Kira's POV
"Tss."
Naikuyom ko ang kamay ko sa galit, hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap na naka takas sa akin si Carlos!
Nandoon na, nasa harapan ko na siya!!
Curse that bastard!!
At ang isa pang iniisip ko kung sino 'yung naka hood na bumaril sa akin. I'm trying to remember his face pero hindi ko talaga maalala dahil sobrang dilim.
Ang na aalala ko lang, natamaan ko naman siya sa balikat niya.
Kung sino man 'yun, I'll make sure na sa impyerno din ang bagsak niya kasama si Carlos.
I'm trying to remember things for the nth time mula ng makarating kami doon hanggang sa naka pasok na ako. Baka kasi may pwede akong maalala na makakatulong sa akin na mahanap o makilala man lang si Carlos.
Pero ang lagi ko lang na aalala ay 'yung painting na nakita ko at matagal na napagmasdan. Isang matandang lalake at batang babae na may suot na kwintas.
Teka, 'yung kwintas ko. I'm here at Felix's place.
Napatayo agad ako pero nakalimutan ko nga pala na may sugat ako. Tss.
Binalewala ko ang sakit, at ng makarating ako sa pinto ay maingat ko iyon na binuksan.
Patay ang lahat ng ilaw pero may mga dim lights na naka bukas.
Nakita kong natutulog si Knightly sa sofa samantalang si Saturn naman ay sa sahig. May naka latag naman pero sa sobrang likot niyang matulog wala na siya sa higaan niya.
Tama lang ang lake ng condo ni Felix, sapat lang para sa isang tao. At hindi masyadong maarte sa mga gamit.
Simple, yet very classic.
Sa kakatingin ko sa paligid ko, nalaman kong isa lang ang kwarto dito sa ibaba. Kaya ang ibig sabihin nasa taas ang kwarto ni Felix.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa hagdan, pero napa tigil ako bago pa man ako makarating sa hagdan.
Lumapit ako sa malaking glass wall, kitang kita ko ang mga ilaw sa kalsada, ng mga sasakyan, at ang mga ilaw sa iba't ibang gusali.
Inalis ko muna ang atensyon ko doon, at tumuloy na akong umakyat ng hagdan.
Pag akyat ko sa pangalawang palapag, ang lake pa ng ispasyo.
'Yung lake ng nasa ibaba, ay ganoon din ang lake dito pero ang pinagka iba lang ay walang mga gamit dito sa taas. At yung dingding ay salamin din.
Isa lang ang pinto dito, so I assume eto na ang kwarto niya. Siguro naman tulog na siya at sana nga lang hindi naka lock ang pinto niya.
Hinawakan ko na ang door knob at bahagyang napa ngisi dahil hindi iyon naka lock.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, at sumilip.
Patay ang mga ilaw, dim lights lang ang naka bukas idagdag pa ang city lights na tumatagos sa salamin niyang dingding.
Ipinasok ko ang kalahati ng katawan ko at sinilip ang kama niya.
Bakit wala siya?
Oo nga pala, sumabay siya pagka alis ni Nathan.
Hindi pa rin siya nakaka balik? Tss, 'wag na muna siyang bumalik.
Nagsimula na akong maghanap sa mga drawer ng study table niya.
Nai taas ko ang isang kilay ko, dahil walang laman.
Sunod ay ang book shelve niya, kinapa ko ang mga gilid pero wala din.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AksiyonHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.