Pamela's POV
"Ui partner, magbabakasyon ka lang hindi lalayas ng istasyon. Kung makapag impake ka naman ng gamit mo."
Hindi ko pinansin ang pangangasar ni Erick.
Tuloy lang ako sa pag pasok ng mga mahahalagang papel sa bag ko.
Humingi kasi ako ng konting araw para magbakasyon, si ninong ang kinausap ko para maaprubahan kaagad.
Ok na kami, nag sorry na ako sa kanya. Sabi rin niya na maganda daw ang naisip ko na mag leave muna para hindi daw kung ano ano ang nasa isip ko.
Pero ang totoo niyan, kaya talaga ako nag leave ay para makapag focus ako sa secret mission ko.
Lalo na ngayon na madali na akong makaka labas pasok sa subdivision na pinuntahan ko noon.
Naka break kasi ako noon at na isipan ko na magbaka sakali ulit na baka maka usap ko na si Mr. Henry.
Naghintay ako ng pwede ko ulit na sabayan pag pasok tulad ng ginawa ko noon.
Pero mauubos na ang oras ng break ko wala pa ding sasakyan na papasok sa subdivision.
Kaya sinubukan ko na lang ulit pumasok ng walang sinasabayan.
Naka yuko ako habang papalapit sa gate kung saan may naka gitnang guard house.
Yumuko ako para hindi ako makilala baka kasi ang nag babantay ay 'yung guard na hindi nagpa pasok sa akin.
Pero hindi pa man din ako tuluyang nakakapasok, tinawag at pinahinto na ako ng guard.
Tinanong niya kung saan ako pupunta at kung expected ako. Tulad din ng unang tanong sa akin ng unang beses akong nagpunta doon.
At sinabi ko din ang tulad na sinabi ko noon, pero hindi pa rin ako pinapasok.
Ng inangat ko na ang mukha ko at tinignan ang guard, bigla siyang ngumiti at nakilala ako.
Siguro ng na pansin niya sa itsura ko na nag iisip ako kung sino siya ay tsaka lang siya nagpakilala pero hindi talaga pamilyar ang mukha niya kahit ang pangalan niya.
Kaya may isa pa siyang sinabi na, nakapag paalala na sa akin sa kanya.
Kinuwento niya ang pangyayaring humihingi siya ng saklolo dahil ang nanay niya ay na aksidente, dahil daw sa duguan ang nanay niya walang may gustong magpasakay sa kanila na taxi o gustong tumulong man lang.
At doon ko na nga siya tuluyang na alala.
Papauwi na ako noon ng maka salubong ko siya bitbit ang duguan niyang nanay, at hindi ako nagdalawang isip na pasakayin sila kay jaguar at ihatid sa malapit na ospital.
Na alala ko pa na nag bigay ako sa kanya ng konting tulong kasi habang nasa emergency room ang nanay niya ay may kausap siya sa cellphone at naririnig kong problemado siya sa pera.
Kaya bago ako umalis noon ay inabutan ko siya ng pera, napa iyak pa nga siya eh. Sabi niya papalitan na lang daw niya iyon pag nagka pera na siya. Pero sinabi kong wag na iyon alalahanin.
At ayon nga ng nagkita ulit kami sinabi ko sa kanya kung ano ang balak ko at sinabi din na nahihirapan akong pumasok sa sobrang higpit ng sudbivision na 'yun.
Sinabi niyang 'wag na daw akong mag alala dahil tutulungan niya ako. Binigyan niya ako ng temporary pass. Tuwang tuwa naman ako dahil hindi na ako mahihirapan at mag iisip kung paano ako makakapasok.
Sinabi niyang kulang pa nga daw iyon sa ginawa kong tulong sa kanila. Kung hindi nga daw dahil sa akin baka namatay na ang nanay niya.
Kaya naisipan kong mag leave para matapos na ang mission ko at makuha ko ang pinaka aasam kong promotion.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AcciónHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
