Gabi's POV
After umalis ni Haymw, pumasok naman sa room si Ate Jae. Nung una ayaw ko siyang lumapit sakin kasi baka mahawa siya. Pero pinilit parin niya, okay lang daw.
Kaya nagkulitan lang kaming dalawa hanggang sa tinawag kami ni Ate Jewel na kakain na daw.
Pagbaba namin andun na sila Mam Nadine, pati na rin si Hayme.
"Mam Nadie, sorry po ah di ko po kayo nasamahan kanina ah" I said habang kumakain kami ng dinner.
"Nako, Gabi wala yun. Okay ka na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Mam Nadine.
"Okay na po ako Mam Nadine" Sagot ko.
"Wag ka na mag Mam Nadine. You can call us Tita Nadz and Tito James okay?" Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Okay po" I said while smiling.
Bigla ko tuloy na miss sila Mommy sa Cebu.
"Gabi, kumain ka ng marami" Sabi ni Ate Jae, at nag lagay siya ng mga pagkain sa plate ko.
"Hoy, ginagaya mo sa si Gabi sayo eh" Asar ni Hayme sa Ate niya.
"Tse! Bat ka andito? Akala ko ba may lakad kayo ni Sophia?" Ate Jae asked. Pero hindi siya sinagot ni Hayme.
"Tss. Di nanaman sinipot" Bulong sakin ni Ate Jae.
Masayang nag kwentuhan kami habang kumakain ng dinner. Pero si Hayme nanahimik lang. Nauna nga siyang tumaas sa kwarto niya eh.
After namin kumain agad na pumunta sa kwarto si Ate Jae sa kwarto niya, inaantok na daw kasi siya kaya bukas na lang daw siya makikipag kulitan sakin.
Habang nag aayos ng gamit ko sa kwarto biglang nag ring phone ko. Pag tingin ko si Cess.
"Hello"
{Hoy babae! Di mo man lang kami sinabihan na lumayas ka na sa condo mo!] Sigaw niya.
"Sorry naman biglaan kasi. Pano mo pala nalaman?"
[Nasa condo mo kami ni Iya. Katok kami ng katok pero walang sumasagot. Tinanong namin yung receptionist ang sabi umalis ka daw na may dalang maleta!]
Iya and Cess are my bestfriends since highschool. Hanggang college parehas kami ng university na pinasukan. Magkaiba nga lang mga course namin.
[San ka ba ngayon? Puntahan ka namin. Tara inom tayo]
"Bakit? Brokenhearted ka nanaman? Tss. Andito ako sa bahay ng boss ko"
[Wala ka na bang pang bayad sa kuryente kaya diyan ka tumitira?]
"Baliw. Pinaglilihian kasi ako ng anak ng boss ko. Sige send ko sainyo yung address, sunduin niyo ako ni Iya"
[Okie! Babush] She said then she ended the call.
Tinext ko naman sakanila yung address, after nun nag palit nako.
Wala pang isang oras, nag text na sila Iya na nasa labas na sila ng bahay.
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan. Ano ba yan para akong teen ager na tatakas. Baka kasi magising sila eh.
"Oh Ate girl san ka pupunta?" Tanong sakin ni Ate Jewel.
"Ah lalabas lang po kami ng mga friends ko. Wag niyo na po ako hintayin, binigyan naman po ako ni Tita Nadz ng susi" I said.
"Sige sige, mag iingat ka ah"
"Opo" I said then lumabas na ng bahay.
Nakita ko naman sila Cess na naghihintay sa labas ng sasakyan.
"Wow ganda ng bahay ng boss mo ah" Iya said.
"Mas maganda ako" Biro ko.
"Hiyang hiyang naman ang ganda ko sayo!" Cess said.
"Ewan ko sainyo. Tara na nga." Yaya ko sakanila.
Sasakay na sana kami kaso may biglang nag salita.
"Where are you going?"
Nagulat naman ako na nasa likod ko si Hayme. Ang sama ng tingin niya saakin.
Teka,panong?
"Uy friend siya ba yung Hayme?" Tanong sakin ni Cess.
"Yan ba yung cru-" Bago makapag salita si Iya agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Aalis kami ng mga kaibigan ko" Sagot ko kay Hayme.
"You can't go" Napakunot naman noo ko sa sinabi niya.
"At bakit?" Mataray kong tanong.
"Pag sinabi kong hindi hindi. Your friends can go now" He said then hinila niya ako papasok.
"Uy Hayme ano ba! Cess diyan lang kayo!" Sigaw ko saknila.
"Wag na friend, sige na kami na lang" She said habang nakangiti. Problema nila?
Nang makapasok kami agad akong bumitaw sa hawak niya.
"Ano bang problema mo!?" Sigaw ko sakanya.
"What were you thinking?!"
"Umm. I just want to go out with my friends?" Sagot ko.
"Iinom kayo right? Kakagaling mo lang sa sakit! And what if hanapin ka ni Ate paggising niya bukas ng umaga? What if makita ka nila Mommy na lasing?! And we have to plan our wedding tomorrow!"
So yun ang ikinakagalit niya?! Yung wedding nanaman niya?!
"Ang OA mo! Okay nako! Wala na akong sakit! Atsaka hindi naman ako maglalasing eh! And babalik ako agad bago sila magising! At wag kang mag alala pla-planuhin pa rin natin yung wedding mo! Hindi naman ako tulad ng iba diya!" Sigaw ko sakanya.
Bago siya makapag salita, biglang dumating si Ate Jewel.
"Oh bat kayo nag aaway?" Tanong niya.
"Wala po" I said then tumaas na ako sa kwarto.
Ugh. He's unbelievable! Sumusobra na siya!
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
RomanceUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...