"Wow, ang aga ng mga bisita niyo."
Napa tingin ako sa tinutukoy ni Hunter na mga kotse na nakaparada sa tapat ng bahay.
Bukas din ang lahat ng ilaw, mag aala singko pa lang ng umaga.
"Eyes on Pamela, ok?"
Sabi ko at tinanggal ang seat belt ko.
"Ano ba talaga ang---"
"'Wag na muna ngayon Hunter, I'm tired."
Sagot at putol ko sa sinasabi niya. Napa buga naman siya ng hangin bago muling mag salita.
"Ok."
Lumabas na ako sa kotse niya. Kung pwede lang, kahit ngayon lang ayoko munang mag isip.
I am mentally and physically drained. All I want is to lay on my bed and sleep.
Pina alis ko na muna si Hunter bago ako nag lakad papasok sa gate.
Na gulat ang mga guards sa akin, mag rereport sana sila sa radyo nila ng patigilin ko sila.
Parang alam ko na kasi ang maaabutan ko sa loob.
Kaya hindi ako dumiretso sa front door, nag punta ako sa tapat ng terrace ko. Dito ako dadaan dahil malamang hindi na naman mapakali ang mga tao dito sa kakahanap sa akin.
Ayoko ng atensyon.
Nag simula akong umakyat, hanggang sa makarating ako sa terrace ko.
Buti na lang pala hindi ko sinasara ang glass door ko, pumasok na ako at diretsong humiga sa kama ko.
At pagka higa na pagka higa ko, agad naman akong naka tulog.
~~~~~~~
"Hide in the closet now!!!"
"No mommy, I'm not going to leave you!"
"Just hide!!"
"KYAAAHH!!"
Napa tili at nanlake ang mata ng bata ng biglang masira ang pintuan at iniluwa ang isang lalake na walang mukha at may hawak na patalim.
"HAHAHAHAHA!! ISABELLA!!"
Itinago ang bata ng kanyang ina sa likuran neto upang maprotektahan. At napapa atras ng dahan dahang habang lumalapit sa kanila ang lalakeng walang mukha.
"YOU'RE MINE HAHAHAHAHA!!!"
Hinila ng lalake ang ina ng bata at magkaka sunod na sinaksak eto sa kanyang harapan.
"MOM!!!"
Sigaw ng bata ng makita niya kung paano pinapatay ang kanyang ina sa kanyang harapan.
Napatingin ang lalake sa kanya at bigla na lang etong nagkaroon ng nakaka takot na bibig at binitawan ang kanyang inang wala ng buhay.
"SOPHIA."
Tawag ng lalake at sinugod siya.
"NOOOO!!!"
"NO!!"
Napa balikwas ako ng bangon at habol ang hininga ko.
Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at bahagyang napa sabunot ng buhok.
"Damn nightmare."
Bulong ko.
Tinignan ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)
ActionHighest Rank Reached #6 in Action (Started: July 2016 - Ended: Nov. 2016) Her DARKEST and most DANGEROUS sides, come to light and she make everyone shiver.
