Gabi's POV
Monthly check up ko ngayon sa doctor. Second to the last ko na toh na check up bago ako manganak.
Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Hayme para sabihin na ready nako. Manggagaling kasi siya sa office.
[Hey, sorry I can't go with you today. May emergency kasi dito sa office. Is it okay to you na ipasundo na lang kita diyan kay Manong?]
"Ah ganun ba. Okay lang.Sige hintayin ko na lang si Manong dito" Sagot ko sakanya. Naiintindihan ko naman siya kasi di naman maiiwasan yung mga ganun na emergency.
[Thank you. I love you Gabi] Napangiti naman ako sa sinabi niya. Simula nung nagkaaminan kami. Lalo na kami nagin mg showy sa isa't isa.
"I love you too Hayme"
May mga binilin pa siya sakin tulad ng mag iingat daw ako. Pagkatapos nun we ended the call.
Hinintay ko na lang si Manong na dumating. Gusto nga ako na samahan ni Ate Jewel eh pero sabi ko wag na kasi may mga labahan pa siya.
Maya maya dumating na rin si Manong. Habang nasa byahe kami biglang tumawag sakin si Cess.
"Oh Cess bat ka napatawag?"
[Check up mo ngayon diba?] Tanong niya saakin.
"Yup. On the way na ko. Bakit?"
[ On the way na rin ako sa hospital na malapit dun sa pupuntahan mo. Kasama ko si Mark. Duty niya ngayon sa ER eh. Wala naman ako pasok ngayon kaya sumama nako. Kita tayo ]
"Naks may pasama sama na. Ako na lang samahan mo mag pa check up. Wala si Hayme eh"
[Ano? Bat wala yun?]
"May emergency kasi sa office"
[Anong emergency? Dapat priority niya kayo!] Napailing na lang ako sa sinabi sakin ni Cess.
"Eh sige na! Mag pababa ka na lang kay Mark. Kita na lang tayo dun" I said then I ended the call.
After ilang minutes dumating na rin kami sa hospital.
"Thank you po Manong!" Sabi ko sakanya bago ako makababa.
Pag dating ko sakto andun na rin si Cess. Hindi ko na naabutan si Mark mukang nauna na siya.
"Sigurado ka bang kaya mo pang mag lakad sa laki ng tiyan mo?" Asar niya sakin ng makalapit ako sakanya.
"Grabe ka ah! Oo naman. Atsaka advice ng doctor sakin maglakad lakad ako noh" Sagot ko sakanya.
Pumunta na kamj sa clinic ni Cess. Habang nag hihintay nag kwentuhan muna kami ni Cess. Ang dami kong tanong sakanya about sakanila ni Mark.
"Eh bat hindi pa kasi kayo magpakasal? Mahal niyo naman ang isa't isa. Tas may Jared na kayo" Sabi ko sakanya.
"Wow ah! Coming from you na ni reject ang proposal ni Hayme" Simula nung nalaman ni na ni reject ko si Hayme wala na silang ibang alam kundi asarin ako.
Naalala ko naman yung ginawang pag propose ni Hayme. Hindi naman ako nag sisisi. Kasi atleast ngayon siguradong sigurado nako.
"Nako wag kang ano diyan, baka mamalayan mo na lang engaged nako" Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Hoy! Engaged ka na?!" Gulat na tanong niya.
"May nakikita kang singsing? Wala diba?" Sagot ko.
Maya maya tinawag na rin kami. Pinag ayos na ko ni Doctora tas pinahiga na niya ako.
"Wow congrats Gabi. You're babies are really healthy. Medyo malaki sila ah" Doctora said habang nakatingin sa monitor.
Hindi ko naman mapigilan mapangiti habang tinitignan ang kambal ko.
"Are you sure na gusto mo mag normal delivery?" Tanong sakin.
"As much as possible po sana Doctora. Pero kung di na po talaga kaya okay na po ako mag CS sagot ko"
"Okay. Mag lakad lakad ka lang tapos nag se-sexual intercorse pa ba kayo?" Feeling ko namula ako sa sinabi ni Doctora. Si Cess naman natawa.
"Nako Doc tag tuyot yan" Gusto ko ng lumubog sa sinabi ni Cess. Natawa din tuloy si Doc. Nakakahiya!!
May mga ilan pang sinabi si Doc. Binigyan din niya ako ng gamot sa pag hihilab ng tiyan ko. Kasi maaga pa raw eh para manganak ako.
After nun nag decide na lang kami ni Cess na sa bahay na lang pumunta tas papasunod namin si Iya.
Pero pupunta muna kami sa hospital kung san naka duty si Mark. Nakalimutan daw kasi kunin ni Cess kay Mark yung susi ng bahay. Eh mauuna umuwi si Cess.
"May inaasikaso lang po na patient si Doc dito muna po kayo" Sabi nung Nurse tas binigyan kami ng upuan dito sa may nurse station.
Habang nag hihintay biglang nag bukas yung kurtina na parang room dito sa ER. At nagulat ako sa nakita ko.
I'ts Hayme.
And he's with Sophia.
"Ga-bi" Nag aalalang tanong sakin ni Cess. Pero hindi ako nag sasalita.
Tintignan ko lanh sila. Hindi naman ako makikita ni Hayme eh kasi nakatalikod siya samin.
"Sir, okay naman po si baby niyo pero kailangan lang po na gumawa ng iba pang test" Feeling ko guguho ang mundo ko nung narinig ko yun.
Baby niyo.
Hindi ko na pinakinggan ang iba pang sinabi nung nurse. Umalis na agad ako sa emergency room. Sinundan naman ako ni Cess.
Ang daming pumapasok sa isip ko. Halo halo nararamdaman ko. Alam ko naman na possible na mabuntis niya si Sophia. Mag fiancé naman kasi sila bago ako umeksena.
Tinext na lang niya si Mark na makipag kita sakanya. Tinext ko na rin si Manong na wag na kami sunduin.
"Cess hatid mo naman ako kay Kuya Hans oh" Sabi ko sakanya ng makaalis na si Mark.
"Gusto mo sa bahay na lang namin?"
"Wag na ayokong idamay kayo ni Mark" Sabi ko sakanya. Kinulit niya pa ako pero nung sumuko na siya kumuha na kami ng taxi para maihatid na niya ako.
Habang nasa byahe pinikit ko na lang ang aking mga mata at itinulog ang sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Just His Wedding Planner
Любовные романыUNDER REVISION WEDDING PLANNER SERIES #2 Gabriella Marie is a wedding planner and there is Hayme the son of her boss and unfortunately her client. Gabi always fight for love, but suddenly she became a coward. After all, She's JUST HIS WEDDING PLANNE...