"Hey Kira!! Lumabas ka na diyan!!"
Sigaw ni Saturn at muling sunod sunod na kumatok ng malakas sa pinto.
Tss.
"They're waiting for us!! Gutom na ako! Pali-pali!!"
[Hurry up.]
Bakit naman kasi kailangan ganito pa ang itsura neto.
Curse this!!
Kung si Misha ang nasa lagay ko, ikatutuwa pa niya 'to, baka nga gawin pa niya 'tong pantulog.
Muling kumatok ng malakas si Saturn, dahil sa na iirita na ako sa ingay niya ay binuksan ko na iyon.
"KIRA!!!--whoooooaaaa!!"
Natigil siya sa pag tawag sa akin at manlake ang mga mata at mapanganga ng makita ako.
"Tsss." Inis kong bulong, at ang gulat niyang mukha ay napalitan ng malake at nakaka lokong ngiti.
Sabay tawa ng malakas.
"Hahahahahahaha!!"
Kaya nasuntok ko siya sa braso, bwisit eh.
"Aray!! Hahahahaha. Bakit ba?"
"Gusto mong matuluyan? Tss."
Banta ko sa kanya.
Tumigil naman agad siya sa pag tawa pero halatang nag pipigil.
Nilagay niya ang isang kamay niya sa baba niya at umikot ikot siya sa akin at pinagmasdan ako.
Ulo hanggang paa.
"Eh mas hot ka pa pala kesa kay Misha eh."
"Will you please stop checking me out. Para kang manyak sa ginagawa mo."
Maka tingin kasi mula ulo hanggang paa.
"Grabe ka naman!! Di ko gagawin sayo 'yun no! Takot ko lang, natutuwa lang ako dahil change is really coming, pa unti-unti nagiging tao ka na hahahaha----AGGGHH!!!"
Nag lakad na ako at iniwan ko na siyang namimilipit sa sakit.
Ayaw tumigil sa pangangasar eh, nasikmuraan ko tuloy.
Papasok na ako sa dine in area, ng patakbong dumaan si Saturn sa gilid ko.
Eh di siya na gutom.
Pero tumigil siya sa may pintuan at tumingin sa akin ng naka ngiti.
I don't trust that kind of smile.
Ano na naman kaya ang kalokohan neto.
"Everyone!!"
Sabi niya kasabay ng pag taas niya ng kamay niya at itinuro iyon sa akin.
"Presenting, Kira 2.0!!!"
Kira 2.0?? Ano ako, android??
Huminto ako, walang gana ko siyang tinignan at tumalikod paalis.
Narinig ko namang tumakbo siya papunta sa akin at hinabol ako.
"Haha joke lang, eto naman. Halika na."
Pumunta siya sa likod ko at tinulak ako pabalik.
Pagpasok namin sa dine in area, lahat sila ay sa akin naka tingin.
I really hate them.
"Wow sis!! Bagay na bagay ang uniform natin sayo!!"
Tumayo si Jasper at pumunta sa harapan ko na naka ngiti.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AzioneHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
