JHWP: Twenty

9.3K 179 9
                                    

Gabi's POV

Papunta kami ngayon kung saan sila mag papagawa ng invitations. Andito lang ako sa back seat nakapikit ang mga mata dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

Yung dalawa naman ang tahimik din nila. Music lang sa radio ang maingay sa sasakyan na toh.

Kanina ko pa iniisip na bumalik ng Cebu pagkatapos kong planuhin itong wedding na toh. Miss ko na rin kasi sila Mommy atsaka para makalimutan ko tong feelings ko.

Maya maya eh nakarating na rin kami sa shop. Buti na lang di ganun kalayo. Bumaba na agad ako at nauna ng pumasok shop.

"Hi Gabi! May bago nanaman kayong client?" Sabi sakin ni Tita Liz siya yung  may ari nung shop.

"Ah opo. Anak po ni Mam Nadine. Si Hayme" Pagkasabi ko nun biglang pumasok sa shop si Hayme at Sophia.

"Ahh. Infairness ah bagay sila" Tumango na lang ako sa sinabi niya. Sus mas bagay kami noh.

Sinumulan na nila tumingin ng invitations. Habang ako naman nakaupo lang nakatulala. May hangover pa kasi ako.

"So beach wedding kayo right. Pwede niyong gawin is yung seal ng invitation niyo is shells" Tita Liz said. Ako naman nanahimik lang.

"Pwede rin. Ano sa tingin mo Hayme?" Sophia said. Tumingin lang sakanya si Hayme tas lumingon siya sakin.

"What do you think Gabi?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Hayme.

"Huh? Ako?" Nagtatakang tanong ko sakanya. He just nodded.

Anong problema nun bat ako tinatanong niya. Ako ba yung kakasal. Baliw.

"Umm maganda. Pwede" Sagot ko. Nag nod na lang siya at nag usap ulit sila sa design.

Hay nako Gabi feeler ka lang. Tinanong lang nj Hayme yun sayo kasi ikaw ang wedding planner wag assumera.

Maya maya eh sobrang nakaramdam nako ng hilo.

"Excuse me po mag cr lang po ako" Paalam ko sakanila at umalis na dun.

Pumunta ako ng cr at sinubukang sumuka pero wala talaga akong maisuka. Kaya lumabas na lang ako ng shop at nag pahangin.

Umupo muna ako sa isa sa mga bench na nakalagay dito at pinikit ang aking mga mata.

"Hey" Napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Hayme.

"Hay-me?" Anong ginagawa niya dito?

"Here" He said sabay abot sakin ng Gatorade. Tinignan ko siya ng nagtataka.

"Nakakawala yan ng hangover" Sabi niya sakin.

"You don't have to" Sabi ko sakanya.

"I insist" He said.

Di nako nag salita. Ni isa samin wala. Dead air.

"Gabi" Lumingon naman ako Hayme nung tinawag niya name ko.

"Remember when we went to Antipolo? You promised that you will take care of yourself. Please sana gawin mo" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Di ko yun inaasahan.

"I'm so worried about you last night. Sana wag mo ng uliti yun" He said.

Bakit sino ba ako sa buhay niya para mag alala siya ng ganyan.

"Kaya ko naman sarili ko eh. I'm an independent woman." Sabi ko sakanya.

He was about to say something kaso dumating na si Sophia.

"Let's go?" Yaya samin ni Sophia. Tapos na sila? Ang aga naman nila matapos.

Di nako nag tanong pa. I just nodded then sumunod sakanila sa sasakyan.

Buong byahe natulog na lang ako. Buti na lang binigyan ako ni Hayme ng gatorade kaya medyo umayos pakiramdam ko.

Pag gising ko nasa bahay na pala kami. Hindi ko na pinansin yung dalawa bumaba na agad ako ng sasakyan.

Pag pasok ko sa bahay nakasalubong ko si Tita Nadz. Ang aga naman niya ata ngayon.

"Hi po Tita Nadz" Bati ko sakanya then nag beso ako.

"Ang aga niyo naman atang matapos" Tita Nadz said.

"Eh nag mamadali po kasi si Hayme" Sophia said. Di ko namalayan na nasa likod ko pala sila.

"Bakit naman? Ay siya nga pala this weekend niyo na pupuntahan yung venue ng kasal niyo sa Batangas" Sabi sakanila ni Tita Nadz.

"Po? Eh bawal po kasi ako ngayong weekend eh may gagawin po kasi ako" Sophia said.

Ano bawal nanaman siya? Dami niyang dahilan.

"Ah ganun ba. Wala na kasing time eh. This weekend lang pwede. Sige sasabihan ko na lang sila na hindi kayo tuloy" Tita Nadz said.

"No! Tuloy this weekend. Gabi will accompany me" Nagulat ako sa sinabi ni Hayme.

Aangal pa sana ako kaso nag salita na si Tita Nadz.

"Good! Sige una nako sainyo may aasikasuhin pa aasikasuhin pa ako sa office eh. Byeee!" Tita Nad said then umalis na siya.

Fvck. Balak ko na nga umalis dito sa bahay tas makakasama ko pa si Hayme sa weekend. Fvck

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon