Chapter 37

15K 410 24
                                        

"Killer."

Ilang beses na sinasabi ni Pamela sa sarili habang nakatingin sa harapan ng kanyang laptop.

Natigil ang pag iisip niya ng makarinig siya ng kaluskos sa labas ng pintuan niya.

Dahan-dahan niyang kinuha ang baril malapit sa kanya at muling nakiramdam. Ng muling makarinig ng kaluskos ay lumapit na siya at itinapat ang tenga sa pinto.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang baril habang ang isang kamay niya ay naka hawak sa pihitan ng pinto.

Pagka bukas niya ay agad niyang itinutok ang baril.

"Hi?"

Gulat na naibaba niya ang kanyang baril at mabilis na itinago sa kanyang likuran.

"H-hi. A-anong ginagawa mo dito?"

Nagtatakang tanong niya kay Marcus.

"Visiting you?"

Naikunot ni Pamela ang kanyang noo sa isinagot sa kanya.

"B-bakit? Tsaka paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

Napa kamot ng batok si Marcus at tila nahihiya na sumagot.

"I'm sorry but I followed you."

Napanganga si Pamela sa nalaman.

"B-bakit mo ko sinundan?"

"I wanted to make sure that you will go home safe and sound."

Bahagyang natawa si Pamela na ikinataka ni Marcus.

"Why?"

"Ipapa alala ko lang po sayo, na isa akong pulis. Takot lang nila."

Natatawang sagot ni Pamela na ikina tawa din ni Marcus. Ngunit natigil ang pag tawa nila at mapalitan ng pagka gulat ng makarinig ng kalabog.

Pagtingin niya ay nagtatago sa gilid ang kanyang mga kapitbahay.

Napailing at na tawa na lang siya sa itsura ng mga eto.

"Pasok ka na muna."

Pinatuloy niya si Marcus sa loob.

"Pasensya na, hindi kalakihan ang bahay ko. Umuupa lang kasi ako."

Naka ngiwi niyang sabi habang pasimpleng inilalagay niya likuran niya ang kanyang baril.

"Your house is nice."

Puri ni Marcus habang tinitignan ang buong bahay.

"S-salamat. P-para sa akin ba yan?"

Tukoy niya sa hawak netong bulaklak.

"Ah yes sorry, it's for you."

Naka ngiting tinanggap iyon ni Pamela at agad na inamoy.

"And this."

Pahabol ni Marcus at may iniabot.

"Ano 'to?"

Pagka kuha niya ay agad niya etong sinilip.

"Midnight snack?"

Natawa si Pamela dahil sa hindi siguradong sagot ni Marcus.

"Ok, aayusin ko lang para makain na natin, mag titimpla na din ako ng juice."

"Sounds good."

Habang abala si pamela ay abala din si Marcus tignan ang mga litratong naka sabit sa dingding at mga naka patong sa mahabang mesa.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon