Gabi's POV
Papunta ako ngayon sa mall kung saan magkikita kami nila Cess. Kahapon pa kasi nila ako kinukulit about dun sa nangyari nung isang araw. Eh hindi naman pwede kahapon kasi may pasok ako atsaka nag hanap kami ni Hayme ng venue kahapon.
Pagka park ko ng sasakyan ko agad akong pumunta sa Jollibee kung saan andun sila Cess. Pagdating ko dun agad ko silang nakita.
"Oh buti naman dumating ka na. Akala namin di ka na pupunta" Iya said.
"Sorry naman, nakipag kita pa kasi ako kay Kuya Hans tapos bumalik pa ako sa bahay para kunin yung sasakyan ko" Explain ko sakanila.
"Dapat nagpa hatid ka na lang kay Hayme" Cess said. I mentally rolled my eyes.
"Asan pala si Jared?" Tanong ko.
"Andun nag lalaro. At wag kang change topic" Sabi ni Iya sakin.
"Ano yung sinasabi ng Anak ko na nag bahay bahayan kayo? At ano yung sinubo sayo ni Hayme?" Sunod sunod na tanong ni Cess.
"Anong sinubo? Malamang pagkain!" Inis kong sagot. Kasi naman mga utak.
"Oo nga pagkain! Bakit ano ba nasa isip mo?" Sus kunwari pa tong si Cess.
"Eh ano yung sinubo niya sayo? Hotdog?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Iya kaya binato ko siya ng ketchup. Yung dalawa naman tawa ng tawa.
"Eto naman di mabiro. Pero seryoso ano ba talaga nangyari?" Tanong ni Cess. Huminga muna ako ng malalim bago ko ikwento sakanila ang lahat.
Kwinento ko naman sakanila ang lahat ng nangyari simula nung pumunta kami sa office hanggang sa umuwi kami.
"Bakit niya kaya ginagawa yun?" Nagtatakang tanong ni Iya.
"Eh para kay Jared malamang" Sagot ko.
"Oh bakit disappointed ka? Gusto mo ba dahil sayo?" Napairap naman ako sa sinabi ni Iya.
"Pero friend sino yung nag check kay Jared? Ang sabi niya kasi hindi daw si doc pogi" Oo nga pala hindi ko pa sinasabi sakanya. Naging busy rin kasi ako.
"Mark. Mark Sy" Natigilan naman siya sa sinabi ko.
"Seryoso?! Mark Sy? As in yung ano ni ano?!" Etong si Iya maka react akala mo siya yung iniwan.
"Oo nga"
"Sinabi mo ba anak niya si Jared?" Tanong ni Iya. Si Cess naman nanahimik.
"Syempre hindi. Akala nga niya anak namin ni Hayme eh. Pero nung binasa niya yung buong pangalan ni Jared. Dun niya na realize na anak niya. Pero di naman siya nag tanong kay Jared or ano, chineck niya lang si Jared" Sagot ko.
"Wag tayo mag change topic. Andito tayo para pag usapan yung kay Hayme at Gabi" Cess said. Sayang! Akala ko makakatakas ako!
"So anong gagawin mo?" Tanong ni Cess.
"Anong gagawin ko? Malamang magiging wedding planner nila ako. " Sagot ko.
"Pano yan? Love mo na si Hayme." Iya said.
"Ano ba hindi ko nga mahal si Hayme"
"Pero gusto mo siya" Natingilan ako sa sinabi ni Cess. Hindi ako makasagot. Kasi alam kong totoo.
"Kaya ko pa naman pigilan eh. Mawawala din tong nararmdaman ko" Sabi ko sakanila habang nakangiti.
"Pano pag hindi mo napigilan? Pano pag lalo pag lumalim feelings mo sakanya?" Nawala yung mga ngiti ko sa sinabi ni Iya.
"Ninang!" Buti na lang dumating si Jared.
"Hello baby" Bati ko sakanya. Napatingin naman siya sa likod ko.
"Tito Hayme!" Nagulat naman kaming lahat. Kaya napalingon agad ako. Tumakbo si Jared papunta sakanya at binuhat naman siya ni Hayme.
"Tito ano gawa mo dito? Kasama mo ba si Ninang gabi? Nag date ba kayo?" Nako Jared talaga! Tumawa na lang si Hayme sa sinabi ni Jared.
"Umm, baby halika punasan ka muna ni Mommy ng pawis" Cess said. Kaya agad bumaba si Jared kay Hayme at lumapit agad kay Cess.
"Upo ka" Yaya ni Iya. Kaya umupo si Hayme sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Kanina pa kaya siya diyan? Narinig kaya niya mga pinagsasabi namin?
"May binili lang tas nakita ko kayo dito" He said.
"Baby ko, diba naiihi ka? Tara cr tayo" Yaya ni Cess kay Jared.
"Ay ako din sama ako!" Iya said then umalis na sila. Tss. Alam ko nama na sinasadya nila yun.
Mga ilang minutes sigurong walang nag salita samin.
"Gabi, can I ask you something?" He said.
"Oo naman"
"Do you like someone?" Nagulat ako sa sinabi ni Hayme. Hindi ako makagalaw.
"Narinig ko kanina yung sinabi ni Iya sayo." Pucha naman oh.
"Ah oo meron" Sabi ko na hindi tumitingin sakanya. Siguro naman hindi niya tatanungin kung sino.
"Sino?" Wtf? Akala ko naman hindi siya mag tatanong! Bat ba kasi siya nag tatanong?
"Gabi!" Napatingin naman kami pareho ni Hayme sa nag salita.
"Jude?"
"Hi Gabi!" Bati niya sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Bat ba ang hilig sumulpot ng mga tao ngayon?
"I saw your friends, tinanong kita kung nasan. Diba nag promise ka mag de-date tayo?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Wala naman akong sinabing date ah.
Magsasalita na sana ako ng biglang hawakan ni Hayme ang kamay ko at hinila ako patayo.
"Teka, san mo ako dadalhin!" Tanong ko sakanya. Pero bigla naman kaming pinigilan ni Jude.
"Bro what is your problem? Kausap ko pa si Gabi eh" Jude said. Lalong humigpit ang hawak ni Hayme sa kamay ko.
"O-o nga. Nag uusap pa kami atsaka si-"
"Nasa hospital si Ate Jae" Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Sige Jude una na kami" Hindi na hinintay ni Hayme si Jude mag salita agad niya akong hinila.
Nasalubong naman namin sila Cess pag labas ng Jollibee.
"Friend una na kami ah, sinugod kasi si Ate Jae sa hospital eh! Bye!" Paalam ko sakanila.
"Bye!" Narinig ko namang sabi nila.
Hanggang sa parking lot hindi parin binibitawan ni Hayme ang kamay ko.
"Hayme, bitaw na pupunta na ako dun sa sasakyan ko" Sabi ko sakanya.
"Wag na. Sumabay ka na sakin" He said.
"Pero ano, okay lang wa-"
"I said, sakin ka sumabay!" Nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw.
Kaya sinunod ko na lang siya. Tahimik naman kami buong byahe. Teka ano bang ginawa ko? Bakit ba siya galit? Alam na niya kaya na siya yung gusto ko kaya galit siya? Pero impossible.
Ano bang nangyayare sayo Hayme?
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
RomanceUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...