Third person's POV
Hininto ni Anne ang kanyang sasakyan, katabi ang ilang mga sasakyan na naka parada.
Pag hinto ni Anne, lumabas agad si Kira at lumapit sa mga nag hihintay sa kanila.
"Queen/Kira!"
Gulat na tawag sa kanya nila Knightly, Violet at Hunter.
Si Knightly ang unang tumakbo pa punta kay Kira at niyakap siya ng mahigpit.
"You made me worried."
Nag aalalang bulong ni Knightly.
Bahagya namang ngumiti si Kira at kumawala sa pagkaka yakap ni Knightly sa kanya at hinarap siya.
"Sorry."
Inilapit ni Knightly ang noo niya sa noo ni Kira.
"Huwag mo ng uulitin 'yun."
Tumango si Kira bilang sagot.
Samantalang inalis naman ni Felix ang tingin sa dalawa at tahimik lang na naka sandal sa unahan ng kanyang sasakyan habang nakapamulsa.
Na kita naman iyon ni Hunter kaya lumapit na siya kila Kira at pa simpleng umubo.
"Queen."
Agad na nag hiwalay sila Kira at Knightly at hinarap si Hunter.
Pinasunod sila ni Hunter at huminto sa likuran ng sasakyan niya.
Binuksan niya iyon at tumambad ang isang lalake na naka tali ang mga kamay at naka busal ang bibig. At pagka kita sa kanila ay bigla etong nag wala.
"Ilabas mo siya."
Utos ni Kira na agad namang ginawa ni Hunter.
Panay ang palag ng lalake sa pagkaka hawak ni Hunter, at ng mailabas na niya ay sinipa niya ang likod ng tuhod ng lalake upang lumuhod eto sa harap ni Kira.
Yumuko si Kira upang maka pantay ang lalake na masama ang tingin sa kanya. Nginisian lamang siya ni Kira at inalis ang busal neto.
"QUI DIABLE ÊTES-VOUS?!!"
[Who the hell are you]
"QU'EST-CE QUE TU VEUX DE MOI?!!"
[What do you want from me]
Inayos ni Kira ang kurbata ng lalake at ang suot neto.
"Rien."
[Nothing]
Simpleng sagot ni Kira at pinagpagan ang damit ng lalake at tinignan niya eto deretso sa mata.
"Je veux juste donner mon cadeau pour vous."
[I just want to give my present to you.]
"Vous devez être présentable quand vous rencontrez votre fils."
[You have to be presentable when you meet your son]
Namutla at nanlake ang mata ng lalake sa sinabi ni Kira, tumayo na siya at naka ngiting naka tingin sa lalake.
"I espère que vous aimerez mon cadeau."
[I hope you will like my gift.]
Maka hulugan niyang sabi.
"Bon anniversaire."
[Happy birthday]
Ng masabi iyon ni Kira, ay mabilis niyang kinuha ang naka tagong baril sa likuran niya at sa isang iglap lamang ay ipinutok niya iyon sa noo ng lalake na ikina gulat ng lahat.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AcciónHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
