JHWP: Forty Seven

8.8K 172 4
                                    

Gabi's POV

Nagising ako ng may humahaplos sakin habang ako ay nakayakap sakanya.  Tinignan ko si Hayme, nakapikit lang siya habang ako'y hinahaplos.

Pinikit ko na lang ulit ang aking mga mata at yumakap ulit sakanya. Gusto ko muna i enjoy ang moment na toh.

Hindi mawala yung ngiti ko. Sobrang sarap sa feeling kung gigising ako tuwing maaga na kasama ko siya. 

"Tapos ka na bang kiligin?" Nagulat ako ng biglang nag salita si Hayme kaya bumitaw ako sa pag kayakap niya at bumangon tapos hinampas siya. 

"Ang kapal naman ng muka mo!" Sabi ko sakanya. Instead na magalit tumawa lang siya. May saltik na talaga toh. 

"I'm just joking okay. Come here, yakapin mo ulit ako" He said. Nilapit niya naman ang sarili niya sakin at yumakap siya. 

"Sus mukang ikaw naman ang nag eenjoy eh"  Asar ko naman sakanya. 

"Syempre" Nagulat ako sa sinagot niya. Hindi na lang ako nag salita kasi baka asarin niya nanaman ako. 

Nag stay kami ng magkayakap ng ilang minuto pa. Tahimik lang kaming dalawa habang siya hinahaplos lang ako. 

"Are you feeling okay now?" Biglang tanong niya. 

"Yup. Sumisipa parin ang kambal pero hindi na yung grabe" Sagot ko sakanya. 

"Good to know. Just tell me if may nararamdaman ka okay?" He said and then I just nodded. 

"Let's go. Kain na tayo ng breakfast, we are going somewhere" 

"Aalis tayo? San tayo pupunta?" Tanong ko sakanya habang inaalalayan niya ako tumayo sa kama. 

"Basta. It's a surprise" He said. Hindi na ulit ako nag tanong kasi nga katulad ng sinabi niya surprise daw. 

Paglabas namin ng kwarto niya nakita namin agad si Ate Jewel. 

"Huwaw ang sweet naman nitong dalawang ito. Oh kain na kayo" She said. Natawa na lang kaming dalawa sa sinabi niya. 

After kumain dumiretso kami sa kwarto para makapag ayos na kaso na realize ko na nasa kabilang kwarto ko pala. 

"Where are you going?" Hayme asked. 

"Sa kwarto ko na lang ako mag aayos andun pala yung gamit ko" Sabi ko sakanya. 

"No need. Maligo ka na while I get your clothes. Ilalagay ko na lang sa walk in closet" He said. Tinatamad ako kaya pumayag nako. 

Pumunta na ko sa cr at naligo, pagkatapos lumabas nako at nakita ko nga ang mga gamit ko. Nasa loob kasi ng walk in closet yung cr. Pag labas ko nakita ko si Hayme na may kausap sa phone. Naka ayos na rin siya, siguro sa kabilang kwarto siya naligo. 

"You're ready? Let's go?" He said, I just nodded then umalis na kami. 

While on our way biglang tumunog yung phone ko pag tingin ko si Topher na ikinasaya ko kaya agad ko itong sinagot.

"Topher!" 

[Hi Gabi! Na miss mo ba ako?] 

"Oo naman! Pati yung kambal miss ka na rin" 

[Talaga? Sige at dahil diyan I'm going to visit you] Mag sasalita na sana ako kaso biglang nag salita si Hayme. 

"Mi amore" Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sakanya. 

[Oh you're with Hayme? Sige na I'll just call you later baka magwala pa yan. Bye!] 

"Bye. See you soon!" I said then I ended the call. 

Ilang minuto kaming tahimik  ni Hayme after nung phone call na yun. 

"Do you like him?" Nagulat naman ako sa dire-diretsong tanong sakin ni Hayme. 

"Si Topher? Of course not! He's just my friend" Sagot ko sakanya. 

"But he's your ex" He said. Teka napag usapan na namin toh dati ah? Bakit na open nanaman?

"Yes he's my ex na tumulong samin. Hanggan dun lang yun. Atsaka alam ko may gustong iba yun" Explain ko sakanya. 

"Good to know" He said while smiling. 

Ano bang problema niya? Teka nag seselos ba siya? Baka hindi sakin baka sa kambal. Aba ewan ko sakanya ayaw ko masyado mag assume. 

After a few hours nakarating kami sa isang village sa Rizal. Hindi naman ito totally province na. Malapit ito sa ortigas and pasig. Tumigil ang sasakyan sa isang modern house. Hindi masyadong malaki, hindi rin masyadong maliit. 

Mukang maganda yung environment dito tahimik. Hindi katulad sa condo ni Hayme. 

Bumaba si Hayme then pinag buksan niya ako ng pintuan at bumaba ako. 

"What do you think?" Tanong niya sakin. 

"Ang ganda. Super. Bat andito tayo? May ka meeting ka ba dito?" Tanong ko sakanya. 

"Let's go inside first" He said then inalalayan niya ako papasok ng bahay. May garden din ito sa harapan tas may groto. 

"I bought this house a few months ago, pina renovate ko lang yung iba, pinag dagdagan ko yung rooms then I added some windows para maliwanag yung bahay" He explained. Wow ito yung mga tipo na bahay na gusto ko yung maliwanag  yung bahay kasi iba talaga ang vibes nun. 

"You're home" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. 

"Huh?" 

"It's our house. Dito na tayo titira ng mga kambal" Nagulat ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? 

"A-no? Di nga?"  Natawa naman siya sa sinabi ko. 

"Yes. Masyadong maliit yung condo para satin. I want to start our family in here. Yung makakapag laro sila dito sa living room and sa garden. And malayo sa maingay na place. It's so peaceful here and we have a friendly neighborhood" Explain niya sakin .

Hindi ako makapag salita. Pina process ko pa yung mga sinabi niya. 

"And actually this is your house. Sayo nakapangalan toh" Lalo akong nagulat sa sinabi niya. May nilabas siyang papel sa envelope na kanina niya pa hawak. Tinignan ko naman ito. 

Gabriella Marie Villegas 

Andun nga ang pangalan ko. Pirma na lang ang kulang. 

"Hayme you don't have to do this. Sapat na yung dito mo kami ititira pero yung nakapangalan pa sakin ang bahay? Sobra na ata yun" Sabi ko sakanya. Nakakahiya naman kasi. Di porket na buntis niya ako eh kailangan niyang gawin lahat ito. Ginusto ko rin naman toh. 

"No Gabi, hindi ito sobra. I'm just giving what you and our twins deserved. And this way makakapante ako na kahit hindi niyo ako kasama, andito kayo happy and safe" Hindi ko mapigilan na hindi umiyak sa sinabi niya. 

"Kaya please, accept this" He said while holding my hands. Hindi nako nag salita. I just nodded then niyakap niya ako. 


I will never regret the moment I fell in love with this man. 


Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon