Chapter 33

15.4K 450 38
                                    

Third Person's POV

Huminto si Kira sa loob ng lumang bodega na pinag tatambakan ng mga sirang upuan at mesa.

Pinagmamasdan niya si Ox na naka tayo sa kanyang harapan na may sapat na distansya.

Pumitik ng daliri si Ox at may lumabas at lumapit sa kanyang babae at inabutan siya ng bakal.

Agad na naalala ni Kira ang babae dahil na din sa buhok netong kulay lila, na naka ngisi sa kanya.

Hinagis naman ni Ox ang hawak na bakal kay Kira na agad naman netong nasalo.

"Ikaw ang may gawa?"

Tanong ni Kira sa kanya.

Ngunit nginisian lamang siya neto, bilang sagot.

Mabilis na kumilos si Ox.

Ngunit nanatiling naka tayo si Kira at matalas na pinakikiramdaman ang galaw ng kanyang kalaban.

Mabilis siyang humarap sa kanyang likuran at iniharang ang bakal sa patalim ni Ox.

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay may isa pa etong itinatago na patalim, agad naman niya iyong na iwasan at mabilis na umikot ng magkaka sunod patalikod gamit lamang ang kanyang isang kamay.

Pagkalapag niya ay palihim niyang ininda ang kanyang sugat, at makita ang daplis na punit sa kanyang uniporme.

Siya naman ang sumunod na sumugod, inihampas niya ang bakal na madaling na harang ni Ox ng kanyang patalim. Habang ang isang kamay naman ni Kira ay nasalo ang braso neto.

Dahil sa iniindang sugat ay tila nakakaramdam ng panghihina at panginginig ng kamay si Kira habang pinipigilan ang atake sa kanya, napansin naman iyon ni Ox kaya't sinikmuraan niya eto ng dalawang beses gamit ang tuhod niya.

Napa bitaw sila sa isa't isa ngunit muling sumugod si Ox.

Salitan ang kanilang mga tira at atake, at dahil sa iniindang sakit sa tagiliran ni Kira, ay naging dahilan iyon upang muling manghina at hindi kayanin ang sumunod na atake sa kanya kaya't natamaan siya sa mukha ng sumipa si Ox.

Hinayaan niya ang sariling umatras.

At maramdaman ang hapdi at malasahan ang dugo sa kanyang labi.

Muli na namang ngumisi si Ox, ng makitang dumudugo ang tagiliran ni Kira.

Pero hindi iyon ikinabahala ni Kira, at nginisian din niya eto pabalik.

"I'm wounded yet you can't take me down."

Sarkastiko niyang sabi.

Na wala naman ang ngisi ni Ox at humigpit ang pagkaka hawak niya sa kanyang dalawang patalim at muling sinugod si Kira na nakatayo lamang at hindi nawawala ang pagkaka ngisi.

Pagka lapit ni Ox, mabilis na umikot si Kira at hinampas niya ng malakas ang hawak na bakal sa ulo neto.

Sunod na hinampas niya ang likod ng paa neto ng malakas at dahil hilo pa eto mula sa pagkaka hampas sa kanyang ulo, ay pabagsak etong napaluhod.

Hindi sinayang ni Kira ang pagkakataon na may iniinda ang kalaban, kaya't binitawan niya ang hawak na bakal at hinawakan ang ulo ni Ox. Handa na siyang balian eto ng mahinto siya at nanlamig bigla.

Gulat at hindi siya maka paniwala sa nakikita.

Sa gilid ng leeg neto ay nakita niya ang letrang V na naka marka.

Aalisin niya sana ang naka harang na uniporme upang makita eto ng maayos, ng biglang may sumipa sa kanyang sugat na ikina inda niya. At dahil sa lakas ng pagkaka sipa sa kanya ay tumalsik siya at tumama ang likod sa mga sirang upuan.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon