Chapter 71

14.1K 406 15
                                    

"Saturn..."

Nanlalabo ang mga mata ni Kira, gawa ng mga luha habang tulalang pinapanuod ang nasusunog at nagibang parte ng gusali kung saan nagpa hulog si Saturn.

Nanlalake naman ang mata ni Jasper at hindi makapaniwala habang tinitignan din ang nasusunog na parte.

At si Felix naman ay nanatiling naka hawak kay Kira upang alalayan eto at hindi din makapaniwala sa mabilis na nangyari.

Naramdaman niya ang pag yuko ni Kira, at inakala na nawalan eto ng malay.

"Sophia."

Na tauhan si Jasper at napa tingin sa kapatid ng magsalita si Felix, at makita niyang nanginginig ang mga naka kuyom na kamao neto.

Hinawakan ni Kira ang braso ni Felix na umaalalay sa kanya at inalis niya iyon. Dumiretso siya ng tayo, ngunit na natili siyang naka yuko at naka kuyom ang mga kamao.

Tinalikuran niya ang dalawa at tila wala sa sariling bumababa ng hagdan.

Sinundan naman nila eto sa pagbaba, at na tigil lamang sila ng may mga panibagong kalaban ang dumating at pa akyat.

Na tigil din sa pagbaba si Kira at walang buhay na tinignan ang mga kalaban sa kanyang ibaba.

Muli niyang na ikuyom ang kamao at mabilis na tumalon, at habang nasa ere ay kinuha niya ang katanang nasa likuran niya at mabilis na pinutol ang ulo ng unang kalaban na nalapitan pagka lapag niya.

At sinunod niyang inatake ang iba pa, at sa isang iglap lamang at lahat ay bumagsak na wala ng mga ulo.

Napa takip naman ng bibig si Jasper na tila na duduwal at nag tago sa likuran ni Felix na naka kunot naman ang noo, habang pinapanuod si Kira.

Na paatras naman ang iba nilang mga kalaban, habang naka tingin kay Kira na may mga talsik na ng dugo sa kanyang katawan at mukha.

Blangko namang tinignan sila ni Kira dahlia upang tuluyan silang umatras, ngunit ang isa sa kanila ay tinutukan siya ng baril.

At bago pa neto makalabit ang gatilyo, ay mabilis pa sa hangin na pinutol ni Kira ang kanyang braso.

Malakas na napa inda ang lalake, habang hawak ang putol na braso.

Dahil sa takot na magaya sa kanilang mga kasamahan, tuluyan silang umatras at tumakbo paibaba.

Ngunit hindi sila hinayaan ni Kira na maka layo. Tinungtungan ni Kira ang bakal na harang ng hagdan at tumalon.

Lumapag siya sa harapan ng mga umatras na kalaban, na nahinto naman at na gulat.

"No one..."

Bawat hakbang ni Kira pa akyat, ay silang namang pag atras ng mga kalaban patalikod.

"Of you..."

Halos mag tulakan ang mga eto dahil sa takot.

"Will live."

Sa huling sinabi ni Kira, ay isa-isa niyang hiniwa sa dibdib ang mga kalaban at saksakin ang mga eto.

May isa namang naka takas at tumakbo pa akyat ng hagdan. Ngunit naka harang si Felix sa kanyang dadaanan.

"TUMABI KA!!! HINDI TAO ANG BABAENG 'YAN!! HALIMAW---"

Na tigil sa pag sigaw ang lalake ng maramdaman niya ang malamig at matulis na bagay sa kanyang leeg.

Nanginginig at nanlalake ang mata ng lalake na naka tingin kay Felix, lalo na ng hawakan ni Kira ng mahigpit ang kanyang buhok.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon