JHWP:Thirteen

9.1K 179 7
                                    

Gabi's POV

Halos isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyari sa simbahan.

Ganun parin naman ang  pakikitungo namin sa isa't isa. Madalas parin kami nag aaway which is normal lang para samin. Kinalimutan na namin ang nangyari. Pero di mawawala ang pagiging awkward namin sa isa't isa paminsan minsan. Alam mo yun parang may malaking pader na nakaharang samin. 

Ngayon na rin pala ang balik ni Sophia galing sa bakasyon. Tss. Anong klaseng fiancee siya? Iniwan niya si Hayme na mag isa mag plano ng kasal nila habang siya nag papasakaya. 

Pero sino nga ba naman ako diba? I'm just their wedding planner. Hanggang dun lang. Yun lang ang lugar ko sa buhay nila.

Andito ako ngayon sa office, gumagawa ng office works. Ewan ko ba simula din nung nangyari last sunday gusto ko palagi akong busy, gusto ko lagi akong may ginagawa

"Gabi, iha hindi mo na kailangan gawin yan. Sila Rhea na ang bahala diyan" Sabi sakin ni Tita Nadz. 

"Nako Tita Nadz, okay lang po.Wala rin naman ako masyadong ginagawa" I said. 

"Okay ka lang ba Gabi? Kasi napapansin ko simula nung Monday lagi ka ng ganyan tas tuwing dinner minsan ka na lang samin sumabay" Natigilan ako sa sinabi ni Tita Nadz.

"Okay lang po ako Tita Nadz. Sadyang wala lang talaga ako magawa. Atsaka kaya po minsan di ako nakakasabay ng dinner kasi kasabay ko minsan kumain mga kaibigan ko" Pag sisinungaling ko. 

"Oh sige, basta wag masyado magpaka pagod ah. Siya nga pala dadating mamaya si Sophia at Hayme dito. Hindi ko na kayo masasamahan mag plan mamaya kasi I'll attend our client's wedding" Nagulat ako sa sinabi niya. 

So mag makakasama ko silang dalawa mamaya? Ini-expect ko na yun pero ewan ko ba. 

"Sige po ako na po ang bahala" I said. Pinilit ko naman ngumit. 

Nag paalam na si Tita Nadz na aalis na siya kasi ma le-late na raw siya sa wedding. Kaya bumalik na lang ako sa ginagawa ko. 

Habang busy sa pag gawa ng office works ko, biglang may nag salita sa harapan ko. 

"Gabi" Nung narinig ko ang boses na yun may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko ma explain.  Napatingin naman ako sakanya. 

Wala man lang ka emosyon ang muka niya habang nakatingin sakin. Nakita ko nama nang kamay nilang dalawa ni Sophia. Hawak hawak niya ang kamay ni Sophia na para bang ayaw na niyang pakawalan ito.

Ayun nanaman, may kakaiba nanaman akong naramdaman. Parang may kumikirot sa dibdib ko. 

"Oh andiyan na pala kayo,tara pasok tayo sa office ni Tita Nadz, dun tayo mag plan" I said then tumayo na. Napatingin naman ako sa sakanya. Halatang nag tataka siya kung bakit ko tinatawag na Tita ang boss ko. 

Hindi ko na lang yun pinansin. Teka alam niya ba na nakatira ako kala Hayme? Whatever. Bahala na si Hayme kung sasabihin niya ba kay Sophia o hindi. Wala akong pake. 

Umupo na kami at kinuha ko ang planner ko. 

"So sabi ni Hayme, na nag bago na daw ang venue. Beach wedding na raw ang mangyayari. So may naisip na ba kayo kung saan?" I said habang nakatingin sakanila. 

Hindi sila makasagot, nakatingin lang sakin si Hayme samantalang si Sophia nakatulala lang. Kelan pa naging bingi ang dalawang ito?

"Naririnig niyo ba ang sinasabi ko?" Medyo nilakasan ko na ang boses ko. Bigla naman natauhan silang dalawa. 

"A-no ulit yun?" Tanong ni Sophia. I mentally rolled my eyes.

"Ang sabi ko may naiisip na ba kayong venue?" 

"Ah yes, sa isang resort sa Laiya, Batangas" She said. 

"Okay just tell me kung saan para makausap at mapuntahan na natin sila" I said. They just nodded. 

I also explained to them our schedule. Pansin ko kasi na laging na dedelay ang mga sched kasi laging wala si Sophia. She's the bride dapat siya ang mas maging matutok sa wedding. Eh halos si Hayme na ang nag asikaso sa lahat. 

Kaya nga these past few days hindi kami masyado nakapag plan kaya I decided na mag plan na lang ulit kami pag dumating na si Sophia. Nung una ayaw ni Hayme, pero nung huli napa pumayag narin siya. 

"Please lang pag may schedule tayo mag pakita kayo. Ang dami ng na delay. Kaya sana wag na kayo mag absent" Pakiusap ko sakanila. 

"Okay" Sophia said. Si Hayme naman tumango lang. 

Siguro naman eh magagawa nila yun. Alam ko si Sophia hindi naman ganun kahirap schedule niya sa work. She has a online shop kaya hindi naman ganun kahirap yun. Si Hayme naman nag decide na daw na bumalik ang Dad niya sa company nila kaya may kasama na siya.

"May kukunin lang ako sa labas wait lang" I said then lumabas ng office ni Tita Nadz.

Kinuha ko ang portfolio kung saan nakalagay yung iba't ibang designs ng souvenirs. Nakapili na si Hayme nito dati pa kaso nga nag iba nag gusto nila. 

Hindi ko pa masyado nabubuksan ang pinto narinig ko na silang nag uusap. 

"I'm so-rry" Sophia said to Hayme. 

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko. Hindi parin nila ako napapansin. 

"It's okay" Hayme said then she kissed Sophia on the lips.

Nung nakita ko yun, may naramdaman nanaman akong kirot sa puso ko. Para bang tinutusok ako ng kutsilyo.

Hindi ko na lang yun pinansin. Bago pa nila na makita na nakikinig ako sakanila, pumasok na ako at kunwari wala akong nakita o narinig. 

Inabot ko na sakanila yung portfolio. This time naka akbay na sii Hayme kay Sophia at bumalik ang sigla nila.

Hinayaan ko silang pumili ng designs. Ewan ko ba bigla akong hindi naging kumportable simula nung nakita ko sila kanina sa may pintuan. 

After  nilang pumili  umalis na sila. Bago ako lumabas ng office ni Tita Nadz inayos ko muna ito. After nun bumalik ako sa table ko at nag trabaho ulit. May mga dumating din na clients kaya medyo naging busy ako. 

Habang inaayos ang schedule ng isang client namin, nagulat ako ng makita si Hayme na nag lalakad papunta sakin. 

Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba mag kasama sila ni Sophia?

"Bakit may na iwan ka ba?" Tanong ko. 

"San ka mag di-dinner?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Ka-sama ko sila Cess and-" Hindi ko na natuloy ang sasabihn ko kasi bigla siya nag salita.

"Cancel it" He said. 

"Ayoko nga bat ko gagawin yun?!"

"Inutusan lang ako ni Mommy okay?" Ouch. Inutusan lang pala siya. Akala ko pa naman. 

Teka ano ba tong iniisip ko? Ano naman kung inutusan lang siya? Ano bang pake ko?

"Mom want us to be complete later. So umuwi ka ng maaga."He said. 

"Okay" I said. Mukang  wala naman akong choice. 

Aalis na sana siya kaso, huminto siya sa pag lakad. Nakatalikod parin siya saakin.

"And Sophia will be there" He said then umalis na. 

Nagulat ako sa sinabi niya. Si Sophia pupunta? Eh ano naman kung pupunta si Sophia? Siya naman ang fiancee ni Hayme eh. 

Pero pano pag nalaman niya doon ako nakatira? Pano ko mag a-act normal sa harap niya? Masyado pang complicated ang mga nararamdaman ko ngayon. Kung ngayon nga lang sa office nahihirapan ako eh pano pa kay sa bahay ng mga Reid mamaya?


Hay nako Hayme bakit lagi mong pinahihirapan ang sitwasyon ko. 


Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon