Chapter 4

21K 530 18
                                        

"Sooooooo! What now Kira? 'Yung kwarto ng kambal katabi mo lang, kwarto ni Jasper nasa tapat ng kwarto mo ang kila ma'am Elizabeth at sir Henry naman ay nasa itaas. Sino ang uunahin natin?"

Saturn is lying on my bed, may hawak siyang maliit na bola ihahagis niya iyon pataas tapos sasaluhin niya.

Ako naman ay naka upo lang sa swivel chair habang naka de kwatro at nag iisip.

"Ay oo nga pala, pwede bang patagalin mo muna ng kahit ilang lingo mukhang ang sarap kasi tumira dito. Ang daming pagkain, ang lakas ng wifi, tsaka parang bakasyon na rin natin 'to. Ayoko pang umuwi, makikita ko nanaman yung machine gun kong ate."

Kinuha ko ang ballpen na nasa mesa, binuksan ko ang takip at pinagmasdan ang matulis na bagay.

Sabay...

"KIRA!!!!!! Bakit mo ginawa 'yun? Sa kambal 'yung laruan na 'yun." Nginisian ko lang siya.

Habang nasa ere kasi yung bolang hinahagis niya ay tinarget ko iyon ng ballpen na hawak ko .

Tumayo na ako at naglakad papuntang pinto.

"Oh, san ka naman pupunta?" Tanong niya.

"Iinom lang. Bumalik ka na nga sa kwarto mo."

"Ayoko. Dito muna ako, dalhan mo ko ng chips ha! May nakita ako sa ref kanina eh."

Bubuksan ko na sana ang pinto ng mahinto ako at nilingon siya.

"Feel at home lang?" Tanong ko habang naka taas ang isang kilay.

"Why? Sabi naman nila sir Henry 'yun. Duh!" Pag tataray niya.

Naka harap na siya sa laptop at ni hindi man lang inalis ang tingin doon.

Tuluyan na akong lumabas at bumaba ng hagdan. Patay na lahat ng ilaw pero may mga dim lights na naka bukas.

Ng makita ko na ang kitchen dumiretso ako sa ref at kumuha ng dalawang bottled water, sunod ay hinanap ko 'yung chips na tinutukoy ni Saturn.

Kaso wala naman akong makita, puro tirang pagkain 'to ng kambal. Paano ko nalaman? 'Yung mga pagkain ay may pangalan nila.

Tsaka bakit may chips sa ref? Tss.

Na hinto ako sa paghahanap ng may marinig ako sa likuran ko na mahinang kaluskos.

Kinuha ko ang tinidor ni Usher sa tira niyang cake na nasa platito, 'yun kasi ang una kong nakita.

At ng maramdaman kong nasa likuran ko na siya agad ko siyang hinarap at--

"Hey."

Na hawakan niya ang kamay ko na may hawak na tinidor na malapit na sa mukha niya.

"Who are you?"

"Sino ka?"

Sabay naming tanong.

It's a man.

"Put that thing down."

Tukoy niya sa tinidor na hawak ko.

Binitawan niya ang braso ko--na sana ay hindi niya ginawa.

Siniko ko ang dibdib niya na ikina atras niya at tumama ang likod niya sa counter bar.

Hinawakan ko ang isang kamay niya at pinulupot iyon sa likuran niya sabay tutok ng tinidor sa leeg niya.

"I repeat. Who---"

Natigil ako ng biglang bumukas ang ilaw.

"Kuya Marcus? Ate Sophia?"

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon