JHWP: Forty Six

8.6K 162 5
                                    

Gabi's POV

Dumaan ang mga araw, linggo at buwan, masasabi ko na sobrang saya ko ngayon. Ang gaan sa pakiramdam. Masaya rin naman ako nung nasa Bohol ako kasi atleast nakapag isa ako nag isip isip.

Pero iba yun ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba kay Hayme yun oh ano eh.

I'm already 7 months pregnant. At habang patagal ng patagal lalo akong nahihirapan. Sobrang laki na kasi ng tiyan ko. Feeling ko manganganak nako.

Si Hayme, ganun parin. Sweet at maalaga. Halos hindi na niya ako pinapagalaw natatakot kasi siya baka kung ano mang yari sakin. Sobrang praning na nga nun eh.

Matutulog na sana ako ngayon kaso bigla nanaman sumipa ang kambal. Etong dalawang toh ginagawang bola yung tiyan ko eh grabe sila maka sipa!

"Mga bes hinay hinay naman sa pag sipa ah nasasaktan si Mommy" Pabiro kong sabi.

Pero habang tumatagal sumasakit na at hindi nako makahinga. May mga times na ganito ang nanangyayari pero hindi ko sinasabi sa Doctor at kay Hayme. Kasi nabasa ko normal lang daw toh. Ayoko naman silang mag alala.

Pero this time parang iba na. Hindi na talaga ako makahinga. Feeling ko anytime hihimatayin nako.

"Ha-yme!" Pinilit kong sumigaw.

"Ate Jewel!" Sigaw ko ulit pero mukang di nila ako narinig.

Kaya pinilit ko na lang ang sarili ko na makatayo. Pero bago pa ako makalakad nahilo na ako.

Naramdaman ko na lang babagsak ako pero naramdaman kong may sumalo sakin.

Then everything went black.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Tinignan ko naman ang paligid ko. Nasa hospital ako.

When I realized kung asan ako at kung anong nangyari agad akong bumangon at hinawakan ang tiyan ko.

"Don't worry the twins are fine" Napalingon ako sa nagsalita. It's Hayme.

"A-no nangyari?" Tanong ko sakanya.

"Well the Doctors can't still confirm kung ano ba talaga nangyari sayo. Because they didn't know what happened to you bago ka nahimatay. Even me" Parang may halong tampo yung tono niya nung sinabi niya yun.

Mag sasalita pa sana ako kaso biglang dumating yung Doctor na may kasamang nurse. Kaya sumandal muna ako sa headboard ng kama.

"How are you feeling Mrs. Reid?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko yun. Kinilig ako nakakainis.

"O-kay naman na po" Sagot ko.

"Tanong lang namin kung may nararamdaman ka ba before kang mahimatay?" He asked.

"Luma-lakas po kasi yung sipa ng kambal hanggang sa nahirapan nako huminga" Nagulat naman si Hayme sa sinabi ko.

"Kelan mo pa toh nararamdaman?"

"Almo-st two months po" Narinig kong nag buntong hininga si Hayme sa sinabi ko. Hindi ako maka tingin sakanya.

Sabi ni Doc normal naman daw yun sa mga nag bubuntis. Lalo na kambal ang dinadala ko. Pag hindi ko na daw talaga kaya mabuti daw na dalhin ako sa hospital. Kaya daw dapat lagi akong may bantay.

May mga sinabi pa si Doc na pwedeng gawin pag nangyari ulit ito. After nun umalis na siya. Nag discharge na rin kami. Nung una ayaw ni Hayme pero sabi ko kaya ko naman na.

Buong byahe tahimik parin kami. Siguro nag tatampo siya kung bakit hindi ko sinabi. Anong siguro? Nag tatampo talaga yun!

3 in the morning na rin kami nakabalik ng condo. Papasok na sana ako ng kwarto ko ng bigla siyang mag salita.

"Why didn't you tell me?" He said.

"A-yoko kasi na mag alala ka. Atsaka nabasa ko sa libro na nangyayari talaga yun kaya di ko na sinabi. So-rry" Nahihiya kong sabi ko sakanya. Nag buntong hininga nanaman siya.

"Kahit na Gabi! Pano kung hindi ako pumsaok sa kwarto mo? Baka ano na nangyari sainyo ng kambal!" Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Naka yuko parin ako ngayon.

"We need to sleep together" Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"A-no?"

"You need to sleep in my room. Kailangan kita bantayan palagi. Ipapalipat ko na lang kay Ate Jewel bukas yung mga gamit mo sa room ko" He said.

"Ha-yme wag na ano ka ba. Ka-"

"No Gabi. Remember you promised me that you will take care of yourself? Please do that. And the only thing na makakampante ako is mabantayan ka. Please" Sabi niya then hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa kwarto niya.

Pina higa naman niya ako sa kama at siya pumasok sa CR. Hindi ko alam kung bat ako kinakabahan. Magka-kaanak na kami pero nahihiya akong katabi siya. Eh kasi naman lasing siya nun!

Agad akong humiga sa kama at nag panggap na tulog. Maya maya naramadaman ko naman na humiga na siya sa tabi ko.

Pero nagulat ako ng ilapit niya ako sakanya. Sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap ako. Lalo tuloy akong kinabahan kasi baka marinig niya ang pangalan niya kasi sinsigaw siya ng puso ko. Charot ang harot.

Naramdaman ko naman na hinaplos niya ang buhok ko.

"Gabi, don't do that again. Halos mabaliw ako nung nakita kita na hinimatay. I don't know kung kakayanin ko mawala kayo ng kambal sakin. Please. Please be safe always" He said. Hindi ako nagsalita pina kinggan ko lang siya.

Kahit anong gawin ko hinid ako maka tulog. Hindi ko alam kung alam ba ni Hayme yun kasi hinahaplos niya parin ang buhok ko na para bang pinapatulog ako.

Maya maya nagulat ako ng biglang kumanta si Hayme.

"Wise men say only fools rush in. But I can't help falling in love with you. Shall I stay Would it be a sin,If I can't help falling in love with you?"

May naala nanaman ako sa kanta na yan.

Like a river flows,surely to the sea.Darling, so it goes,some things are meant to be.Take my hand,take my whole life, too.For I can't help falling in love with you"

Yan yung kanta habang sumasayaw kami sa Batangas. Yung muntikan na niyang sabihin na gusto niya ako.

Ang sarap pakinggan ng boses niya. Parang may anghel na kumakanta.

"For I can't help falling in love with you."

At unting unti na sumasara ang talukap ng aking mga mata.

"Sweet dreams mi amore"

[Author's Note: Sorry Guys! Di ako nakapag Update sa schedule. Galing kasi ako ng hospital eh. Sorry po talaga. And alam ko po kanina pa ako nag UD or kagabi? Pero biglang nawala kaya pinost ko po ulit.]

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon