Gabi's POV
Sa sobrang broken hearted ako nakagawa ako ng kanta. Halos di nako umuuwi kaya Tita Nadz. Dinadahilan ko na walang magaalaga kay Jared.
Kaya eto kakarating ko lang kala Tita Nadz galing sa condo ko. Pag pasok ko naabutan ko agad silang pamilya. Andun din si Hayme kaso wala si Sophia. Sunday nga pala ngayon.
"Gabi!!" Tawag sakin ni Ate Jae at agad siyang lumapit sakin para yakapin ako.
"Miss na kita. Tagal mong nawala dito sa bahay" She said ng makabitaw na sa yakap
"Sorry Ate Jae binantayan ko si Jared eh" Sabi ko.
"Okay lang yun. Basta ang importante andito ka na" Biglang may kumirot ang puso ko. Kaya ko bang mag paalam?
"Halika Gabi, join us" Tita Nadz said. Agad naman ako hinila ni Ate Jae sa sala para makasama sila.
Katabi ko si Ate Jae tas katapat ko si Hayme na naka poker face lang.
"Bat ka nga pala may dalang gitara?" Tanong ni Ate Jae.
"Gumawa kasi ako ng kanta habang binabantayan si Jared" Sagot ko.
"Really? Pwedeng marinig namin?" Tito James said.
Nakakahiya namang tumanggi kaya pumayag nako. Nilabas ko yung gitara ko sa case at nag start ng tumugtog.
"Di ko alam kung bat ganito, patuloy umaasa ang puso ko sayo, gusto ko ng itigil itong kahibangan. Dahil puso mo'y iba ang laman"
Ramdam ko na napatingin siya saakin.
"Gusto ko ng lumayo, ngunit ang daming rason, upang ako'y manatili sayo... sayo" Tumingin ako sakanya habang kinakanta yun.
"Hanggang dito na lang ba tayo, pa sulyap sulyap sa malayo. Ilang metro na lang ang pagitan ngunit hindi magawang lapitan, pero nagagawa kong makuntento. Kahit hanggang dito na lang tayo"
Di ko alam kung nahalata niya ba na para sakanya tong kantang toh.
"Sa tuwing kayo'y nakikita, puso ko'y nasasaktan, alam kong wala akong karapatan, pero hindi ko kayang pigilan"
Sobrang halata na para sakanya yung song. Tanga na lang siya kung hindi niya pa maramdaman yun.
"Gusto ko ng lumayo, ngunit ang daming rason, upang ako'y manatili sayo... sayo"
"Hanggang dito na lang ba tayo, pa sulyap sulyap sa malayo. Ilang metro na lang ang pagitan ngunit hindi magawang lapitan, pero nagagawa kong makuntento. Kahit hanggang dito na lang tayo"
"Saan nga ba ako lulugar? Sa pusong mong puno na. Punong puno na sa pag mamahal niya" Nagkatitigan kami habang kinakanta ko yun.
"Siguro hanggang dito na lang, siguro sa ibang mundo, tayo ang pinag tagpo"
"Hanggang dito na lang ba tayo, pa sulyap sulyap sa malayo. Ilang metro na lang ang pagitan ngunit hindi magawang lapitan, pero nagagawa kong makuntento. Kahit hanggang dito na lang tayo. Pero nagagawa kong makuntento..kahit hanggang dito na lang tayo"
Parang nawala lahat ng bigat na nararamadam ko pagkatapos kong kantahin yun.
"Hugot" Yun lang ang nasabi ni Ate Jae.
"It's beautiful" Tito James said.
"Thank you po" I said while smiling.
"Oo nga. Parang galing talaga sa puso" Tita Nadz said.
"Anong parang mommy, galing talaga sa puso!" Natawa na lang kami sa sinabi ni Ate Jae.
"Sige po taas muna ako, aayusin ko lang po gamit ko" Paalam ko sakanila.
"Sige iha, bumalik ka rin agad ha" Tita Nadz said. I just nodded then pumunta na sa room ko.
Pag dating ko sa room ko inilabas ko lang yung mga gamit ko sa bag then pumasok na CR at nag hilamos at nag palit ng damit.
Pag labas ko ng cr nagulat ako ng makita ko si Hayme sa na nakaupo sa kama ko.
"A-nong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. Agad naman siyang tumayo at lumapit sakin.
"Gabi, can we talk?" He said.
"Ano pag uusap natin?"
"About us" Bigla akong na stress sa sinabi ni Hayme.Bes, walang tayo.
"Wala namang dapat pag usapan tungkol satin eh" Sabi ko sakanya at tinalikuran siya.
"Gabi" Tawag niya sakin at hinawakan ang braso ko. Agad ko namang tinanggal yun.
"Hayme nakikiusap ako sayo, wag mo na akong pahirapan oh. Wag kang mag aalala. Aalis nako sa dito. Humahanap lang ako ng timing. At pag katapos ng kasal niyo tuluyan nakong mawawala sa buhay niyo" Pagkasabi ko nun bigla niya akong niyakap.
"Don't go" Hindi ko na napigilan tumulo ang mga luha ko. Paano ako lalayo kung siya mismo ayaw?
Pero kailangan ko tong gawin dahil hindi ito tama. Kumawala ako sa yakap niya.
"Hindi pwede Hayme. Isa lang ang puso, hindi dalawa. I don't deserve to be a second choice" Hindi na siya nag salita.
Bago siya tuluyang makalabas ng kwarto ko, huminto muna siya at lumingon sakin at may sinabi.
"I can't imagine my life without you. I really can't"
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
Roman d'amourUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...