Chapter 13

16.3K 489 13
                                    

Nasa sampu ang susugod sa akin, inihagis ko ang hawak kong kutsilyo sa unang nakita ko at natamaan siya sa dibdib.

One down.

Pag ikot ko ay mabilis na nasalo ng kamay ko ang tubo na tatama sana sa akin, na agaw ko iyon mula sa pagkaka hawak niya at ginamit 'yun para ipang sikmura sa kanya na ikina yuko niya dahil sa sakit, habang siya ay naka yuko ay tinapakan ko ang likod niya at tumalon papunta sa likuran naman ng isa pang kalaban at malakas kong pinalo ang tubo sa ulo neto.

At ng mukhang naka bawi na sa sakit 'yung lalakeng sinikmuraan ko, siniko ko ang dibdib niya at siniguradong may tatamaang vitals. Napasuka siya ng dugo at bigla na lang bumagsak.

Three down.

"Sa likod mo!"

Sigaw ni Jasper.

Tss, I know. I can feel it.

Hindi ko hinarap 'yung lalakeng susugod sa akin sa likuran ko, inilahad ko lang ang kamay ko patalikod at pinigilan ko gamit ng dalawang daliri ko ang kutsilyo na tatama sana sa tagiliran ko.

Dahil sa ginawa ko ay, napa singhap 'yung tatlo at mapa nganga na ikina iling ko ng patamad.

Pilit na hinihila ng lalake ang kutsilyo niya pero hindi niya magawa dahil mahigpit ang pagkaka ipit ko sa daliri ko.

At dahil ayoko ng patagalin 'to, hinila ko ang kutsilyo niya at mabilis akong umikot papunta sa likuran niya at hinawakan ang ulo niya at itinapat ang katana sa leeg niya.

"W-wag!! Paki usap!!"

Iniharap ko siya sa leader niya at kila Jasper.

"AAAHHH--"

Nanlalake ang mga matang naka tingin ang leader sa kasamahan niya, habang dahan dahan kong idinadaan ang kutsilyo sa leeg neto.

Si Jasper at Michi naman ay nanlalake din ang mga matang naka tingin sa amin, at si Nathan ay umiwas ng tingin.

Hinarap ko naman ang ibang sumugod sa akin kanina, nabitawan nila ang mga hawak nila at nagsipag takbuhan.

"H-hoy!!! S-saan kayo, pupunta?!!"

Nanginginig na sigaw ng leader nila.

Kita at ramdam ko sa kanya ang takot at kagustuhang tumakbo pero hindi magawa.

Tumingin siya sa akin at pinaputukan ako ng baril, pero sinangga ko lang 'yun ng kutsilyong hawak ko.

Pinaputukan niya ulit ako pero muli ko iyong nasangga.

"H-hindi ako natatakot sayo!!!"

Sigaw niya at babarilin sana ulit ako pero nawalan na ng bala ang baril niya.

Mabilis akong kumilos at nagpunta sa likuran niya.

Nagulat siya sa ginawa ko at sa biglaang pagka wala ko sa harapan nila at biglang sulpot sa likod niya, pati na rin 'yung tatlo na hanggang ngayon ay naka luhod pa din.

Itinutok ko ang dulo ng kutsilyo sa leeg niya.

"Afraid now?"

Bulong ko malapit sa tenga niya.

Idiniin ko ang dulo ng kutsilyo sa balat niya, at makita ang pag baon sa balat niya.

"P-parang awa mo na. G-ginagawa ko lang to para ipag higanti ang kapatid ko. P-please, spare my life. P-pangako. M-mananahimik na ako. H-hindi niyo na ako makikita."

So, this is a revenge. Na alala ko nga 'yung sinabi niya kanina tungkol sa kapatid niya na sinunog ng buhay.

I feel you.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon