Iya's POV
Andito kami ngayon nila Cess sa condo ni Gabi.Eto nag walwal nanaman yung dalawa. Ginawa nanaman akong care giver ng dalawang ito.
"Ang gago niya eh. Napaka gago. Kung kelan o-kay na kami ni Jared saka siya babalik?!" Sabi ni Cess habang umiiyak.
Yakap yakap ko ngayon si Cess. Habang si Gabi naman nakahiga na sa kama dahil sa sobrang hilo. Itong dalawang toh lakas maka akit ng inuman bilis naman malasing.
"Eh buti ka nga babalikan eh! Eh ako?! Di niya ako babalikan kasi walang kami!" Biglang sigaw ni Gabi. Akala ko ba bagsak na toh.
"Hoy Gabi anong pinag sasabi mo diyan? Si Christopher ba yan?" Sabi ko sakanya.
Si Christopher yung huli niyang naka MU. Di nga namin alam kung MU sila or may sila ba. Bigla na lang iniwan si Gabi.
"Hindi si topher noh!" Sagot niya.
"Eh sino?"
"Si Haymeeeeeeeee!" Sigaw niya habang nakapikit parin siya.
Napairap na lang ako. Hay nako umamin din siya. Halata naman na gusto niya si Hayme.
"Sabi na nga baaaaa!" Sigaw din ni Cess na nakayakap parin sakin.
"Hoy manahimik ka na diyan" Sabi ko kay Cess. Bigla naman siyang umalis sa pagkayakap sakin at tumayo. Lumabas siya ng kwarto. Sinundan ko naman siya.
"Hoy san ka pupunta" Tanong ko sakanya.
"Sa CR malamang! Susuka lang ako" She said.
"Samahan na kita"
"Wag na! Kaya ko na sarili ko! 23 years old na ko!" Sigaw niya. Napairap na lang ako. Ayan nanaman yung line niya pag lasing siya.
"Bahala ka nga" Sabi ko at bumalik sa room.
Pag balik ko nagulat ako ng makita si Gabi na may hawak na phone. Lumapit agad ako sakanya at inagaw ang phone.
Pag tingin ko tinatawagan niya si Hayme kaya agad kong inend yung call.
"Hooooy! Akin na yan! Balik mo phone ko!!" Sigaw niya sakin. Binatukan ko naman siya.
"Ano nanaman bang naisipan mo at tinawagan mo si Hayme?!" Eh bat ko pa ba tinanong yun? Malamang ginawa niya yun kasi mahal niya si Hayme.
Ganito palagi si Gabi pag nalalasing laging may tinatawagan. Kahit nung bigla siyang iniwan ni Christopher. Isang beses nga tinawagan niya si Topher nun tas ang sumagot babae. Ayun nag walwal lalo.
"Ka-si kailangan ko siya. Pag narinig ko palang boses niya mawawala lahat ng sakit na nararamadaman ko" Nag umpisa na siyang umiyak. Kaya niyakap ko na siya.
"Ayoko na, ayoko na tong nararamdaman ko. Gusto ko ng mawala toh. Hindi ko na kayaaaaaaa!"
"Ano ka ba. May mahahanap ka pa diyan na iba. Bata pa tayo. Pwede pa tayo mag explore" I said.
"Pa-no kung di mawala tong feelings ko sakanya? Natatakot ako. Baka masaya na sila ni Sophia tas ako mahal ko parin siya" Lalong lumakas yung iyak niya.
"Hindi yun mangyayari basta wag mong isipin. Sige na magpahinga ka na. Alam kong sobrang sakit na ng ulo mo lalo na yang puso mo" I said. Then inihiga ko siya ng maayos sa kama.
Nilagay ko muna yung phone niya sa side table then lumabas ng room para i check si Cess.
Biglang sumakit ulo ko ng makita si Cess na natutulog sa tiles ng CR. Hay nako pano ko toh bubuhatin eh mas mabigat pa toh sakin!
Will ata ni Lord na maging caregiver ako eh, hindi mag asawa. Kaloka!
Hayme's POV
Kanina pa hindi mawala sa isip ko si Gabi. I don't know why. She's been ignoring me for the past few days. May ginawa ba ako?
Kanina pa siya umalis with her friends, pero hanggang ngayon hindi parin siya bumabalik sa bahay.
I missed her so much. And It's killing me. I know., hindi ko dapat toh maramdaman. But I can't help it. I'm attached to her.
Bigla naman nag ring phone ko. Pag tingin ko si Gabi yung tumatawag. Sa gulat ko hindi ko agad nasagot. Kaya when I was about to answer her call biglang nawala.
Bat niya ako tinawagan? May nangyari ba sakanyang masama? Should I call her back? Fuck this feeling.
Hindi ko alam kung kelan nag start toh. All I know is I want her to be safe, and I want her to stay by my side.
Always.
After a few minutes nag decide nako na tawagan siya. I was about to call her pero bigla siyang tumawag kaya agad kong sinagot.
"Hello Gabi?! Where the hell are you?!"
[Helloooo. Hayyy. Saraaap talaga pakingan ng boses mo!] Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Lasing ba siya?
"Are you drunk?! Where are you?!" Tanong ko sakanya. Nagsisimula nakong kabahan.
[Hindi ako lasing noh! Wag ka mag alala nasa condo ako kaya gagawin ko ang gusto kong gawin!] Yup. She's drunk.
"Your condo? Stay there. I'll fetch you"
[Waaag! Para san ba ha? Sino ka ba sa buhay koooo? Ano ba ako sa buhay mooo?] Tama ba tong naririnig ko? She's crying?
[I'm just your wedding planner. At hanggang dun lang yun. Pero lam mo ba ang sakit! Kasi ma-] Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya kasi biglang nawala yung call.
What the hell are she saying? Masakit para sakanya ang maging wedding planner namin?
Ugh! I can't take this anymore! Kinuha ko agad yung car keys ko nag paalam kay ate Jewel na susunduin ko si Gabi.
Tinawagan ko ulit yung phone ni Gabi. This time friend na niya yung sumagot. Tinanong ko naman siya kung nasan sila ngayon. Nasa condo daw sila ni Gabi. Kaya agad akong pumunta dun.
Pag dating ko dun dumiretso na agad ako sa condo unit. Kumatok muna ako bago pumasok. Maya maya eh binuksan na ni Iya yung door.
"Hi, um pasensya ka na ah na istorbo ka pa namin" She said.
"Don't worry. It's okay. Where is Gabi?" I asked.
"Andun sa room. Pinunasan ko na ng tubig, kaya nakatulog na" Agad naman ako pumunta sa loob ng kwarto.
At andun nga si Gabi, mahimbing na natutulog.
"Umm. Hayme pwedeng favor?" Iya said.
"Sure. What is it?"
"Pwedeng paki buhat din si Cess?" Tanong niya.
"Okay. Where is she?"
"Hehe. Andun sa CR nakatulog" Medyo natawa ako sa sinabi ni Iya.
Pumunta kami sa CR at andun nga si Cess natutulog. Binuhat ko na siya at tinabi kay Gabi sa kama. Buti nakakaya ni Iya itong dalawa.
"I'll take Gabi home. Para si Cess na lang maalagan mo. Mag stay na kayo dito. It's not safe for you to drive" I said. Amoy alak din kasi si Iya. Kahit di siya tinamaan delikado parin.
"Sige sige. Thank you ulit ah" She said. I just nodded.
Binuhat ko na si Gabi palabas ng condo unit niya.
Habang buhat ko siya, I can't help to stare to her beautiful face.
Hay Gabi, ano bang gagawin ko sayo?
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
RomansaUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...