JHWP: Twenty Six

10K 193 12
                                    

Gabi's POV

It's been 2 months simula nung umalis ako sa pamamahay ng mga Reid. Nung una ayoko paalisin  nila, pero wala rin silang nagawa kasi desidido nakong umalis. 

Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isipan ko yung nangyari samin ni Hayme. Kinabukasan pag gising ko wala na siya sa tabi ko. 

Alam kong napaka tanga yung ginawa ko. Nag promise pa ako sa sarili ko na ibibigay ko lang yun sa taong papakasalan ko. Wala eh. Tanga ko. 

Hindi na rin ako masyado pumapasok sa office, humingi ako ng leave. Hindi dahil gusto kong iwasan si Hayme, siguro isa na yung dahilan pero kasi laging masama pakiramdam ko. 

Laging mabigat pakiramdam ko. Tamad na tamad akong kumilos. Siguro dahil nga brokenhearted ako kaya ganito ako. 

Kaya eto nakahiga lang ako sa kama ko. Bigla naman nag ring phone ko pag tingin ko si Iya tumatawag.

"Oh?" 

[Bat ang aga aga ang sungit sungit mo?] Sabi niya. 

"Hindi ako masungit noh!" 

[Anong hindi? Sampalin kita diyan eh] 

"Whatever" Naiinis ako sakanila pag sinasabihan nila akong masungit kahit hindi naman. 

[Namo! Oh papunta nako diyan. Kawawa ka naman eh wala kang kasama]

"K! Dalhan mo ko ng bagoong rice sa seafood island" Request ko sakanya. 

[Ano?! Eh ang mahal mahal nun eh.] 

"Eh di wag kang pupunta dito pag wala yun!" 

[Oo na! Sige na!] 

"Yey byee!" I said then I ended the call. 

Maya maya si Jude naman ang tumatawa sakin. Ewan ko ba dito, lagi na akong kinukulit neto these past few months. 

"Bat ka tumatawag?" 

[Nag susungit ka naman. Wala lang gusto lang kita kamustahin] He said. 

"Ah eto tao parin naman" 

[Hay nako. Kelan kaya kita makakausap ng matino?] 

"Pag hindi ka na fuckboy so hindi mangyayari yun" 

[Hay nako Gabi, ikaw lang naman ayaw maniwala na nagbago nako eh]

"Wala parin akong pake gago" Ewan ko ba iritang irita ako kay Jude. 

[Tss. Oo alam ko na. By the way tatanungin sana kita kung aattend ka ng wedding nila Hayme next month?] Biglang lumakas kabog ng dibdib. 

Kakasal sila? Tuloy ang kasal?

So ginamit niya lang talaga ako. 

"Ah hindi ko pa alam. Baka nasa Cebu na ako nun"  Totoo naman. Balak ko na kasi talaga. Masyadong maliit ang Manila para samin ni Hayme. 

[Ah ganun ba.Sige call me ah. Para may ka date ako] 

"Si-ge. Matutulog nako" Sabi ko at binaba agad yung tawag. 

Hindi mawala sa isipin ko yung sinabi ni Jude. Akala ko ba nahuli niya si Sophia na niloloko siya? Bat tuloy parin yung kasal?

Ganun niya ba kamahal si Sophia kaya kaya niyang iwan ako? 

At dahil inaantok na nanaman ako natulog na lang ulit ako. 



Ilang oras din ako nakatulog may narinig na akong kumakatok sa pintuan. Tamad na tamad akong bumangon at buksan yung pinto. Pag bukas ko si Uya ang bumungad sakin. 

"Bat ang tagal mo?" Tanong ko sakanya. 

"Hindi naman po madaling humanap niyan" She said. Di ko na lang siya pinansin kinuha ko na lnag yung pagkain niyang dala at pumunta agad sa dining room. 

 "Wow ha hindi man lang ako yayain kumain" Sabi niya at sumama na sakin sa dining room. 

"Kaya mo na sarili ko" Sabi ko sakanya at kinuha yung bagoong sa ref at inulam ko sa bagoong rice.

"Gago Gabi, mandiri ka naman sa kinakain mo. Bagoong rice na yang kinakain mo tas bagoong pa yung ulam mo!" 


"Eh masarap eh! Wala kang pake" Sagot ko sakanya.

"Buntis ka ba?" Natigilan ako sa tanong ni Iya. 

Biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko. Fvck. Kelan ba ako huling nagkaroon? 

"Ay syempre di totoo yun. Wala ka namang boyfriend" She said. 

2 months. 2 months nakong wala. 2 months ago may nangyari samin ni Hayme.

"I-ya" Tawag ko sakanya. 

"Oh bat ka umiiyak?" Nag aalalang tanong niya. 

"Bu-ntis ata ako" Nagulat si Iya sa sinabi ko. 

"Ha?! Anong pinagsasabi mo diyan!? Sino naman naka buntis sayo?!" Sunod na sunod na tanong niya. 

Hindi ko pa kasi nakwekwento sakanila. Kinimkim ko lahat yun. 

"Si Ha-yme" At dun nako natuluyang humagulgol. Niyakap naman ako ni Iya. 

"Jusko naman Gabi ano bang pinag gagawa mo sa buhay mo? Ano bang nangyari?" Kwinento ko naman sakanya ang lahat. 

"Tama na Gabi. Pero ang tanga mo parin. Pero don't worry kung buntis ka man andito lang kami. Sasamahan ka namin mag sabi kala tita. Hindi ka namin iiwan" Iya said. 

"Salamat Iya" Sabi ko sakanya. 

"May balak ka bang sabihin sakanya?" 

"Wala" Yun lang ang sagot ko. Nanahimik na si Iya mukang ayaw niya muna makipagtalo sa bagay na yun.

Ayaw ko ng magulo pa ang buhay ni Hayme. Pag nalaman niya yun alam kong iiwan niya si Sophia at ayokong mangyari yun. 

Ayokong ma stuck siya samin ng magiging anak namin dahil alam kong kahit kami ang pinili niya ang puso niya ay nakay Sophia parin. 





Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon