JHWP: Thirty

10.4K 191 11
                                    

Hayme's POV

It's been almost two months and there is still no sign of Gabi. 

I've searched her everywhere, pero hindi ko parin siya makita. My friend told me that she booked a flight in Cebu nung dapat ikakasal kami ni Sophia. 

Nung nalaman ko yun I immediately went to Cebu. But when I got there wala akong nakitang Gabi. Pinuntahan ko yung family niya pero suntok lang ang naabot ko sa kuya niya.

Hindi daw nila alam kung nasan si Gabi. I don't believe them. Alam kong sobrang mahal nila si Gabi para hayaan lang nila umalis ng di nila alam kung san pumunta. 

"Ano ba toh si Hans ang kulit!" Biglang sabi ni Ate Jae. Naging close narin sila ni Ate Jae dahil kaibigan niya si Carlo.

"Why?"

"Tinatanong ako kung anong pwede iregalo sa buntis" She said. 

"Bakit? Para sayo?" Tanong ko. 

"Nope. Dami na netong binigay na regalo. Para daw sa friend niya" 

"May friend siyang buntis? Baka naman may nabuntis na yan" I said. 

"Possible din. Napaka babaero neto eh. Pero takot toh sa responsibilidad katulad ng kaibigan niya" Napailing na lang ako sa sinabi ni Ate Jae. Nag away nanaman sila ni Carlo. 

"Ate wag ka na kaya sumama samin bukas sa bohol" I said. 

Pupunta kasi kami bukas sa Bohol. We're going to spend our Christmas there. One week din kami dun. 

"Bakit ayaw niyo ba ako makasama?" 

"It's not like that. Andito asawa mo, dapat siya kasama mo. And besides manganganak ka na" Explain ko sakanya. 

"Eh gusto ko nga sumama sainyo. Niyaya ko siya di daw siya pwede kasi may bussiness siya aaskasuhin. Atsaka binigyan nako ng doctor ko ng clearance na bumyahe." Pag mamatigas niya. 


Hay. Bigla ko tuloy namiss si Gabi. Isa rin kasi yun na matigas ang ulo. 

Gabi, asan ka na ba?




Gabi's POV

Naglalakad lakad ako ngayon dito sa may beach. Simula nung umalis ako sa Manila dito nako sa private resort namin sa Bohol tumira. 

Para hindi ako mahanap pumunta muna ako sa Cebu then sumakay ako sa private plane namin papunta dito sa Panglao. 

Masaya na buhay ko dito. Payapa. Pag umaga lagi akong naglalakad sa may beach. Dikit dikit din ang mga resort dito. Kaya hindi rin ako masyado nalulungkot. 

"Goodmorning beautiful!" Bati sakin ni Christopher sabay abot sakin ng malunggay ice cream. 

Yup. Si Christopher na ex ko. Nagkita kami dito sa Panglao. May resort din pala siya dito. Nagulat siya ng nalaman niya na buntis ako.

Simula nun siya na ang nag alaga sakin. Hindi rin biro na mag isa lalo na pag buntis ka. Kaya laking pasasalamat ko na andito si Topher. 

"Good morning din. Thank you." I said then kinuha ko yung ice cream. Nag latag siya ng sapin then umupo kami sa may buhangin. It is our routine every morning. 

"Kamusta na kayo ni baby?" He asked. 

"Okay naman. Hindi nako masyado nag susuka" Sabi ko. 

"Buti naman. Diba malalaman mo na this week yung gender niya?" 

Oo nga pala. 5 months nakong buntis. At lumalaki na yung baby bump ko. Sabi nga nila eh malaki daw yung tiyan ko para sa isang 5 months. Siguro kasi ang takaw ko. 

"Yup. Excited na nga ako eh. Samahan mo ako ah." Sabi ko sakanya. 

"Oo naman! Syempre gagawin ko lahat para sainyo ni baby" Napangiti naman ako sa sinabi niya. 

Akala ng iba dito si Christopher ang tatay ng baby ko. Pero sabi namin na friends  lang talaga kami. At yun naman talaga yung totoo. Napag usapan na namin yun. 

Wala na siyang feelings sakin at mas lalo na ako. Siguro kaya ganito kami kasi kahit papaano may pinag samahan kami. Atsaka na realize namin na mas maganda pag naging friends lang kami. 

"San mo ba balak manganak?" Tanong niya sakin. 

"Di ko pa alam. Siguro dito na" 

"Hindi ka na ba babalik sa Manila?" 

"Di ko pa alam eh. Ayoko muna isipin basta masaya ako dito" Sagot ko. 

Totoo naman masaya nako dito. Kahit namimiss ko na pamilya ko at sila Cess. Palagi ko naman sila nakakausap eh. 

Nung napunta kasi ako dito, hindi ko na naisip yung mga problema ko. Nahanap ko ang sarili ko.  At gusto ko ng tuluyang iwanan ang mga masasakit na ala ala ng kahapon. 

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon