JHWP: Thirty Five

9.7K 169 3
                                    

Gabi's POV

Nag aayos na ako ngayon, kakatapos ko lang maligo. Pupunta pala ako ng grocery ngayon kanina ko lang naalala nung naliligo ako.

Nasa baba pa kaya si Hayme or umalis na siya? Hindi ko kasi napansin kung umalis siya kasi tumaas agad ako nung sinabi ko na kambal ang magiging anak namin.

Pagkatapos kong mag ayos nagulat ako ng makita ko si Hayme pag baba ko. Nakaupo lang siya sa sofa, tulala lang. Baliw na ba toh?

"Bakit andito ka parin?" Mukang natauhan naman siya nung narinig niya boses ko.

"I want to be with you" He said.

Bakod Gabi. Bakuran mo puso mo.

"Ganun ba, pupunta ako grocery eh kaya di kta maasikaso" Sabi ko.

"I'll come with you, tutulungan na kita"

"Hi-" Bago ko pa matapos sasabihin ko nag salita na siya.

"I insist"

"Sige sabi mo eh" I said then lumabas na kami ng bahay.

Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa grocery. Kumuha siya nang cart at sinundan lang ako.

"So how are you?" Biglang tanong niya habang tumitingin ako ng mga fruits.

"Okay naman" I said. Hindi purket binigyan ko siya ng isa pang chance magiging okay na kami. Mahirap ibalik ang dati.

"Eh ang mga anak natin?" Natin.

"Okay naman daw sila sabi ni Doc" Sagot ko.

"I still can't believe it" Napatingin naman ako sa sinabi niya.

"Na?"

"Na you gave me chance again and we are having kids" He said.

"Ginawa ko lang ang tama. Ginawa ko yun para sa mga anak ko" I said then umalis at pumunta sa mga karne.

Tumahimik ulit siya after namin mag usap. Pagkatapos namin mag grocery tinulungan niya ako dahil yun sa bahay. Tahimik parin kami mag sasalita lang kung kailangan.

Habang nag aayos ng mga pinamili biglang sumipa yung mga anak ko kaya napatigil ako at umupo.

Napansin naman iyon ni Hayme kaya nilapitan niya ako.

"Are you okay?" He said.

"Okay lang. Medyo sumasakit lang tiyan ko. Pago lang siguro toh." I said.

"Tumaas ka na. Ako na bahala dito. You need to rest" Hindi nako umanga sa sinabi niya kaya tumaas nako.

Nagpalit lang ako ng damit then humiga nako at natulog.











Nagising ako na parang may humahaplos sakin.

Pag gising ko muka agad ni Hayme ang nakita ko. Nakatingin lang siya sakin habang hinahaplos ang buhok ko.

"Are you feeling okay already?" He asked.

Napakalapit niya saakin. Amoy na amoy ko siya. Ewan ko ba parang gusto kong yakapin siya ng mahigpit at amoy-amoyin siya.

"Do you want to hug me? Sabihin mo lang pwedeng pwede naman" He said then he tumawa siya.

Aba ang kapal ah!

Mag sasalita pa sana ako ng bigla niyang hinila pa ako lalo palapit sakanya at niyakap.

Dug.Dug.Dug.

Ang saya ng pakiramdam ko ngayon. Feeling ko safe ako, kami ng kambal ko. I feel loved. I feel so safe.

It feels like home.

"Are the twins okay? Baka naaiipit ko na sila" He said.

"Hi-ndi naman" Sagot ko.

Bigla naman siyang bumitaw sa pagkayakap. Hala gusto ko pa!

Hinaplos haplos naman niya ang tiyan ko.

"Hi babies, your mom and I are so excited to see both of you. Stay healthy okay? Wag masyadong pahihirapan si mommy" Biglang natunaw ang puso ko sa sinabi niya.

"May pangalan ka na ba para sakanila?" He asked.

"Wala pa naman. Pero gusto ko parahes JM initials nila" Sagot ko.

"I'm so excited. Sana I can always be here for you and for our babies"

"Hayme" Tawag ko sakanya

"Yes?"

"Bakit hindi natuloy kasal niyo ni Sophia?" Nagulat siya tanong ko.

He's just staring at me. Na parang ba iniisip mabuti ang sasabihin niya.

"She cheated on me. Remember?" He said.

Yun lang? Wala ng ibang dahilan? Tinigil niya yung kasal kasi nag cheat si Sophia?

Pano kung hindi? Pano kung di ako nabuntis? Pipiliin niya parin kaya ako?

Syempre hindi.

Sobrang hirap mag overthink. Nakakamatay.

"Pu-nta lang ako sa CR" sabi ko sakanya at tumayo.

Dapat hindi ako nag eexpect. Dahil dun palang masasaktan nako. Aasa nako. Talo lang ako.

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon