JHWP: Ten

10.3K 196 23
                                    

Gabi's POV

Kakalabas ko lang ng room ni Ate Jae. Kanina pa siya iyak ng iyak, nakita daw kasi niya ang daddy ng baby niya na may kahalikan na iba. 

Tsk tsk boys talaga, pag sasabihin ko nga si Kuya Hans. Baka makabuntis din yun ng di niya alam sa sobrang kalandian niya. 

Pumunta muna ako sa room para mag ayos ng kaunti at kunin ang bag ko. Nasa baba na kasi sila Iya and Cess. Pupunta kami ngayon sa mall tutal wala naman kaming pasok. 

Pagbaba ko nakita ko silang dalawa nakaupo sa sofa. 

"Let's go!" Yaya ko sakanila. 

"Grabe friend ang ganda ng bahay ng boss mo!" Cess said. 

"Oo nga! Teka asan si Hayme?" Tanong ni Iya. 

"Nasa office" Sagot ko. 

"Ayieee! Alam niya! Ikaw ah!" Asar ni Cess.

"Nako, tigil tigilan niyo nga ako, ikakasal na yung tao okay? Tara na nga!" I said. 

Lumabas na kami at sumakay sa sasakyan ni Iya. 

Habang nasa sasakyan hindi ko mapigilin isipan ang nangyari kagabi. Sobra daw siya nag alala? Tapos sinabihan niya pa ako ingatan ang sarili ko. Naka drugs ba yun?

Halos isang oras bago kami nakarating sa mall. Pag pasok namin sa mall agad kaming pumunta sa H&M. 

"Uy may tanong ako sainyo" Sabi ko sakanila habang tumitingin kami ng mga damit.

"Ano yun?" 

"Pano pag sinabihan ka ng lalaki na alagaan mo ang saril mo kasi sobra siyang nag aalala pag may sakit ka?" Tanong ko sakanila. 

"Um siguro may gusto siya sayo" Cess said. 

"O kaya espesyal ka sakanya" Habol ni Iya.

"Eh pano kung taken na yung taong yun?" Tanong ko. 

"Eh di malandi siya!" 

"Hoy Iya grabe ka naman, malandi agad? Baka caring lang" Sabi ni Cess kay Iya. 

"Anong caring ka diyan?! Taken na tas ganun siya? Hay nako Gabi parang hindi mo naman alam ng mga galawan ng fuck boys eh, Kuya Hans pa nga lang oh" Iya said. 

"Teka bat mo ba yan tinatanong? Hoy Gabriella Marie, may hindi ka ba sinasabi samin?!" Hindi naman ako makatingin sakanila dahil sa sinabi ni Cess.

"Ha? Wa-la noh" I said then iniwan ko sila, pumunta ako dun sa mga sapatos. Pero syempre sinundan nila ako. 

"Anong wala! Hoy umamin ka anong meron sainyo ni Hayme?!" Tanong ni Iya. 

"Pwede ba hinaan mo yung boses mo!" Sabi ko sakanya. 

"So meron nga?" Cess asked. Napa buntong hininga na lang ako sa kakakulitan nila.  

"Tara muna sa pizza hut, nagugutom, ikwekwento ko na lang sainyo habang kumakain" I said. Pumayag naman sila kaya luamabas kami ng H&M at pumunta sa pizza hut.

Pagkatapos namin mag order, agad nila ako pinilit na mag kwento. 

Kaya ayun kwinento ko sakanila lahat simula nung naging wedding planner ako nila Hayme. 

"Feeling ko nag selos siya sainyo ni Kuya Hans!" Cess said habang kinakain niya ang kanyang pizza.

"Impossible! Ikakasal na siya kay Sophia!" Sabi ko.

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon