Chapter 41

13.6K 400 13
                                    

Nagising si Kira sa liwanag na tumatama sa kanyang mukha.

Idinilat niya ang kanyang mga mata, nanlalabo pa ang kanyang paningin kaya pumikit siya ng mariin at muling dumilat.

Pag dilat niya ay hindi pamilyar ang kanyang paligid, ng gumalaw siya ay bigla siyang napa inda sa sakit ng katawan at hapdi na nararamdaman.

Ng tignan ang sarili tsaka lamang bumalik ang lahat ng nangyari. Kaya nagmamadali siyang bumangon at lumabas ng kwarto kahit na may sakit na nararamdaman.

"I-iha."

Naka salubong niya si Elizabeth sa pasilyo.

"Na saan si Saturn?"

Hindi alam ni Elizabeth ang kanyang isasagot.

"WHERE THE HELL IS SATURN?!!"

Nabigla si Elizabeth sa pagsigaw ni Kira, at bigla namang dumating si Henry.

"What is happening--S-Sophia."

Tinignan niya lamang si Henry ng masama at tinalikuran.

Hindi pamilyar kay Kira ang bahay kaya lahat ng makitang pinto ay binubuksan niya habang inaawat at naka sunod sila Henry at Elizabeth sa kanya.

Sa isang pinto na nabuksan niya ay ang kwarto ni Jasper na naka tayo sa tapat ng salamin at inaayos ang kanyang suot na damit. Natigil siya at napa tingin kay Kira na napaka dilim ng awra at ang kanyang magulang na naka sunod kay Kira.

"Dad? Why--"

Nahinto si Jasper ng pagalit na umalis si Kira, napa iling si Henry at muling sinundan ang anak. Samantalang nilapitan naman ni Jasper si Elizabeth na kinakabahan.

Pasunod na sana silang dalawa ng lumabas sa isang kwarto si Marcus.

"What's with the noise?"

Nagtatakang tanong niya.

"Si Sophia kuya gising na."

Napa buga na lamang ng hangin si Marcus at pinuntahan si Kira.

Napahinto si Kira sa pagbubukas ng mga pinto, ng makita ang kanyang hinahanap.

Si Saturn.

Naka upo sa sahig at naka sandal sa kanyang kama at tulala, nagmamadali naman niya etong nilapitan.

Napahinto ang mga sumusunod sa kanya sa pinto at pinagmamasdan siya na naka harap sa tulalang si Saturn.

"Saturn. Get up, aalis tayo."

Kumilos si Jasper upang puntahan si Kira ng marinig ang sinabi neto ngunit mabilis siyang napigilan ni Marcus, at inilingan siya.

"I said get the hell up!!!"

Hinila patayo ni Kira ang damit ni Saturn, ngunit wala pa din etong kibo. Tulala at tila walang naririnig.

"SATURN!!"

Sigaw niya at malakas etong sinuntok na ikina talsik neto.

Na bahala naman si Jasper kaya nilapitan na niya si Kira na papalapit naman kay Saturn na tulala pa din.

Hinawakan ni Jasper ang braso niya ngunit mabilis namang na hawakan ni Kira ang braso ni Jasper at ipina ikot iyon.

"Aray!! S-sis!"

"'Wag kang mangingialam!"

Pabulong na sabi sa kanya ni Kira, na may pagbabantang tono.

Napatakip naman ng bibig si Elizabeth sa nakitang ginawa ni Kira sa anak, kaya pinuntahan niya si Jasper at inalalayan. Sinundan naman siya ni Henry at Marcus.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon