JHWP: Six

11.5K 215 17
                                    

GABRIELLA MARIE's POV

After namin kumain ng lunch dumiretos kami sa casa, kung san mag papaayos ng sasakyan si Kuya Hans. Nakaupo lang kami ngayon sa waiting area.


"Kuya, pano mo nga pala nakilala si Sophia?" Nakalimutan ko kasi tanungin siya kanina sa restaurant.


Pagkaalis kasi nila Hayme eh nag kwento agad si Kuya Hans about sa mga babaeng pinaasa niya. 


"Pinsan niya yung kaibigan ko" 


Bigla ko naman naalala yung pinsan ni Sophia na tingin ng tingin kay Ate Jae.


"Ah kaya pala, nung may dumating kanina na pinsan ni Sophia, eh parang pamilyar sa'kin" Kwento ko.


"Ah oo, na meet mo na si Carlo one time, kaso nag mamadali ka nun eh kaya di mo siya masyado nakilala" Kuya Hans said. I just nodded.


"Teka nga pala,fiancee niya yung kasama niya kanina diba?" Tanong ni Kuya Hans.


"Oo. Bat mo natanong?"


"Sigurado ka ba talaga? Mahal na mahal ba talaga nila ang isa't isa?" Napairap na lang ako sa kakulitan ni Kuya Hans.


"Oo naman, kaya nga sila mag papakasal kasi mahal nila ang isa't isa!" Teka bat ang bitter ko pakinggan?


"Eh bat nung pinakilala kita na girl friend kita eh kulang na lang tanggalin niya yung kamay ko sa kamay mo at hilain ka palabas para ma solo ka" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kuya Hans.


"Naka drugs ka ba?"


"Gagi! Seryoso kasi ako,yung istura niya ganun na ganun yung istura ng mga manliligaw mo sa Cebu tuwing sinasabi ko sakanila na boyfriend mo ako" Napairap na lang ako sa sinabi niya.


Ganito ba si Kuya Hans pag walang nilalanding babae buong araw? Napaka impossible kasi ng mga sinasabi niya.


"Alam mo Kuya Hans, kaya ganun si Hayme kanina kasi dapat plaplanuhin namin yung wedding nila after lunch, eh tinanggihan ko kasi sinabi ko may mas importante akong gagawin kesa sa pag plano ng wedding nila" Explain ko.


"Kaya naman pala mukang galit na galit! Baliw ka talaga Gabi. Hay sabi na nga ba love mo talaga ang Kuya Hans mo"


"Yuck. No way. Mas love ko yang car mo. Kaya nga ako andito diba, dahil sa car mo" I said.


"Whatever!"


Hindi ko na lang siya pinansin. Maya maya nag text sakin si Ate Jae na wag ko daw kalimutan na pumunta sakanila mamaya para mag dinner. Nag reply naman ako na by 7PM nasakanila nako.

-----------------------------------------


Hayme's POV

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon