"Sophia."
I am stunned, hindi ako maka kilos sa kinatatayuan ko.
Akala ko pag nakita ko siya bukod sa galit ko sa kanya, ay wala na akong ibang mararamdaman.
Pero ano eto, ni hindi ko magawang gumalaw.
This is the very first time na makita siya ng malapitan at marinig ang boses niya at binabanggit ang pangalan ko.
"Excuse me. Ikaw po ba si Mr. Henry?"
Biglang sumingit si Saturn at tinanong niya ang nasa harapan ko.
"Yes i'm Henry Dela Fuente. Who are you?"
"Talaga po?!! Ako po si Saturn, kaibigan niya."
Tinuro niya ako, pero hindi ko siya tinignan.
Hindi ko inaalis ang tingin kay Henry.
Hindi ko alam kung bakit, ang daming 'bakit' ang gusto kong itanong sa kanya.
"Buti naman at may kasama ang anak ko sa pag uwi niya."
Paano niya nakukuhang ngumiti, at tawagin akong anak niya?
Pagkatapos nilang magpakilala sa isa't isa ay inaya na niya kaming pumasok sa sasakyan, kinuha ng mga sa tingin ko ay personal bodyguards niya ang mga gamit namin. Pinauna niya akong sumakay at ng susunod na sana siya ay hinila ko papasok si Saturn.
Habang nasa byahe ay panay lang ang kwentuhan nilang dalawa, at ako ay naka tingin lang sa labas. Pansin ko din na may mga sasakyan na tulad netong sinasakyan namin ang naka sunod sa amin.
Another bodyguards?
Tss. Ano naman ang magagawa nila, kung ang papatay sayo ay kasama mo sa sasakyang 'to. They can't save you.
"Paano niyo po pala nalaman ang itsura niya? Ang akala po kasi namin, may banner kayong hawak hawak at nandoon ang pangalan niya."
Tumawa si Henry sa sinabi ni Saturn.
"Paniguradong alam niyo na ang tungkol sa palitan namin ng sulat ng kaibigan niyo. Humiling ako sa kanya na kung pwede bang makita ang anak ko kahit sa larawan man lang. At ang sunod nga niyang liham ay may kasama ng litrato ni Sophia, at masasabi kong kamukhang kamukha siya ng mommy niya."
Naikuyom ko ang kamao ko na pasimple namang hinawakan ni Saturn.
Hinila ko ang kamay ko at isinuot na lang ang earphone ko.
"A-ahh h-he-he g-ganun po ba."
Alanganing sagot at tawa ni Saturn.
~~~~~~~~~~~
Jasper's POV
Prrrrttttt!!!!!!
"Whoa! Nice game guys, nice game!"
Tapos na ang basketball practice namin.
"KYAAAAAAAAA!!!!!! WE LOVE YOU JASPER!!!!"
Pero hindi pa tapos ang mga babaeng 'to sa pag sigaw. Nginitian ko na lang sila at pasimpleng kumaway.
"NATHAN!!!! MARRY MEEEE!!"
Sigaw ng isa pang babae.
"Pfftt!! Pare, bestman ako ha."
Pangangasar ko sa kanya pero hinampas lang ako ng tuwalya sa likod.
"MICHI BABYYYY!! MY ROOM OR YOUR ROOM??!!"
Ano daw??!!
"My room for the first round!! Your room for the second round!!! Baby!!"
Sira ulo talaga tong isang 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/80706346-288-k236589.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
ActionHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.