Chapter 34

14.4K 341 28
                                    

Kira's POV

"Kira sandali!"

Habol na tawag sa akin ni Saturn pagka labas na pagka labas ko ng sasakyan.

"Kira!"

"What?!"

Iritable kong sabi ng mahabol niya ako.

"Let's talk and make a plan first."

Nilagpasan ko siya at mas dinoble ang paglalakad ko.

"Kira!! Hindi ka pwedeng bastang sumugod---k-kuya Marcus, aalis ka?"

Sabay kaming napa hinto ni Saturn ng makita namin si Marcus.

"Yes."

Naka semi formal siya kaya mukha talagang aalis, pagka tapos ay sa akin naman siya tumingin.

"Are you ok now?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay, dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.

Kaya nilagpasan ko na lang siya at pumasok na sa loob. Pero napahinto na naman ako ng makita sila Henry at Elizabeth na naka tayo sa pinto.

"Iha!"

Sabay nilang tawag sa akin.

Nilapitan ako ni Elizabeth at niyakap ako, medyo napa inda ako dahil sa sugat ko.

"Iha. I'm really sorry about this morning. I-i didn't mean to--"

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at nilagpasan din siya tulad ng ginawa ko kay Marcus.

"Sophia."

Huminto ako at mapa buga ng hangin bago lingunin si Henry ng tawagin niya ako.

"Magkakaroon kayo ng long weekend this week, right? Gusto mo bang ipa-book na kita pauwi ng France to visit your mom? O kaya pauwiin natin ang mommy mo dito, ako na ang bahala sa accomodation at sa lahat ng gastos kung mamamasyal kayo. Your tita Elizabeth suggested that."

Naka ngiti niyang sabi.

"Really?"

Walang gana kong tanong.

Lumapit si Elizabeth kay Henry.

"Yes iha. We thought that maybe you miss your mom na. Ayaw naman namin na isipin niya na sinosolo ka namin."

Naka ngiti ring paliwanag ni Elizabeth.

Nakita ko naman na napahinto si Saturn sa may pintuan, at naka tingin sa kamay kong naka kuyom.

Lumapit ako kila Henry at nginisian sila na ikinataka nila.

"Nakikita niyo 'tong nasa kamay ko?"

Mas lalo silang nag taka sa tanong ko.

"Anak, wala naman na kung ano sa kamay mo."

Muli akong ngumisi.

"Oo nga wala. Kasi wala kayong pakialam kung namimiss ko ang mommy ko."

Tinalikuran ko na sila at umakyat na ng hagdan.

Pagdating ko sa kwarto ko napa higa ako sa kama at pumikit.

"How dare them said those words!"

Naikuyom ko na naman ang kamay ko at pinunasan ang namumuong luha sa mata ko.

"Kira?"

Tumayo na ako at dumiretso sa closet.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon