France
"Yes. I'm already here...I told you I'm going to visit my old friend...yes Michi...I won't take long...I know...I know babawi ako...just enjoy your last day with your dad...ok I love you too."
Tinapos na niya ang tawag ng kanyang anak, at hinarap ang dalagita na naghihintay sa kanya.
"I'm sorry that was my son."
Hinging paumanhin niya sa babae.
"No problem."
Nakangiting sagot ng dalagita.
"By the way, my name is Amy Ragi. I'm the one who emailed you."
Pagpapakilala niya at inilahad ang kamay, masayang tinanggap naman iyon ng dalagita.
"Yes, I know I'm expecting you."
Matapos ang kanilang kamayan ay sinabihan si Amy na sumunod sa babae.
Pumasok sila sa luma ngunit maayos pa din na paupahan na may ilang palapag.
Umakyat sila sa hagdan at huminto sila sa ika apat na palapag. Naglakad sila patungo sa pinaka dulong pintuan.
Habang papalapit ay dumodoble ang kaba ni Amy na nararamdaman.
Huminto sila sa tapat ng pinto.
"We are here."
Sabi ng dalagita at kinuha ang susi sa kanyang bulsa at binuksan iyon.
Ngumiti si Amy sa dalagita at na unang pumasok sa loob.
Nanlalamig ang pakiramdam niya habang isa isang tinitignan ang bawat sulok ng kwarto.
Walang mga kagamitan, maliban sa nag iisang lumang upuan na nasa pinaka gitna at naka harap sa nag iisang litrato ng babae na nasa dingding.
Nilapitan niya ang litrato, at hinawakan iyon.
"She's very beautiful. But I haven't seen her, not even once."
Sabi ng dalagita ng maka lapit sa kanya.
"By the way, why this apartment is still occupied? You said you haven't seen her, but who is paying for the rent?"
Tanong ni Amy, sinakyan na lamang niya ang sinabi ng dalagita sa kagustuhang malaman kung sino ang patuloy na naka tira sa kwarto na 'yun.
"Hmm. A girl bought this space."
Sagot ng dalagita.
"Girl?"
Nagtatakang tanong ni Amy.
"Yes. But she's staying here only once a month. Not very often."
"By any chance, do you know her name, or what is that girl related to her?"
Turo niya sa babae na nasa litrato.
"I'm sorry but no. I don't have an idea."
Tila nakaramdam ng panghihinayang si Amy.
"But I can say that she looks like her like a photocopy. Especially, how her eyes stare, they stare the same way."
Ngayon naman ay ang dalagita ang nagturo sa litrato.
Nakaramdam ng panlalamig at pangingilabot si Amy at paninigas sa kanyang kinatatayuan.
"Anyways, I'll leave you here now. I'm at the lobby if you have questions."
Dahil sa pagkaka tulala ni Amy hindi na niya nagawang sumagot sa dalagita.
Hindi niya alam kung bakit biglang pumasok sa isipan niya si Sophia dela Fuente.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AcciónHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
