Chapter 21

16.5K 436 25
                                        

"Hala!! Anong nangyari sayo Sophia? Bakit ganyan ang itsura mo, basang basa ang mukha mo tapos namumula. Ang gulo din ng buhok mo tsaka bakit hingal na hingal ka? May marathon ba sa labas?"

Pagkadating ko sa room, umupo agad ako at imbes na sagutin ang tanong ni Bruno, kinuha ko ang mineral water niyang hindi pa bukas at agad na tinungga iyon.

Pagka ubos ko inabot ko iyon kay Bruno na nakangangang naka tingin sa akin.

"Gusto mo pa ba? Uhaw na uhaw ka eh."

Umiling lang ako bilang sagot.

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko sa pag takbo at ang pagka uhaw ko.

"Here."

Inabutan ako ni Celine ng suklay at salamin, at tinaasan ko lang siya ng isang kilay.

"You will need this."

Sabi pa niya ng hindi ko pa din iyon kinukuha.

"Tama siya, kailangan mo nga yan."

Sang ayon naman ni Bruno.

Wala na akong nagawa at kinuha na iyon.

Pagtingin ko sa salamin, nagulat ako sa itsura ko.

Ang gulo gulo ng buhok ko, at ang pula pula ng pisngi ko.

"See? Kailangan mo."

Sabi ulit ni Bruno at na tawa.

Tinignan ko lang siya ng masama at nagsimula na rin akong mag suklay.

"Ano ba kasing nangyari sayo? May humahabol ba sayo? Anong ginawa sayo? Inaway ka? Pinagsamantalahan?"

Pinagsamantalahan?

I feel that my face turned red again.


Flashback

"I'll give you a reason then."

Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, kaya bigla din akong napa pikit.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil naka hawak ako sa dibdib ko.

Sobrang lapit na niya sa akin, dahil ramdam na ng labi ko ang hininga niya.

Unti-unti kong inilalayo ang mukha ko pero hawak niya ang baba ko kaya nahihila niya ako pabalik.

Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay kong naka hawak sa dibdib ko. Pilit ko iyong hinihila paalis sa pagkaka hawak niya pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi ko makaya ang mahigpit niyang pagkaka hawak sa kamay ko.

"Pfft--"

Inalis niya ang pagkaka hawak sa baba ko pero ang pagkaka hawak niya sa kamay ko ay hindi pa niya inaalis.

Lumayo siya ng konti at gamit ang isang kamay niya tinakpan niya ang bibig niya.

Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"A-anong--pfft--what happened to your face?"

Hindi ko alam kung bakit nagpipigil siya ng tawa.

Ano bang meron sa mukha ko.

Binitawan na niya ang kamay ko at sinisenyasan niya akong tumalikod.

Nagtataka at masama ang pagkakatingin ko sa kanya bago ko sundin ang pinapagawa niya.

At pag harap ko nga sa salamin.

What the hell is this?!!

Hinawakan ko ang mukha ko at pilit na binubura ang puting bagay.

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon