Chapter 46

14.5K 392 21
                                    

Third Person's POV

Isang lalake ang maingat na naglalakad papunta sa tapat ng pinto ng bahay. Inilabas niya ang susi sa kanyang bulsa at maingat na binuksan iyon.

Patay ang lahat ng ilaw maliban lamang sa naka patong na lampara sa ibabaw ng mesa kung saan maraming mga papel ang naka kalat.

Lumapit siya doon at una niyang kinuha ang isang sobre at binasa ang laman.

Tungkol 'yun sa detalye ng grupong Black Corpse. Isinara niya ang sobre matapos na mabasa at kinuha ang mga papel na nakakalat.

Napangisi siya ng mabasa ang isang artikulo tungkol sa pumapatay sa mga anak ng bilyonaro, at lalong lumaki ang pagkaka ngisi niya ng mabasa ang pangalan ng naka sulat doon.

"Sophia dela Fuente or Kira."

Binasa din niya ang ibig sabihin ng huling pangalan.

"Killer."

Napa ngisi siya, at binasa ang iba pang mga artikulo na dumadagdag sa kanyang kaalaman.


Pamela's POV

Inaantok na napa bangon ako sa kama, habang naka hawak sa nagugutom kong tiyan.

"Tss. Oo eto na ohh. Chill lang tummy."

Napa hikab at napa inat ako bago tumayo.

Grabe talaga 'tong tiyan ko, kahit tulog na ako ayaw magpa awat.

Nanlalabo ang mata kong napa tingin sa orasan.

Alas dos?!!

Binuksan ko na ang pinto at muli na namang napa hikab, ganoon ang posisyon ko ng may makita akong pigura ng tao na naka talikod at naka tayo sa study table ko at hawak ang mga article ko.

"H-hoy!!! Sino ka?!!"

Inangat niya lang ang ulo niya mula sa binabasa niya pero hindi siya lumingon sa akin.

"A-ang sabi ko sino ka?? Paano ka naka pasok?!"

Kinuha ko sa tabi ang walis tambo ko, wala akong oras para kunin ang baril ko. Isa pa nandoon 'yun sa drawer na nasa malapit sa kanya.

Ibinaba niya ang kamay niya pero hawak pa din ang mga article ko.

"Isa pa!! Sino---shit!"

Napa mura ako ng basagin niya ang lamp shade ko at lalong dumilim sa bahay ko. Hinawakan ko ng maigi ang walis tambo na hawak ko at pinakiramdaman ang paligid.

Nakaramdam ako ng parang hangin na dumaan sa kaliwa ko kaya naihampas ko ang walis tambo pero wala akong natamaan.

"Sino ka ba?!!"

Nakaramdam na naman ako ng hangin sa kanan ko naman pero pag hampas ko wala din akong natamaan.

"Ang lakas na loob mong pasukin ang bahay ko!! Pulis--Aagg!"

May humampas ng likod ko, at bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay may bumulong mula sa likuran ko.

"Sleep tight."

~~~~~~~~~


Jasper's POV

"Kuya, hindi nangangagat 'yang laptop mo, lapitan mo kaya."

Seryosong naka tingin sa akin si Usher habang kumakain ng chocolate.

"Matulog ka na kaya, anong oras na."

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon