"The name is Hunter."
Now I remember.
Inilahad niya ang kamay niya sa akin at hinihintay na magpakilala ako.
"What are you doing?"
Tanong niya sa akin, ng mapansin niyang may kinakapa ako sa bulsa ng palda ko at coat.
"Naghahanap ng basura."
Sagot ko naman at sa bag ko naman ako nag hahanap.
"Huh?"
Pagtataka niya.
Oh, I found one.
Naka kunot ang noo niyang inabot ko ang crumpled paper na nakuha ko sa bag.
"Ayan lang kasi ang basura ko." Blangko kong sabi at tinalikuran na siya.
"Hahaha sandali."
Pinigilan niya ang braso ko bago pa ako maka layo.
Naka ngiti siya at itinapat sa akin 'yung binigay kong papel.
"Like what you did the first time I introduced myself to you."
"So?"
Napa kamot siya ng ulo pero naka ngiti pa din.
"Telling me your name won't hurt you."
Naka tingin lang ako sa kanya, at muli siyang tinalikuran.
"Hey hey, wait! Ok fine, if you don't want to tell your name, just let me take you home padilim na at mukhang uulan pa."
"How are you so sure na sasama ako sayo? I can take care of myself."
Then something dropped on my left arm, hanggang sa mapansin ko na, na 'yung kaninang mga naglalakad ay nagtatakbuhan na at 'yung iba naman ay may mga gamit ng payong.
Lumalakas na rin ang patak kaya nilingon ko siya na may nakaka lokong ngiti sa mukha niya.
Naglakad ako papunta sa kotse niya at huminto sa pinto ng shotgun seat.
Nilapitan niya naman agad ako at siya na ang nagbukas ng pinto para sa akin, pero bago ako pumasok ay tinignan ko muna siya mata sa mata.
Siya na rin ang nag sara ng pinto at pag pasok niya ay biglang bumuhas ang napaka lakas ng ulan.
Sinabi ko naman ang address ko at tamang tama nga daw dahil madadaanan niya ang subdivision na 'yun.
Binuhay na niya ang makina at hanggang ngayon ay naka ngiti pa rin siya.
Tss.
Kung hindi lang umulan at kung hindi lang kumikirot ang sugat ko hindi ako sasabay sa baliw na 'to.
Tahimik lang kami sa buong byahe, mukhang naramdaman na niya na ayokong makipag usap.
Pasimple naman akong tumingin sa relo ko, ala sais pasado na pero eto kami stuck sa traffic. At mas lalo pang lumakas ang ulan.
At kahit na mabagal ang andar namin, nakaka singit siya sa mga nasa unahan namin.
Napa taas ako ng isang kilay ng ibang daan ang tinatahak namin. Parang eskinita pero kasya ang pang isahan na sasakyan.
"I know a shortcut."
Biglang sabi niya pero hindi ako sumagot.
Medyo madilim etong dinadaanan namin, tanging headlights at nag iisang poste ng ilaw na namamatay sindi pa ang nagbibigay liwanag sa daan.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
ActionHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
