Gabi's POV
Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Parang ilang hammer ang pumupokpok sa ulo ko. Kahit gustong gusto ko na imulat mga mata ko hindi ko magawa.
"Ang saaaakiiiit!" Hindi ko maiwasan mapasigaw habang hinahawakan ang ulo ko. Ugh. I hate this feeling! Lakas kasi mag yaya uminom yan tuloy.
"Are you okay?" Napabangon ako ng di oras ng marinig yung boses na yun.
Biglang lumakas yung kabog ng dibdib ko.
"A-nong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Hayme na nasa harapan ko ngayon. Sht.Bigla akong nakaramdam ng hilo. Ikaw ba naman kasi kahit sobrang hirap imulat mata ko nagawa ko.
"Nahihilo ka parin ba?" Tanong niya.
"Ano nga ginagawa mo dito?" Tinanong ko ulit siya.
"You were drunk last night. You called me." Nagulat ako sa sinabi niya. Fvck. Ibig sabihin niyan...
"You were crying" Pucha. Wag mong sabihin na umamin ako sakanya?!
"An-ong sinabi ko?" Tanong ko.
"You told me na masakit para sayo na maging wedding planner namin" Nanahimik ako sa sinabi niya. Nakakahiya gago.
"Tell me Gabi, bat ka nasasaktan na maging wedding planner namin?" Bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong niya.
"Kasi ano, ang ano.. ang ibig kong sabihin ang sakit niyo sa ulo maging client! Ang gulo niyo kausap hirap niyong intindihin!" Wew. Sana makalusot ako.
"Ikaw talaga" He said then nag smile siya tapos ginulo niya yung buhok. Teka ibig sabihin ba nun naniwala siya sa dahilan ko?
"Here lagay mo sa ulo mo para di na sumakit yan" He said then binigay niya sakin yung cool fever. Teka pano niya nalaman na ito yung nilalagay ko pag may hangover ako?
"I asked Iya" Bigla niyang sabi.
Putek teka kinkilig ako! Di pwede toh!
Para hindi mahalata na kinikilig ako kinuha ko agad sakanya yung cool fever tas nilagay sa noo ko.
"Ah salamat sige alis ka na, kaya ko na sarili ko" Sabi ko sakanya. Hihiga na sana ako kaso bigla niya akong pinigilan.
"Ba-kit?" Nag tatakang tanong ko sakanya.
"Kain ka muna, para di sumakit sikmura mo"
Dug.Dug.Dug.
Punyemas na Hayme toh kanina pa siya ah!
"Hindi wag na okay lang" I said. Pero pinigilan nanaman niya ako humiga. Putek Hayme patulugin mo na ako namumula na me!
"Ano ba! Gusto ko ng matulog! Ang kulit mo naman eh nakakainis ka na!" Sigaw ko sakanya.
"Pag sinabi kong kakain ka, kakain ka"He said. Yung feeling na pag di ko siya sinunod kakain niya ako ng buhay. Pabor charot.
"Oo na po" Sabi ko. Bababa na sana ako sa kama ko pero pinigilan niya ako.
"Oh akala ko ba kakain ako? Ang gulo mo bes ah!" I said.
Instead of answering me, tumayo siya at kinuha yung tray na may laman na bowl and water sa may malapit na table.
Nananaginip ba ako?
Pag tingin ko dun sa laman nung bowl, crab and corn siya. Sht fave ko yan.
"Sa-lamat" Sabi ko sakanya. Kukunin ko na sana yung tray kaso pinigilan nanaman niya ako. Hilig niya mag pigil noh? Isama na niya rin sana feelings ko.
"Susubuan na kita. Wag ka ng mag reklamo diyan" He said. Tumango na lang ako. Wala naman na akong choice. Atsaka ini-enjoy ko toh noh!
Habang pinapakain niya ako di ko maiwasan na mapatitig sakanya. Gosh. Yung mata niya nakakatunaw. Tas yung lips niya. Ang swerte ni Sophia sakanya.
Hay nako pano naman ako makaka move on kung ganito?Atsaka bat niya ba toh ginagawa. Sino ba talaga ako para sakanya? Kahit anong gawin kong layo sakanya binibigyan niya ako ng reason na mag stay.
"Staring is rude" Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita kaya inalis ko yung tingin ko sakanya.
"Ka-pal ah" Nauutal kong sabi.
"Sus tunaw na nga ako eh" He said then smiled. Nako Hayme ako ata ang natutunaw.
"Umm. Gabi, can I ask you a question?" Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.
"Sure" I said.
"Do you... Do you li-" Hindi niya natapos yung sinasabi niya kasi may biglang pumasok sa room.
"Babe!" Ayan na Gabi, andiyan na ang legal wife, know your place na.
"What are you doing here?" Aba gago toh si Hayme tanungin ba naman yung fiance kung anong ginagawa dito.
"Diba may lakad tayo ngayon titingin tayo nung design para sa invitations" Sophia said then napatingin siya sakin.
"Oh Gabi may sakit ka?" Tanong niya.
"She's not feeling well kaya i cancel muna natin" Nagulat ako sa sinabi ni Hayme. Baliw ba siya?!
"No! Ituloy na natin. Kaya ko naman eh" I said.
"No hindi mo kaya. Kaya dapat mag pahinga ka muna" Hayme said. Luh nek nek niya.
"Ano ba Hayme okay nga lang sabi eh, sige na labas na kayo mag aayos pa ako" Sabi ko. Mukang wala naman silang magawa kaya they just nodded and then lumabas na.
Andiyan lang siya para sa wedding, hindi para sakin. Kaya wag assumera.
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
Любовные романыUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...