Saturn's POV
Malalim na ang gabi pero nasa labas pa din si Kira, naka upo at naka tingala sa langit at sinusubukang labanan ang walang tigil na pag tulo ng luha niya.
Yumuko siya sa tuhod niya at tahimik na humihikbi.
Nasasaktan ako sa nakikita ko. Nasasaktan ako para sa kanya.
She doesn't deserve this. All she wanted is to give justice to her mom.
Alam ko ang pinagdadaanan niya. Saksi ako doon, malapit man kami nila tanda sa kanya tignan pero alam namin na may makapal na harang pa rin sa pagitan ni Kira at sa amin.
Alam ko ang takot niya. Ang takot na kapag inalis ang harang na naka pagitan sa kanya ay baka maramdaman na naman niya ang sakit.
Takot siyang sumubok. Dahil isang beses na siyang na takot.
She may be tough and fearless on the outside. But she's fragile on the inside.
Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari.
Wala ni isa.
Parang mas lalong naging komplikado ang lahat para kay Kira.
Lalo na ngayon, alam kong mahihirapan siya.
Etong pagkaka taon na 'to, kailangan lagi akong nasa tabi niya.
Hindi lang para damayan siya, kundi para bantayan ang bawat gagawin niya.
I know she's confused, kaya natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Napa tingin ako sa kanang gawi ko ng makita ko si Henry na parang nag aalangan pang lapitan si Kira.
Ng tuluyan siyang maka lapit, kinuha niya ang album na nasa tabi ni Kira at binuksan iyon.
Umalis na ako sa pagkaka sandal sa puno at tumalon papasok sa terrace ng kwarto ko.
Bago ako tuluyang pumasok, tinignan ko ulit sila.
Ganoon pa rin ang posisyon niya, naka yuko pero huminto na sa pag hikbi.
~~~~~~~
Kira's POV
I feel Henry's presence, but I'm in pain and weak para pa alisin siya. Kaya hinayaan ko na lang siya sa tabi ko.
"You look very cute here, I remember lagi kong nakakawawa ang pisngi mo noon dahil sa sobrang cute mo. Siguro kung may pagsisisi ako isa na doon 'yung, hindi ako nagkaroon ng pagkaka taon na makita ang unang pag hakbang mo, marinig ang una mong sinabi--teka ano nga ba ang una mong sinabi? Mommy ba o daddy?"
Tumawa siya ng mahina.
"You're so adorable, very innocent, and too precious. Isa pa sa na aalala ko, takot na takot ako noon hawakan ka dahil ang liit mo, I'm afraid I might break you or hurt you."
Na tigil siya at bumuntong hininga.
"But I already did. I hurt my precious."
Ilang minuto kaming napa gitnaan ng katahimikan pero siya din naman ang bumasag.
"I know hindi lang ikaw ang nasaktan ko. I also hurt Isabella, your mom. Kasal na ako sa tita Elizabeth mo noong nagka kilala kami ng mommy mo. I had a business meeting in France, where I met her. I admit I felt the love at first sight thingy on her and she also admitted to me that what we felt were mutual. She didn't know about Elizabeth, she didn't know that I'm already married. Sa sandaling nagka sama kami ni Isabella, malaking kasalanan ang na gawa ko sa asawa ko. I love your mom but I love my wife too. Naki usap ang mommy mo na 'wag ko siyang iwan, hindi ko siya matanggihan dahil mahal ko siya, at ang maikling pagmamahalan namin ay nag bunga, at ikaw 'yun. And this unexpected news came to me, Elizabeth was also a week pregnant, at si Jasper naman 'yun. At sobrang maselan at delikado ang pagbubuntis niya. Wala akong na gawa kundi iwan ang mommy mo, kayong dalawa. Masakit pero kailangan kong gawin. I left your mom without saying anything. Even a single note. Dahil ayoko ng mag iwan ng kahit na ano, na makakapag padagdag pa sa sakit na maibibigay ko."
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
AçãoHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.