Chapter 64

13.2K 399 39
                                    

Kira's POV

"Jasper, what are we doing here?"

Pinag buksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya.

"We need answers 'di ba kung na saan sila Usher? Well, we are in the right place."

Na itaas ko ang isang kilay ko.

"Right place? Eskwelahan 'to Jasper. Anong gagawin natin dito?"

Napa nguso naman siya.

"'Di ba ok na kayo ni dad? Hindi ba pwedeng bawasan mo 'yang kasungitan mo. Kahit konti lang."

Na iikot ko na lang ang mata ko habang napapa iling.

"Just lead the way."

"Ang sungit talaga."

Sabi niya at tumawa.

Tss.

Walang pasok ngayon pero sabi niya nandito daw ngayon ang pupuntahan namin.

Kaming dalawa lang ni Jasper.

Pina iwan ko sila Hunter, Ox at Violet sa bahay para may magbabantay kila Henry.

Si Elizabeth naman ng magkaroon na siya ng malay, si Ashton ang una niyang hinanap. At ng makitang ayos ang anak ay muli na naman siyang napa iyak at ng si Usher na ang hinanap niya, si Henry na ang nagsabi ng lahat ng nalaman niya habang siya ay walang malay.

At ng sinabi ni Henry na na kuha si Saturn kasama si Usher, ang akala ko mahihimatay na naman siya dahil muntik na siyang matumba mabuti at na salo agad siya ni Henry.

Walang tigil ang iyak niya, hanggang kanina bago kami umalis ni Jasper. Nakatulala lang siya.

Na hinto si Jasper sa paglalakad at biglang sumama ang tingin niya sa unahan niya, kaya tinignan ko ang tinitignan niya.

Si Felix.

Napansin kong na ikuyom ni Jasper ang kamao niya, habang papalapit si Felix sa amin.

At ng malapit na siya, humarang sa unahan ko si Jasper.

"Stay away from my sister."

Ano bang problema neto, ang sabi niya nandito daw ang makaka tulong sa amin.

Hindi ba si Felix 'yun?

May alam ba siya sa ginagawa ng tatay niya?

"Why?"

Tanong ni Felix.

"Don't waste our time Jasper kung hindi ka magtatanong ako ang magtatanong---"

"No. Dahil hindi siya ang kailangan natin. Hindi ako kukuha ng impormasyon sa anak ng demonyo."

Hindi kay Felix?

"Kung hindi sa kanya---Jasper!"

Na gulat ako sa pag sugod ni Jasper at sinuntok si Felix.

"What the hell is your problem?!!"

"THAT'S FOR MY REAL BROTHER KILLED BY YOUR DAD!!"

Na kita kong biglang namutla ang itsura ni Felix. May alam siya?

Susugudin sana ulit siya ni Jasper ng mabilis akong pumagitna sa kanila.

Sinalo ng kaliwa kong kamay ang kamao ni Jasper. Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.

Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.

We're in the same pain. Mas malala nga lang ang akin.

"That's enough Jasper, we're running out of time at kung hindi si Felix ang sadya natin dito. You better come with us!"

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon