JHWP: Twenty Eight

9.9K 189 14
                                    

Gabi's POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pagbaliktad ng tiyan. Agad akong tumayo at tumakbo sa cr.

Duwal lang ako ng duwal pero walang lumalabas. Halos manghinga ako sa nangyayari sakin. Wala pa kasi ako kinakain.

Maya maya eh may naramdaman akong nag hahaplos ng likod ko. Pagtingin ko si Kuya Mar lang pala. 

"Okay ka lang?" Tanong ni Kuya. 

"Nanghihina ako" Sagot ko. 

Inalalayan ako ni Kuya sa pag tayo hanggang sa makabalik ako sa kama ko. 

"Ayoko na!!" Sigaw ko ng makahiga ako sa kama ko. Sobrang nanghihina na talaga ako. Parang wala ako palaging energy. 

"Anong ayaw mo na, panindigan mo yan. Ginusto mo yan. Martyr ka diba?" Asar ni Kuya sakin. 

"Eto naman yun lang sinabi ko ang dami mo na agad sinabi!" Sigaw ko sakanya. Tumawa lang siya. 

"Ano ba gusto mong breakfast?" Tanong niya sakin.

"Bagoong" 

"Ano yun nanaman?! Gusto mo bang mangamoy bagoong pamangkin ko?!" Aba kung maka reklamo toh akala mo naman siya yung kakain.

"Wala kang pake yun yung gusto kong kainin eh!" I said. Wala naman siyang nagawa kaya lumabas siya at nag prepare ng breakfast. 

Buti na lang andito si Kuya Mar para maalagaan ako. May kanyang kayang buhay din naman kasi sila Ces at Iya. 

Hindi ko nga aakalain na masasabi ko ang totoo sa pamilya ko. Last week nung nag pa check up ako at nakita ko si Hayme sa hospital dumating sila Mommy. 

Instead na ako ang ma surprise sila yung na surprise. Sobrang galit si Kuya at Dad nung nalaman nila. Si Mom walang ibang nagawa kung hindi yakapin ako. 

Nung tinanong nila kung sino ang tatay, sinabi ko sakanila ang totoo. Hiyang hiya ako sakanila nun. Pumatol ako sa lalaki na ikakasal na sa iba. Wala akong ibang ginawa nun kung hindi umiyak at humingi ng tawad.

Napatawad at naintindihan naman ako nila Mommy. Wala na rin silang magagawa andito na eh. Gusto pa sana nila kausapin sila Hayme. Pero sinabi ko wag na. Manggugulo lang kami. Sisirain ko lang plano nila. 

Kaya eto naiwan si Kuya sakin siya ngayon ang mag babantay sakin hanggang andito pa ako. Aalis na rin kasi ako. Magpapaka layo layo muna ako. Kami ng magiging anak ko.

"Good morning Gabi!" Sigaw ni Kuya Hans ng makapasok siya sa room ko. 

"Anong maganda sa umaga ko kung nakita kita?" Ewan ko ba nababanas ako sa pagmumuka ni Kuya Hans. 

"Sus dati dati gusto mo kong makita buntis ka lang ganyan ka na" He said. 

Nagulat nga rin si Kuya Hans nung nalaman niya na buntis ako lalo na nung nalaman niya na kung sino yung nakabuntis sakin. Nag promise naman siya na hindi niya sasabihin sa iba. 

"Bakit ka ba kasi andito?" Pag susungit ko sakanya.

"Toh naman, dinalhan na nga kita ng bagoong.Sinusungitan mo pa ako" Nagulat ako sa sinabi niya. 

"Seryoso?!" 

"Oo andu-" Di ko na agad siya pinatapos ng sasabihin, lumabas agad ako ng room ko at pumunta na ng dining room. 

Pag labas ko andun na nga nakahain na yung bagoong tas may bagoong rice pa!

"Eto basta bagoong ang dali kausap" Di ko na pinansin si Kuya Hans umupo na lang ako. 

"Nangangamoy bagoong na nga dito eh!"Reklamo ni Kuya Mar. Bahala sila diyan. 

Habang kumakain kami, may bigla namang nag doorbell. Si Kuya Hans na ang tumayo. Ako naman dedma, kumakain lang.

"Jae, anong ginagawa mo dito?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya Hans kaya napatingin kami ni Kuya sa pinto. 

"Gusto ko lang sana makausap si Gabi" Ate Jae said. Tumingin naman sakin si Kuya Hans. I just nodded. 

Tumayo ako at pumunta sa sala kung nasaan si Ate Jae. Si Kuya Hans naman bumalik na sa dining table.

"Gabi, I miss you" Ate Jae said then niyakap niya ako. 

"Miss ko na rin po kayo" I said then bumitaw na kami sa yakap then umupo na kami. 

"Ano po pala yung gusto niyong pag usapan natin?"Diretso kong tanong sakanya. 

"Tatanong ko sana kung kelan ka babalik" 

"Ate Jae, nakalimutan ko sabihin pero mag reresign na po kasi ako" Nagulat naman siya sa sinabi ko. 

"Bakit?" 

"Pinapabalik na po kasi ako sa Cebu. Maghahandle na po kasi ako ng business" Palusot ko. 

"Ganun ba sayang naman. Pero aattend ka ba ng wedding ni Hayme next month?" Tanong niya sakin. 

"Susubukan ko po" I lied. Wala talaga akong balak pumunta. Nasobrahan naman na ata ako ng katangahan nun. 

"Sige. Kamusta ka naman? Wala ka bang sakit? Nakita ka raw ni Hayme sa hospital last week ah" Medyo kinabahan nako sa sinabi ni Ate Jae. 

"Okay naman ako Ate Jae.Sinamahan ko lang kaibigan ko mag pa check up.  Ikaw dapat kinakamusta ko. Kamusta naman kayo ni Baby?" Pag iiba ko ng topic. 

"Okay lang din kami. Ayun lalo ata akong tumaba"Sabi niya. 

Kung ano ano pa ang pinag usapan namin ni Ate Jae. Aaaminin ko namiss ko ang pamilya nila. Na attached na siguro kasi ako sakanila. Kaya mabuting lumayo ako habang kaya ko pa. Maya maya eh nag paalam na rin si Ate Jae kasi may lakad pa raw sila ni Carlo. 

"Mag iingat ka palagi ha. Kelan ka pala dadalaw samin?" Tanong niya. 

"Di ka po alam, pero itetext kita Ate Jae pag dadalaw ako" Sabi ko sakanya. Nag sinungaling nanaman ako. 

"Sige miss ka na kasi ng kapatid ko" Hindi ko narinig yung sinabi niya kasi pabulong niya sinabi.

"Ano po yun?" Tanong ko.

"Ah wala sige, bye!" Paalam niya. 

"Bye!" I said then sinarado ko na yung pinto.  

Napahawak naman ako sa tiyan ko. 

Sorry baby kailangan kita ilayo sakanila. Lalong lalo na sa ama mo. 

Just His Wedding PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon