Chapter 52

13.8K 398 26
                                    

Kira's POV


Ouch! My head hurts, tss.

Wait--where am I?!

Napa bangon ako ng mapansin na hindi ko kwarto 'to.

Where the hell am I?!!!

Napa tingin ako sa salamin na malapit sa akin. May band aid ang noo ko at benda sa braso ko.

Ano bang--damn it!

Someone tried to kill me!

Tumayo na ako at hinanap ang uniform ko, hindi ko kasi damit ang suot ko.

Nakita ko ang coat ko, kinapa ko ang bulsa para kunin ang phone ko. Pag kuha ko nakita kong may crack na 'yun at ayaw ng bumukas.

Damn!

Kinuha ko na lang ang ibang gamit ko at pinalitan 'tong suot ko. Ng matapos ako ay maingat kong binuksan ang pinto at sumilip.

Tahimik ang buong bahay, mukhang walang tao. Pero maingat pa rin akong lumabas sa kwarto.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, at ng makita ko ang pinto, mabilis akong nag tungo doon.

Pero nahinto ako ng makita ang laptop na naka bukas at may katabing ilang mga papel.

Nilapitan ko iyon at binasa.

At habang binabasa ko iyon ay napapa kunot ako ng noo, at mapataas ng isang kilay.

Bakit nandito ang pangalan ko? At 'yung grupong black corpse.

Na kanino bang bahay ako?!!

Umupo ako at binasa ang naka sulat, na lalong ikina taka ko.

Nandito din ang mga anak ng bilyonaryo na pinatay ko, pati ang sunod kong target na sila Henry.

Pati ang ibig sabihin ng pangalan ko na 'Kira'.

Sino ang nag iimbestiga sa akin?!

Inalis ko ang tingin sa laptop pagkatapos kong mabasa 'yun, parang hindi pa ata tapos 'to.

Muli na namang na hinto ang tingin ko sa mga papel. Tinignan ko iyon isa isa at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita kong naka guhit.

A-Ang kwintas ko.

Paanong...

Kung sino man ang nag ligtas sa akin mula sa pag sabog at pagka hulog ng sasakyan ko, hindi rin ako ligtas sa kanya.


Pamela's POV

"Salamat ng marami mang Berting, full tank yan ha. Sa susunod po ulit."

Inabot ko ang susi ng sasakyan na hiniram ko sa kapitbahay ko. At kinuha na ang mga pinamili kong pagkain.

Tinatamad kasi akong magluto. Tumingin ako sa relo ko, ala una na pala ng madaling araw.

Pumasok na ako sa gate netong compound na inuupahan ko at kinuha ang susi sa bulsa ko.

Pag bukas ko ng pinto---

"Aahhh---hmm!!"

"Bakit mo ko iniimbestigahan?"

Diniinan niya ang kamay niyang naka takip sa bibig ko.

Nabitawan ko naman ang mga dala ko at pilit na inaalis ang kamay niya.

"HHHMMMMMM!!"

Bwisit!!

"Aalisin ko ang kamay ko sa bibig mo, pero kapag sumigaw ka. Etong bala ng baril mo ang papatay sayo. Naiintindihan mo?!"

Bulong niya malapit sa tenga ko pero nakaka takot. At lalo akong natakot ng idiin niya sa sintido ko ang baril ko. Kaya sunod-sunod akong napa tango.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon