Chapter 38

13.8K 402 36
                                    

"Anong nangyari? Na tanong mo ba si Hunter?"

Hinila ni Saturn si Kira paakyat ng hagdan, at abutan siya neto ng isang papel.

"I saw this on my locker."

Tumingin muna sa paligid si Saturn bago iyon kunin at basahin ng tahimik.

If you want to see him. Just wait for the right time.

"Bakit kailangan mo pang mag hintay kung kilala naman pala niya?"

Tanong sa kanya ni Saturn.

"Wala rin akong idea."

Sagot ni Kira at hinarap eto.

"Hindi ako mapakali, ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko na siya makita."

"Baka naman nagpapagaling lang. Eh mukhang napuruhan mo ata kagabi."

Napahilamos si Kira ng mukha at bumuga ng hangin.

"Si Sakura ba nag reply na?"

Tanong niya kay Saturn.

"Wala pa eh. Kahit si tanda tinatawagan ko pero panay ring lang. Siguro nag eenjoy masyado ang mga 'yun sa pagha hunt. Hayyy!! Nakaka inggit!"

"Kids! Ok na kayo?"

Sabay silang napatingin kay Henry na naka tayo sa ibaba ng hagdan.

"Yes, dad ok na po!"

Naka ngiting sagot ni Saturn.

"Good, ibaba niyo na ang mga gamit niyo at ilagay na lahat sa kotse."

Naka ngiting tumango si Saturn at hinila si Kira patungo sa kanilang mga kwarto.

"Kira."

Papasok pa lamang siya ng tawagin siya ni Saturn.

"Enjoy this trip. Kaya nahihirapan ka ng mag isip dahil punong puno na 'yang utak mo."

"Whatever."

Walang ganang sagot ni Kira at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya.

Tinignan niya na muna ang kanyang laptop, ngunit walang nakitang mensahe mula sa mga kasamahan.

Umupo siya sa harapan at nag simulang mag tala ng mensahe.

"Hey! Daya niyo, hindi niyo sinasagot ang mga tawag ko. Alam niyo bang miss na miss ko na kayo."

Bumuga ng hangin si Kira at malungkot na ngumiti.

"Sana masagot niyo agad ang mga tanong ko. Mahal ko kayo."

Inilapit ni Kira ang kamay niya sa kanyang labi at sunod na inilapit iyon sa kamera at tinapos na ang pag tatala.


~~~~~~~~~~

"Damn!! Why she's not picking up her phone?!!"

Sinubukang muli ni Felix na tawagan si Kira, ngunit muli siyang nabigo. Kaya't galit niyang na ibato ang kanyang telepono at mapa upo sa kanyang higaan.

"Kuya, dinner is ready."

Pumasok si Celine at huminto sa tapat ni Felix.

"Get out!!"

Sigaw ni Felix ngunit hindi niya iyon binigyang pansin, at makita ang teleponong nasa ibaba.

"Why are you forcing yourself to her? Can't you see, she doesn't feel the same. There's a lot of girls out there."

Assassin's Faith (Book 1: Where It All Begun) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon