"K-Kwintas?"
Lalong nanigas si Kira sa kinauupuan niya at hinihiling na sana hindi ang kwintas niya na nawawala ang tinutukoy ng kanya neto.
Umubo ng magkaka sunod si Cross na ikinabahala ni Kira.
"P-Papa just rest, 'w-wag ka na munang magsalita."
Muli na namang napa ubo si Cross at umiling.
"N-No, k-kailangan mo ng malaman ngayon ang tagal ko ng t-tinago 'to sayo, at ayokong dumating ang araw na magsisisi ako dahil hindi ko nasabi at baka hindi na ako magkaroon pa ng ibang pagkakataon...."
Pinunasan ni Kira ang luha sa kanyang pisngi.
"P-Pa ano bang sinasabi mo tsaka hindi ko kasi alam kung kaya ko pang marinig lahat, parang hindi ko kaya ng sabay sabay mas dumadami ang nalalaman ko mas lalo akong nasasaktan. Nasasaktan ako para kay mommy, a-ang akala ko---"
Hinawakan ni Cross ang kamay ni Kira.
"Sophia, alam kong proud na proud sayo ang mommy mo. Ang kailangan mong gawin ngayon, bawiin ang nararapat na noon pa dapat nasa iyong ina--na saan ang kwintas mo?"
Napansin ni Cross na walang suot na kwintas si Kira.
"K-kasi papa--aksidente kong nawala."
"Na wala mo?"
"Pero alam ko naman kung na kanino. H-hindi ko pa lang nakukuha."
"Anak kailangan mo ng makuha iyon, hindi iyon basta na kwintas lang."
Binalot sila ng katahimikan, at sinubukan na maka upo ni Cross kaya't inalalayan siya ni Kira.
"Papa magpahinga ka na muna..."
Sinenyasan ni Cross si Kira na magtungo sa kanyang likuran. Nagtataka man pero agad din niya etong sinunod.
Pinababa ng bahagya ni Cross ang kanyang damit pang ospital, at ng magawa ni Kira agad niyang na alis ang kamay niya at manlake ang mga mata sa nakita.
Isang marka na katulad ng nakita niya kay Hunter sa kaibigan neto.
"B-Bakit meron ka din niyan?"
Ngayon naman ay si Cross ang nagtaka, kaya pinapunta niya si Kira sa kanyang harapan.
"Din? Tell me Sophia, may nakita ka na bang ganoong marka?"
Tanong ni Cross na ikina tango ni Kira.
"M-may naka harap akong ganyan na ganyan ang marka. Ang akala ko tauhan siya ni Carlos, pero ng makita ko iyon ng maayos, magka iba ang letra ng marka. IV, anong ibig sabihin nun?"
Bahagyang napangiti si Cross.
"Tulad nga ng nasabi ko, isa ako sa mga kumampi sa iyong ina. Ang lahat ng napunta kay Carlos ay may markang CV at ang sa iyong ina naman ay IV na ang ibig sabihin ay Isabella Veilleux, sumumpa sila na dadalhin ng bawat panig hanggang sa sila ay mamatay at hanggang sa kahuli hulihan nilang dugo. Kailangan mo silang sabihan, kaya't kinakailangan mo ng makuha ang kwintas. Sila ang magiging kakampi mo, sila ang tutulong sayo. Sila ang poprotekta sayo, laban kay Carlos. Kapalit man ng buhay nila."
Hindi makapaniwala si Kira sa huling sinabi ni Cross. Sa isip niya ay sinubukan siyang patayin ni Ox at Violet.
"Bakit ganyan ang itsura mo?"
Nagtatakang tanong ni Cross.
Napa ngiwi at napa iling na lamang si Kira, at nag aalalang yumuko.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AcciónHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.