um sige una na kayo may pupuntahan pa ako eh. Bye" Paalam ko sakanila. Tatalikod na sana ako kaso biglang nag salita si Hayme.
"San ka pupunta?" Gusto kong umirap sa tanong niya. Pake niya ba?
"Makikipagkita ako sa friends, sige alis nako" Sabi ko.
"Bye, ingat ka!" Sophia said. Nginitian ko lang siya.
Agad akong pumara ng taxi papunta sa condo ko. Pag dating ko dun sakto andun na rin sila. Buti na lang umuwi yung parents ni Cess galing Cebu kaya may magbabantay kay Jared.
"Alam mo nag tataka ako kung bat ka nag yaya uminom" Sabi ni Iya ng makapasok kami sa condo unit ko.
"Bakit masama ba? Na miss ko lang uminom" Sagot ko.
"Weh? Na miss uminom? Or brokenhearted ka?" Napatigil ako sa sinabi ni Cess.
"Hi-ndi ako brokenhearted noh. Bat naman ako ma brobroken?" Sabi ko.
"Si Hayme" Sabay nilang sabi.
"Oh anong meron sakanya? Wala akong pake dun" Sabi ko sakanila.
"Alam mo hindi mo naman kailangan i-deny eh. Aminin mo na kasi na may nararamdaman ka na sakanya" Iya said.
Meron ba? Meron nga ba akong dapat aminin?
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
RomansaUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...