Gabi's POV
Nagulat ako sa sinabi ni Hayme. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Nakakabigla siya ah, pag mulat na pag mulat ng mga mata ko yun agad ang bumungad sakin.
"A-no?"
"Will you marry me?" Pag ulit niya na wala lang sakanya para bang nag tatanong lang siya kung anong gusto ko kainin.
"No" Sagot ko. Bigla niyang binaba yung ring na hawak niya.
I have my reasons.
"Wh-y?" He asked.
"Why? Unang una nabigla ako Hayme. Nag sisimula pa lang tayo. Yes magkaka twins na tayo soon. And I also want them to have a happy family pero I want it to take it slow. Hindi biro ang kasal. I want you to ask me dahil gusto mo hindi yung feeling mo obligasyon mo. I'm not yet ready Hayme. I'm sorry" Explain ko sakanya.
Am I being selfish?
"It's okay. Just go back to sleep" He said then lumabas na siya sa room.
Buong gabi ko inisip yung nangyari halos hindi ako makatulog. Oo nakokonsensya ako. Pero ayoko naman na mag padalos dalos kami sa mga desisyon namin. Na baka pag dating ng panahon eh pag sisihan namin.
Kinabukasan pag gising ko si Ate Jewel lang ang nadatnan ko, umalis daw ng maaga si Hayme. Hay babalik nanaman kaya kami sa dati? Sana wag.
Umupo na lang ako at sabay kaming kumain ni Ate Jewel.
"Ate Jewel pag kakain ko aalis rin po ako" Paalam ko sakanya.
"Bakit san ka pupunta?" Tanong niya.
"Makikipag kita lang po ako sa kaibigan ko, hindi rin naman po ako mag tatagal" I said.
Nag text kasi si Kuya Hans sakin miss na niya raw ako kaya pumayag ako na ako makipag kita sakanya. Kawawa naman yun atsaka na miss ko rin naman siya eh.
"O sige mag iingat ka ah?"
"Opo" Sagot ko.
After ko kumain naligo na ako at nag ayos. Sa malapit lang na mall magkikita kami ni Kuya Hans kaya mag tataxi na lang ako.
Pag dating ko sa meeting place namin andun agad si Kuya Hans. Halatang excited siya na makita ako.
"Andiyan na pala ang paborito kong buntis na kaibigan!" Bati niya sakin. Ito talagang si Kuya Hans basta asaran ang galing.
Agad naman siyang tumayo at niyakap niya ako. After nun umupo na kami.
"Grabe ilang months palang yang tiyan mo ang laki na!" Sabi niya.
"Malamang kambal nga diba duh" Sabi ko sabay irap sakanya.
"Masungit ka parin! Walang pinag bago! Oh ano gusto mo mag order ka na"
"Ayoko busog pa ako." Sagot ko.
"Wew. Akala ko paghahanapin mo ako ng bagoong eh. Kamusta ka na pala?" He said.
"Okay naman. Nakatira ako ngayon kay Hayme" Pagka sabi ko nun bigla ko naalala yung nangyari kagabi.
"Tss. Sabi na eh babagsak ka parin sakaya" Ano bang pinagsasabi niya?
"Niyaya niya ako magpakasal" Muntik na niyang maibuga sakin ang iniinom niyang kape.
"A-no?! Seryoso ba yan?!" Sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
RomanceUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...