"Ate Sophia!!!! Wake up, dali!!"
Whoever used these twins to wake me up. I will surely kill you.
"Bilis ate!!"
Hindi ko alam kung sino sa kambal ang tumuntong sa taas ko at hinila ako pa upo.
Ng mawala wala ang pagka labo ng mata ko, na kita ko na si Ashton pala ang humila sa akin na ngayon ay ang lake lake ng pagkaka ngiti.
Napatingin naman ako kay Usher na nasa gilid ko at karga karga si Bella.
"Leave."
Walang pasok ngayon bakit nila ako ginigising ng maaga.
Humiga ulit ako at nakikipag hilaan ng kumot sa kanilang dalawa.
Tss. Kung hindi lang kayo mga bata.
"You better listen to the twin."
And who the hell was that?
Naidilat ko ang isang mata ko at sa likuran ni Usher ay si Marcus na nakapamulsa.
Muli akong umupo at kinarga pababa si Ashton.
Tinignan ko sila isa isa.
"Anong meron?"
Walang gana kong tanong.
"Just fix and go downstairs."
Iyon lang ang sinabi niya at umalis na.
Wait.
This is the first time na pumasok siya sa kwarto ko.
At first time din na hindi siya naka formal attire.
So what? Tss.
"Kayo? 'Di pa kayo lalabas?"
Tanong ko sa kambal pero sabay lang silang umiling.
Napa iling na lang din ako at bumangon.
Kinuha ko ang robe kong naka sabit sa upuan at lumabas na kasama ang kambal.
"Mom! Dad! Kuyas! Kasama na namin si ate!!"
Pababa pa lang kami ng hagdan ng sumigaw si Usher.
Siguraduhin lang nila na may kwenta etong maaga kong gising.
Pagbaba namin kumpleto silang naka abang sa sala. At mga naka ngiti, pwera lang kay Marcus na naka upo sa sofa at hawak ang cellphone.
"Good morning!!"
Sabay sabay nilang bati.
Napatingin ako kay Saturn, at mukhang na gets naman niya ang tingin ko kaya nag shrugged siya.
Hinawakan ng kambal ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanila.
Paglapit ko ay pumunta si Jasper sa likuran ko at tinakpan niya ng panyo ang mata ko.
"Oh wag kang mananapak ah."
Biro niya.
Pero mukhang magandang idea 'yun.
Hindi ko alam kung sino pa ang umalalay sa akin, at base sa kalkulasyon ko ay palabas kami ng bahay.
"Ready Kira?"
Excited na tanong ni Saturn.
"Yeah, je suis prêt à tous vous tuer."
[I'm ready to kill all of you]
"Kuya Jasper dali!! Ready na daw si ate!"
Sabay na sabi ng kambal habang pumapalakpak.
Kung naintindihan kaya ng kambal ang sinabi ko, papalakpak pa kaya sila sa excitement?
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AksiHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.