Kira's POV
"All your things are here?"
Napa lingon ako kay Knightly na nag lalagay ng mga gamit ko sa trunk.
"Siguro?"
Bahagya siyang na tawa at umiiling habang isinasara iyon.
"A-Ate."
Tinignan ulit ako ni Knightly bago niya ako lagpasan.
Napa buga naman ako ng hangin bago harapin sila Usher at Ashton na umiiyak.
Pag harap ko ay pulang pula na ang mga mata nila. Nilapitan ko sila at yumuko ako para maka pantay sila.
"You too will surely grow into a brave man. Lalo ka na."
Para kay Usher ang huli kong sinabi sabay gulo sa buhok niya. Dahil hindi biro sa isang katulad niyang bata ang naranasan niya.
"A-ate Sophia, p-please don't go."
Aaminin kong ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Lalo na, na nakikita ko ang kambal na umiiyak.
Wala na akong ibang masabi kaya niyakap ko na lang sila.
"I will surely miss you."
Bulong ko sa pa gitan nila.
Naramdaman kong humigpit ang yakap nila sa akin.
"Mamimiss ka din namin a-ate."
Kumalas ako sa pagkaka yakap at nginitian sila.
Pag tayo ko, si Henry naman ang na kita ko akbay niya si Elizabeth na umiiyak.
"Hindi ka na ba namin mapipilit na dito ka na lang anak?"
Tanong ni Henry na pinipilit na hindi maiyak.
Nilagpasan ko ang kambal at huminto sa harapan nilang mag asawa.
Tinignan ko muna sila ng ma tagal bago ako nag salita.
"Thank you for not giving up on me Henry. Thank you for everything."
'Yun lang ang tangi kong na sabi.
"Sophia!"
Umalis si Elizabeth sa pagkaka akbay ni Henry at nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit habang humahagulgol ng iyak.
Bahagya akong napa ngiti at niyakap siya pabalik.
"Thank you, Elizabeth."
Bulong ko.
Inangat niya ang ulo ko at tinignan ako at umiling.
"No, thank you. Salamat dahil hinayaan mo akong maging ina mo. Mag iingat ka doon ha! Mamimiss ka namin. Mag sabi ka lang kung walang nag luluto doon para sayo, agad kitang pupuntahan."
Sabi niya habang umiiyak.
Na tawa naman ako at tumango na lang bilang sagot.
Kumalas naman siya sa pagkakayakap niya sa akin pero hindi binibitawan ang kamay ko.
"Laging bukas ang bahay na 'to para sayo anak, at naghihintay lang kami sayo."
Sabi ni Henry, lumapit siya sa akin para yakapan ako ng mahigpit at halikan sa ulo.
Napansin ko naman si Jasper na tahimik na nakapamulsa at sa ibang gawi naka tingin.
Nilapitan ko siya at sinuntok ng mahina ang braso niya.
"Ikaw? Hindi ka ba iiyak?"
Tanong ko.
Na kita kong humugot muna siya ng hangin bago sumagot.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AcciónHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
