Chapter 57

13.5K 391 39
                                        

Third Person's POV

Magkaka sabay na dumating sila Henry, Marcus, Saturn at Kira sa ospital.

At ng malapit na sila sa emergency room, kung saan kabadong naghihintay si Jasper ay bumagal ang lakad ni Kira na napansin ni Saturn kaya hinarap niya ang kaibigan.

"Pwede tayong umuwi."

Sabi ni Saturn at hinawakan ang kamay ni Kira na naka tingin lang sa unahan nila.

Nakita niyang tumayo mula sa pagkaka upo si Jasper at niyakap si Henry.

Napa tingin sa ibang gawi si Kira ng mapag tanto kung ano ba ang ginagawa nila doon ni Saturn.

"L-Let's go."

Tatalikod na sila ng saktong nagka tinginan sila ni Jasper, masama ang tingin na ibinigay niya kay Kira at pa galit siyang pinuntahan.

At ng makalapit siya ay mabilis na humarang si Saturn sa harap ni Kira ng malaman kung ano ang gagawin neto sa kaibigan niya.

"ANG KAPAL NG MUKHA MONG MAGPUNTA AT MAGPAKITA DITO!!!"

Itinutulak niya si Saturn na naka harang kay Kira.

"Jasper."

Kalmadong awat ni Saturn sa kanya. Naka lapit naman agad sila Henry at Marcus.

"BAKIT HUH?!! HIHINTAYIN MONG MAMATAY ANG NANAY KO?!! HUH?!!"

"Jasper that's enough! Nasa public place tayo!"

Awat sa kanya ni Henry at pumiglas sa pagkaka hawak niya.

"NO, DAD!!! MAGANDA NGA 'YAN, SO THE PUBLIC WILL KNOW THAT SHE'S THE ONE WHO SHOULD BE BLAME!! KUNG HINDI DAHIL SAYO WALA SANA SI MOMMY SA LOOB NG KWARTO NA 'YUN AT NAG AAGAW BUHAY!!!"

"Tama na! Saturn, iuwi mo muna si Sophia sa bahay."

"I'M NOT DONE YET, DAD!"

Dinuro ni Jasper si Kira na naka yuko lamang, kaya lalo pang iniharang ni Saturn ang sarili sa kaibigan.

"IKAW! MY MOM TRIED HER BEST PARA MAPALAPIT SAYO KAHIT NA IPINAGTUTULAKAN MO SIYA! PERO ANONG IGAGANTI MO, ETO?!! ALAM MO, KAYA SIGURO MAAGANG NAMATAY ANG NANAY MO DAHIL NAGDADALA KA NG PELIGRO SA IBA!! SA MADALING SALITA MALAS KA---"

Na suntok ng malakas ni Saturn si Jasper na ikina talksik neto at tumama ang likuran sa pader.

Susugudin pa sana niya si Jasper ng hawakan ni Kira ang kamay niya. Pinuntahan naman ni Henry si Jasper at tinulungan etong maka tayo.

"Let's go Saturn."

Malamig at walang ganang sabi ni Kira at na unang naglakad.

Galit na naikuyom ni Saturn ang dalawang kamao at masama ang tingin kay Jasper na masama naman ang tingin kay Kira na naglalakad palayo sa kanila.

"Use my car."

Inabot ni Marcus ang susi kay Saturn na tinignan lamang niya bago eto talikuran at sumunod kay Kira.

~~~~~~~~~

"Kira? Tapos ka na ba? Papasok na ako ha."

Binuksan ni Saturn ang pintuan ng banyo.

At na abutan niyang pa upong naka sandal si Kira sa dingding at naka tulala. Pinatay niya muna ang gripo sa lababo at kumuha ng maliit na pamunas at yumuko sa harapan neto upang punasan ang basa netong kamay.

"Kanina—hindi tumitigil na bumabalik sa isipan ko ang nangyari kay mommy---malinaw pa sa isipan ko ang itsura niya--naka higa sa malamig na semento at naliligo sa sariling dugo—na kita ko si mommy kay Elizabeth--at ngayon--na aalala ko naman 'yung nangyari kay Eve, kay Misha at kay sir Cross--tama nga siguro si Jasper..."

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon