Chapter 68

12.9K 361 8
                                        

Mabalis na nahabol ni Kira sila Hunter at kita niya na nakikipag palitan ang mga eto ng putok sa dalawang sasakyan na pinapa gitnaan sila.

Kaya binilisan niya ang pagmamaneho, hanggang sa pumagitna siya sa sasakyan nila Hunter at sa sasakyan ng kalaban.

"Surprise, asshole."

Naka ngising sabi ni Kira sa kalaban nila at sinipa niya ng malakas sa ulo ang lalakeng may hawak na baril.

Binuksan naman ng kalaban na nagmamaneho ang bintana niya at pinaputukan si Kira.

Ngunit mabilis na naiwasan 'yun ni Kira ng umangat siya at bigyan ng pwersa ang kanyang kamay sa manibela ng kanyang motor at pabaliktad na inangat ang sarili, at pag lapag niya ay inangat naman niya ang kanyang dalawang paa at ipinilipit 'yun sa braso ng lalake at binali iyon. At ang sasakyan na minamaneho ng kalaban ay bumangga sa malaking bato.

"Cool!!"

Hangang sigaw ni Hunter ng maka sabay niya si Kira.

Sabay naman silang napa yuko ng magpa putok ang ilan pa sa kalaban nila na nasa kabilang sasakyan.

"SCAR!!"

Sigaw ni Kira.

"Queen?"

Sagot ni Scar.

"Durugin mo."

Naka ngising sabi ni Kira.

Napa ngisi din si Scar at pinatunog niya ang kanyang leeg at kanyang mga daliri, at siniko ng malakas ang katabi netong bintana.

"Waaaa!! Bakit mo binasag?! Sana binuksan mo na lang!"

Nanlalake ang matang reklamo ni Hunter dahil sa ginawa ni Scar sa kanyang sasakyan. Nilingon naman siya neto at nag kibit balikat bilang sagot. At agad na hinila ang kalaban na muling nag tutok ng baril sa kanila.

Malakas na hinila ni Scar ang kalaban hanggang sa lumusot ang kalahating katawan neto sa basag na bintana.

Magkaka sunod na sinusuntok ni Scar ng malakas ang kalaban sa mukha, at ng makita niyang duguan na eto ay binitawan na niya iyon at hinayaan na mahulog at gumulong sa lupa.

Tinutukan naman ng baril si Scar ng kalaban na nagmamaneho, at bago pa siya neto mapaputukan ay na unahan na siya ni Knightly.

"VIOLET!!!"

Rinig nilang sigaw ni Ox sa kabilang linya.

"Anong nangyayari?"

Tanong ni Kira. Hindi naman agad naka sagot si Ox.

At hindi na rin niya hinintay na sumagot eto, binilisan na niya ang pagmamaneho at maunahan si Hunter. At hindi kalayuan sa unahan niya ay isang pamilyar na babae ang naka handusay pabaligtad sa lupa.

"Damn."

Mura niya ng mahina.

Ng malapit na siya ay binagalan niya ang pagmamaneho at tumalon, at hinayaan na bumagsak ang kanyang motor at mabilis na pinuntahan si Violet.

"Violet!!"

Hinarap niya eto at na kita niya ang mga galos, sugat at duguan netong mukha.

"Violet!"

Kinapa niya ang gilid ng leeg ni Violet at ng maramdaman na may pulso pa eto, kahit mahina ay napa buga siya ng hangin at na wala ang kaba sa kanyang dibdib.

Na kita naman niyang may paparating na sasakyan mula sa unahan nila.

Kinuha ni Kira ang katabing baril ni Violet at tumayo, kasabay ng pag tutok ng baril sa sasakyan na papalapit sa kanila.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon