JHWP: Forty Four

8.3K 155 5
                                    

Gabi's POV

Papunta na kami ngayon ni Kuya Hans sa condo. Hinatid na niya ako kasi madami din kaming dala.

Simula nung iniwan namin sila Hayme kanina ko pa iniisip kung sino yung babae na kasama niya.

"Tangines Gabi kung nakita mo lang kanina yung tingin sakin ni Hayme nakakamatay!!" Kanina pa niya yan iniisip.

"Eh kasi naman pagkatapos niyang mag propose sakin sasabihin mo na asawa kita" Sabi ko sakanya.

"Sus feel na feel mo naman!!" Inirapan ko na lang siya.

"Alam mo Gabi mahal mo naman yung tao eh. Pakasalan mo na kasi" He said.

"Gago ka ba?Anong gusto mong gawin ko? Lumapit sakanya at sabihin na 'ay joke lang yung kagabi, yes pala ang sagot ko'" Sabi ko sakanya.

"Yiee. Gusto niya rin bawiin sagot niya." Di nako sumagot.

Nag sisisi nga ba ako? Ewan.

Maya maya nakarating na rin kami sa condo malapit lang naman eh kung wala lang ako pinamili baka hindi nako mag pahatid.

"Oh Gabi ang aga mo naman dumating" Sabi sakin ni Ate Jewel.

"Wew. Wala pa si Hayme. Mabubuhay pa ako" Sabi ni Kuya Hans.

"Ay Ate Jewel si Kuya Hans nga po pala" Pakilala ko.

"Ay oo kilala ko na yan palagi yan kasama ng Kuya Carlo mo" Ate Jewel said. Ay oo nga pala. Kaya tumango na lang ako.

Kinuha naman ni Ate Jewel yung pinamili namin at dinala sa kwarto nila baby.

"Kuya Hans upo ka muna." Sabi ko sakanya.

"Nako Gabi kahit miss kita gusto ko pang mabuhay eh" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano bang pinag sasabi mo diyan ha"

"Eh kasi naman si Hayme" Napairap ako sa sinabi niya. Seriously?

"Ano ba Kuya bakla ka ba?! Bat ka ba takot na takot dun sa Hayme na yun?! Hayaan mo nga yun!" Sigaw ko sakanya.

"Eh ka-"

"Oh Hayme andiyan ka na pala" Nagulat kami kay Ate Jewel na kakalabas lang ng room.

Napatingin naman kami ni Kuya, andun nga siya. Bigla akong kinabahan. Narinig niya ba sinabi ko?

Si Kuya Hans naman namumutla di ko alam kung maawa ako or matatawa eh.

"Maaga po natapos yung meeting eh" Hayme said.

Meeting? Lul meeting mo muka mo.

"Ah eh sige alis nako hehe. May meeting din ako" Paalam samin ni Kuya Hans at mabilis pa kay flash siyang lumabas  ng condo. Kelan pa nagkaron ng meeting yun?

Hindi ko pinansin si Hayme pumasok na lang ako dun sa kwarto ng kambal at tinignan yung mga pinamili namin.

Maya maya may pumasok si room. Alam kong si Hayme yun pabango pa lang niya. I just ignored him. 

"Who told you that you can go out?" He said.

"Umm. Me? Duh" Sabi ko sabay irap.

"From now on hindi ka makakaalis ng bahay ng wala ako"

"Oh talaga" Walang gana kong sagot.

"Bat ka umalis without my permission?!! Baka ano pa mangyari sayo!" Sumisigaw na siya. Naiinis nako. Kaya tumayo na ako at hinarap siya.

"Ano bang problema mo ha?! Buntis ako, hindi tanga! Atsaka si Kuya Hans yun!! Hindi niya ako pababayaan!" Sigaw ko rin sakanya.

"Oh that's why pumayag kang asawa mo siya?" Wtf. Kelan pa toh naging tanga?

"Ano tanga lang? May company ka ba talaga?Malamang di totoo yun! Sinabi niya lang yun kasi tinatakasan niya yung babae. We always do that."

"Well from now on you can't do that anymore" He said.

"And why not? Ikaw nga eh nakikipag date!" Napangiti naman siya sa sinabi ko.

Ano nginingiti ngiti nito? Naiinis na nga ako eh.

"So you're jealous"

"At bakit ikaw hindi?" Sagot ko sakanya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Oh anong tinatawa tawa mo diyan? Baliw ka na ba ?" I said.

"I just missed this" He said then lumapit siya  at yumakap.

Nang natauhan ako kumalas agad ako sa yakap.

"Anong miss ka diyan magkasama naman tayo palagi ah" Sabi ko sakanya.

"No i mean this. Yung mga away natin" Sagot niya.

"Gago ka ba? Gusto mo bang makunan ako dahil sa kakaaway sayo?!" Napa buntong hininga na lang siya sa sinabi ko.

Tinalikuran ko na siya at umupo na ulit ako.

"Gabi" Tawag niya sakin. Lumapit naman siya sakin at lumuhod. Hinawakan naman niya ang kamay ko.

Huy ano toh mag proprose ulit siya?! Di ako ulit ready!

"I just want to say sorry for what happened last night. I was stupid for doing that" He said.

Ay hindi pala.

"You're right. We should take it slow. Marriage is not a joke. And we can still be a good parents to our twins even though we are not married." Hindi ako nag sasalita. Pinapakinggan ko lang siya.

"I'll wait. I'll wait until you're ready. Papatunayan ko yun. And when you said yes, it will be worth it. I promise" He said then hinalikan niya yung kamay at tiyan ko.

The moment he left the room my tears started falling.







[Author's Note: Meron na rin pong schedule ang pag udpate ko sa JWHP. Every Monday po siya. Yun lang po. Thank you!]

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon