GABRIELLA MARIE's POV
Pagkalabas na pagkalabas namin ng working area agad lumapit si Hayme kay Sophia.
Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit may parang kumikirot sa puso ko?
Baka dahil nalaman ko ang situation ni Ate Jae. Tama. Yun nga.
Nag uusap ngayon si Sophia at si Ate Jae, at mukang naiinis na si Ate Jae sakanya. Maya maya may biglang pumasok ng shop.
Teka, parang pamilyar siya sakin? Kelan ko nga ba siya nakita?
Natigil ako sa pag iisip ng may biglang nagsalita.
"And who's this beautiful lady?" Tanong ni Jude na kakambal ni Sophia.
Napa kunot naman ang noo ko. Naiirita ako sakanya. Mag sasalita na sana ako kaso inunahan ako ni Hayme.
"She's our wedding planner" He said.
"Well beautiful lady, can you be my wedding planner?" Jude asked.
Pwede bang wag na niya ako tignan naiirita na ako sakanya.
"Ikakasal ka na Jude?" Gulat na tanong ni Sophia sakanya.
"Yes, I'm going to marry this beautiful lady beside me." He said then he looked at me and smiled.
Ano bang pinag sasasabi nitong gagong 'to?! Eh sapakin ko kaya yan!
Halatang nagulat naman silang lahat sa sinabi ni Jude. Sino ba kasing hindi magugulat?
"Ano bang problema mo?" Mataray kong tanong sakanya. Kanina pa ako nag titimpi eh.
"I like you" Diretso niyang sagot. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
Tss. Halatang fuck boy. Akala ata niya hindi ko alam ang galawa niya.
"Well, I don't like you" He was about to say something kaso tinawag na ako ni Ate Jae.
Inutusan naman ako ni Ate Jae na i-assist yung friends and relatives ni Sophia. Kaya pinapunta ko naman sila sa loob ng working area. Si Ate Jae, naiwan sa labas.
Nag start ng tumingin ng designs sila Hayme and Sophia.
Bat ganun? Bat ako nakakaramdam ng inggit?
Gusto ko narin bang ikasal?
Ano ba tong pinagsasasabi ko?! Wala nga akong boyfriend eh!
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
RomanceUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...