Chapter 29

16.2K 451 26
                                    

Pamela's POV

Hindi ko alam kung naka ilang beses na akong nag inat at humikab.

Naka ilang sabay na rin ako sa kanta sa radyo.

Naka ilang beses na rin muntik sumupalpal ang mukha ko sa manibela dahil sa antok.

Pero bakit wala pa din akong nakikitang kahina-hinala!!

"Hayss!"

Dumiretso ako ng upo.

"Patience is a virtue, Pamela! Good things come, to those who wait! Kaya team abangers! Dito lang tayo!!"

Kinuha ko na lang ang isa sa mga paborito kong libro at nag basa.

Naka ilang lipat pa lang ako ng pahina ng may marinig ako mula sa likod na paparating na mga sasakyan.

Pag lingon ko tatlong magkaka sunod na ilaw ng sasakyan ang nakikita ko.

Awtomatikong nanlake ang mata ko ng dumaan lahat sila sa harapan ko sa sobrang bilis.

"Tsk! Tsk! Tsk! Mga kabataan talaga."

Umayos na lang ulit ako ng upo at pinagpa tuloy ang pagbabasa ng libro.

Pero agad ko ding naibalik ang tingin ko sa unahan, kung saan huminto 'yung tatlong sasakyan.

At sa tapat mismo iyon ng bahay ng mga Dela Fuente.

Pagtingin ko, mga lalake ang lumabas sa bawat sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob.

"Teka. Mga Dela Fuente ba 'yun?"

Kinuha ko ang maliit kong notebook at tinignan ang plate number ng sasakyan ng isa sa mga Dela Fuente.

Kaya lang bigla kong na alala na ang pangalan lang ang natanong ko.

"Naman Pamela!"

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Tonyo.

Ilang ring lang at sinagot na niya.

"Hello Tonyo? Naku, pasensya na ha. Nakalimutan ko kasing itanong kanina. Ano ba 'yung plate number ng sasakyan ni Jasper Dela Fuente?"

[Iyon lang po pala. Sandali lang po ha.]

"Sige, sige."

Narinig ko sa kabilang linya na naglilipat siya ng pahina.

[Hello madam? Eto na po.]

Kinuha ko ang ballpen ko at hinintay ang sasabihin niya.

"Sige Tonyo."

Nasulat ko na ang sinabi niyang plate number.

Magpa paalam na sana ako ng may na alala ako.

"Oo nga pala. May dumaan ba diyan na tatlong sasakyan? Isang puti, pula at itim?"

Sasabihin ko na din sana 'yung mga plate number na nakikita ko pero agad siyang sumagot.

[Ay opo ma'am meron po. Mga kaibigan po ni Sir Jasper 'yan.]

"Ganun ba. Sige, maraming salamat Tonyo ha."

[Anytime po madam!]

Ibinaba ko na ang phone ko at lumabas ng kotse at umupo sa hood.

Parang di pa naman ata dumarating 'yung Jasper, bakit nandoon ang mga kaibigan niya.

Inayos ko ang jacket ko at ang suot kong sumblero at naglakad papunta sa bahay ng mga Dela Fuente.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon