JHWP: Nine

10K 205 13
                                    

Gabi's POV

Maaga akong gumising ngayon kahit hindi ako sanay,para hindi magkita ang landas namin ni Hayme. Naiinis ako sa ginawa niya kagabi. Panira ng plano bwiset.

Pagdating ko ng office,kaunti pa lang ang tao. 6 AM pa lang kasi ng umaga.

Inayos ko na lang yung schedule namin ngayon ni Tita Nadz. Mga 8 AM siyang nakarating sa office.

"Good morning po" Bati ko sakanya.

"Good morning din Gabi, sabi ko naman sayo diba sumabay ka na sakin sa pag pasok" She said.

"Okay lang po, maaga kasi ako nagising kanina kaya pumasok na lang po ako ng maaga" Sagot ko.

"Ah okay. Oo nga pala, kami na bahala ni Myrtle sa mga clients natin ngayon. Samahan mo na lang si Hayme sa pag plan ng wedding niya. Kawawa naman kasi nasa palawan ngayon si Sophia kaya wala siyang makakasama" Nagulat naman ako sa sinabi ni Tita Nadz.

"Ah. Si-ge po, ako na bahala kay Hayme" I said.

"Thank you Gabi ah, sige pasok nako" She said then pumasok na siya sa office niya.

Napaupo naman ako sa chair ko. Hay akala ko maiiwasan ko siya ngayon. Mag sasama pala kami mag hapon.

Maya maya bigla kong naramdaman na may nakatayo sa harapan ng desk ko. Pag tingin ko si Hayme ang nakita ko.

"Oh andiyan ka na pala, upo ka na. Mag start na tayo" Sabi ko sakanya. Umupo naman siya.

Kinuha ko na ang planner at ballpen ko.

"Church wedding kayo diba? Anong theme niyo? Vintage, Royal,-" Di ko natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang nag salita.

"Gabi, I'm so-rry about last night"

"Don't worry about it. Alam kong concerned ka lang  sa wedding niyo. Wag na natin pag usapan yun. Mag plan na lang tayo" I said then binalik ko ang tingin sa planner ko.

"So anong theme?" Tanong ko ulit sakanya.

"I changed my mind. I want a beach wedding" Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Oh akala ko ba sa harap ng diyos mo siya gustong pakasalan? Bat ngayon sa dagat na?" I said.

"Sophia wanted a beach wedding" He said. I just nodded.

Nag plano na lang kami, halos 2 PM ba rin kami natapos. Hindi kasi namin namalayan ang oras.  Tatayo na sana ako para mag lunch kaso biglang nag salita si Hayme.

"Umm. Do you want to have lunch with me?" Tanong niya.

"No tha-"

"Please. Para makabawi man lang ako sayo" He said.

"Wag na okay nga lang"

"Please. Pag di ka pumayag kukulitin kita" Napairap naman ako sa sinabi niya.

"Libre mo ba?" Pabiro kong tanong. Napatawa namam siya.

"Yes"

"Eh ano pang hinihintay mo diyan? Tara na" I said then tumayo na.

Aba sayang noh, libre din yun.

Pumunta na kami sa parking lot kung saan naka park ang kotse niya at umalis na. Sa malapit lang kaming restaurant pumunta.

"What do you want?" Tanong niya.

"Ikaw na lang bahala" Sagot ko.

Maya maya eh dumating na yung waiter para kunin yung order. Hinayaan ko na lang siya mag order. Umalis na rin yung waiter pagkatapos makuha ang order namin.

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon