Chapter 49

14.1K 389 25
                                        

Mabilis na siniko ni Scar si Kira na mabilis naman netong na iwasan.

Pag harap ni Scar sa kanya, ay muli siyang na gulat sa mabilis netong pagka wala at muling nag tungo sa kanyang likuran, bahagyang tumalon si Kira upang masipa si Scar sa ulo na ikina atras neto.

Muli niyang hinarap si Kira sa kanyang likuran ng maka bawi siya, ngunit mabilis etong na walang muli.

Muling lumitaw si Kira sa likuran si Scar at kalabitin siya, at pag harap niya ay malakas siyang siniko neto.

"BOOO!!! ANO BANG KLASENG LABAN 'YAN!!"

Sigaw ng isa sa mga nanunuod at nagsimula na ding mag ingay ang iba pa, at mag bato ng mga lata at ilang mga kalat.

Umayos ng tayo si Scar at masamang pinag mamasdan si Kira na deretsong naka tayo lamang sa gitna ng entablado.

"Tama na ang laro!!!"

Patakbong sumugod si Scar at muli na namang naka iwas si Kira sa padating na suntok, magkaka sunod ang pag tangka netong pag suntok ngunit na iiwasan lamang iyon ni Kira.

~~~

Samantalang isa sa mga tauhan ni Senior Esguerra ang nag tungo sa kanya upang ipaalam ang nangyayaring labanan.

Iniutos neto na buksan ang kurtina ng bintana upang mapanuod niya ang laban.

Tumayo siya malapit sa bintana at makita ang pangyayari na pinaglalaruan lamang ni Kira ang laban nila. Bahagya siyang na gulat ngunit agad din namang naka bawi at mapa ngisi.

"Baka hanggang pakitang gilas ka lang."

Bulong niya.

Na kita din niya ang mga nagagalit na mga manunuod dahil sa ginagawang paglalaro ni Kira.

Kaya't tinawag niya ang isa sa mga tauhan niya at binulungan eto.

~~~

"Akala ko ba wala pang isang minuto, at dadanak ang dugo ko sa ring na 'to."

Naka ngisi at sarkastiko na sabi ni Kira kay Scar habang iniiwasan ang mga suntok at sipa neto.

Magkaka sunod namang umikot patalikod si Kira, at sa kanyang huling ikot ay nilakasan niya ang pag talon at tumuntong sa gilid ng entablado.

"Ano? Ganito na lang ta--"

Na hinto si Kira sa pagsasalita at mapa tingin sa itaas.

Na kita niyang may ibinababa na malalaking bakal na harang sa bawat gilid ng entablado.

Inilipat niya ang tingin kay Scar na naka tingin din sa itaas at ng tumingin din eto sa kanya ay ngumisi eto.

Inilibot ni Kira ang kanyang tingin, ng maramdamang hindi lang ang mga nanunuod ang naka tingin sa kanya.

Palihim niyang na itaas ang isang kilay na malamang tama ang kanyang hinala na ang matanda ang nanunuod sa kanya sa mula sa tanggapan neto, at makita ang seryosong tingin sa kanya.

Agad namang inaalis ni Kira ang tingin sa matanda, ng makarinig siya ng pag hagis kay Scar ng malaking kadena na may malaking bilog na bakal sa dulo neto at tuluyan na ding bumaba ang bakal na harang at ikinandado iyon.

Muling napa tingin si Kira kay Esguerra at mapa ngisi.

"HAHAHA!! DUDURUGIN KO 'YANG KATAWAN MO!!"

Pa takbong sumugod si Scar kay Kira na hindi naka tingin sa kanya. At habang tumatakbo ay iniikot ni Scar ang hawak na kadena at inihagis kay Kira na wala pa din ang atensyon sa kanya.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon